[ 57 ] What Happened?

40.6K 578 51
                                    

CHAPTER 57: What Happened?

Matapos ang mahabang bakasyon dahil sa nangyari sa kanya ay nakapasok na siyang muli. Habang papunta siya sa kwarto, napansin niya ang mga mata na nakasunod sa kanya na akala mo ay nakakita ng multo. Hindi na rin naman siya nagtataka pa dahil sino nga ba naman mag-aakala na makakaligtas pa siya sa nangyari sa kanya, 'di ba? 'Yon lang naman ang naiisip niya na dahilan at wala ng iba pa.

Pagdating niya sa classroom ay naramdaman niya kaagad ang masayang kapaligiran. Halos kumpleto ang 11SG doon at masayang nagkukwentuhan kaya naman nadala noon ang aura ng kwarto. Nandoon din si Zavier sa madalas na inuupuan nito kaya naman tumabi siya doon. Tahimik lang ito habang nakatingin sa laptop niya at mukhang busy sa ginagawa.

"Oh pumasok ka na! Tagal mo'ng nawala, ah? Kung gaano katagal wala si ZAC, ganoon ka rin. Siguro nagdate kayo, 'no?" sabi ni Sean sa kanya.

"Hindi, ah! May kailangan lang akong asikasuhin kaya nagbakasyon ako ng biglaan," pagsisinungaling niya.

"So hindi mo kasama si ZAC? Wala ka ba'ng balita do'n kay Pinuno?" tanong ni Jerry.

"Papasok din 'yon! Baka nagpapamiss lang. Hahaha!" biro ni Drew.

Nginitian niya na lang ang mga ito at nanahimik. Ang ipinagtataka niya lang, mukhang wala ring alam ang mga ito sa kung nasaan man si ZAC. Ano na nga ba talaga ang nangyari dito at bigla na lang itong nawala?

Nagulat naman ang lahat nang may biglang pumasok sa room. Magkasabay na dumating sina Kim at ZAC. Nakahawak pa nga si Kim sa braso ni ZAC pero nang makapasok na sila ng kwarto, humiwalay na si ZAC at dumeretso sa upuan nito at tumungo. Ni hindi man lang niya tinignan si Steffi o kahit na sino. Tuloy tuloy lang ito. Wala naman siyang nagawa kung hindi tingnan na lang ito at isipin kung ano nga ba ang nangyari sa kanya ng mga nakaraang linggo.

Nang dumating ang professor nila sa subject na Philosophy ay hindi nito agad napansin ang natutulog na si ZAC pero nang makita niya ito ay agad niya rin itong sinita. "Mr. Zyril Choi, why are you sleeping in this classroom?!" sigaw nito.

Agad na umayos ng upo si ZAC. Gulo gulo pa ang buhok nito at halatang antok na antok.

"Aba t*ngina naman, oh! Hindi kita iniistorbo sa pagtuturo mo dyan kaya 'wag mo din akong istorbohin dito. Umayos ka kung ayaw mong matanggal dito. Umalis ka na nga lang! Hindi ka namin kailangan dito. Ang ingay mo!" asar na asar na sinabi ni ZAC.

Wala ng nagawa ang professor nila at kahit bwisit na bwisit ito sa pagkabastos ni ZAC, umalis na lang ito ng walang sinasabi. Napatingin na lang si Steffi kay ZAC. Nakikita niya na naman ang ZAC na una niyang nakilala. Ang ZAC na walang modo, mayabang at basagulero. What happened to you, ZAC?

"Nagbalik na ang lider namin! Ayos!" tuwang tuwa na sigaw ni Nathan.

"Gago! Anong nagbalik? Ganyan naman talaga siya. Bumait lang ng kaunti," sabat ni Clint.

"Inlababo lang 'yan kaya ganyan," dagdag ni Blaine.

"Tigilan niyo ko. Tara, yosi! Sama ka, Kim?" pagyayaya nito.

"Sure! But I won't smoke, ah? It's bad for the health," sagot ni Kim.

Naunang lumabas si ZAC at sumunod si Kim kasama ang mga ka-grupo nito. Hindi niya talaga ito maintindihan. Bigla na lang itong bumalik sa dating maling gawain na tinigil na nito noon sa tulong ni Steffi. Isa lang ang bagay na sinisiguro niya: may pinagdadaanan ito. Ano kaya ito? Hindi niya 'yon alam at hindi niya malalaman hangga't hindi niya ito nakakausap.

***

Pagkatapos ng klase ay nagpasya si Steffi na dumeretso na sa bahay at h'wag ng dumaan pa sa kahit saan dahil gusto niya na rin na magpahinga pero sa kanyang daan palabas ng skwelahan ay hinarang na naman siya nina Miranda. Hindi ng mga ito kasama si Mitch na hindi rin nakapasok kanina.

An Orphan's First Love: Love or Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon