ANTF 38

1K 32 7
                                    

Nagising ako nang nakangiti. Ewan, parang automatic akong napangiti nang buksan ko ang mga mata ko, pero para naman akong naiiyak sa saya.

"Another day.. Another year. Thank You." Sabi ko at naupo mula sa pagkakahiga.

Nagdasal muna ako bago tuluyang bumangon at ayusin ang sarili para makababa. At hindi pa man ako tuluyang nakakababa, nagkalat na ang balloons dito sa hagdan. Napangiti ako at mas napangiti ako nang makita ko sina Daddy, Mommy, Jasper at Evander na nasa dulo ng hagdan at hinihintay akong makababa.

Nakangiti silang apat at may dalang cake si Daddy, at kumanta sila.

"Happy birthday to you.. Happy birthday to you.. Happy birthday, happy birthday.. Happy birthday, Natalia.." Pagkanta nila at saktong nakababa na rin ako.

Hindi ko na napigilang mapaluha. "Thank you, Daddy, Mommy and baby boys ko." Sabi ko at nag-group hug kami.

"We love you, Ate!" Sabi ng kambal.

Hihilingin ko pa ang special, eh sobra-sobra na 'tong nararamdaman ko ngayon. Sobra-sobra na 'tong ginagawa nila para sa'kin.

Kinuha ni Mommy ang pisngi ko at pinunasan. "Oh, sabing walang iiyak. Birthday mo ngayon."

Natawa ako. "Hindi po ba pwedeng naiiyak po ako sa sobrang saya? Thank you so much, Mommy. I love you.."

Hindi naman na bago, hindi naman just now kung i-surprise nila ako. Lagi kayang ganito, pero 'yong nararamdaman ko, palalim nang palalim. Alam mo 'yong year by year, pasaya nang pasaya at nakakalunod sa sobrang saya. Siguro, ito talaga 'yong feeling.. Ganito 'yong feeling na maituring na isang anak. Sobrang sarap sa pakiramdam.

"Ba't umiiyak ang babies ko, ha?" Tanong naman ni Daddy nang mapansin kong umiiyak na rin si Mommy.

Pareho kaming natawa ni Mommy at sunod ko naman na pinunasan ang pisngi niya. Hinila naman ako ng kambal at sabay na hinalikan sa magkabilang cheeks ko. Aww.

Nagdrama-drama pa kami rito at pagkatapos ay inakbayan na ako ni Daddy at sa kabila niya ay si Mommy at nagpunta na sa bakuran. Noong una, nagtataka pa ako kung bakit sa bakuran kami pumupunta at hindi sa dining table, not until nang makita ko ang nakahanda rito sa backyard ng bahay.

Isang table, may mga nakahandang pagkain, at may mga decorations rin na nakapaligid dito. Surprise nga.

Tumingin ako kina Mommy at nakangiti lang siya sa'kin. "Kasabwat ko ang Daddy at mga kapatid mo rito." Sabi niya at medyo natawa.

Iginala ko ulit ang paningin ko rito sa hinanda nila ngayon sa araw ng birthday ko. Ang saya lang. At masasabing kong first birthday ko na nangyari ito. Itong pagkagising ko, na-surprise na ako at mukhang celebration na agad. 'Yung mga nakaraang birthdays ko kasi, madalas puro hapunan ang kainan at parties. Madalas, naghahanda sina Mommy pero minsan ay sa labas na kami nagse-celebrate. At kapag parties naman, as in 'yong maraming visitors na pupunta, huling pagkakatanda ko na nangyari 'yon sa'kin ay noong 18 years old pa ako. Alam niyo na, debut. Hindi rin naman kasi ako mahilig sa parties. Just a simple celebration with my family and friends.

Napatigil ako sa paggagala ng tingin ko nang maramdaman kong may inaabot sa'kin si Daddy. Isang malaking box na flat, mukhang frame ang karga.

"Para sa'yo, anak." Sabi niya kaya kinuha ko ito. Medyo mabigat.

"Picture frame?" Tanong ko at natawa siya. At natawa ako nang maalala ko 'yong time na sa tuwing nagpaplano kami ng Christmas party, banned ang picture frame at photo album na iregalo. Haha!

A Night To FallWhere stories live. Discover now