ANTF 25

1.6K 38 52
                                    

"Babe, gusto mo?" Alok sa akin ni Travis ng alak pero umiling ako.

He caressed my arm at medyo nangilabot ako sa haplos niya. Nagulat pa ako nang ilapit niya ang ilong niya sa balikat ko kaya napalunok ako. Napalunok ako dahil sa dalawang rason. Una, ramdam ko ang galit ni Lennon, mga titig niya na alam kong umaapoy kahit hindi pa man ako tumitingin ulit sa kanya. At pangalawa nakakandong pa rin ako kay Travis at hindi ko magawang umalis dahil sa inis ko kay Lennon.

Eh, bakit? Siya lang ba ang pwedeng magkandong diyan?

Argh! Naiinis talaga ako, kaya ito, hinahayaan ko ang sarili ko na nakakandong sa lalaking ito na sa pangalan ko lang kakilala. At nakakainis dahil 'yong pangako niya na hindi na iinom at magpupunta sa bar, ano na ngayon? Nandito siya sa bar, nagkakatuwaan, umiinom and worst, kasama niya si Yanna. Naglalandian silang dalawa, at.. at nakakandong si Yanna sa kanya, hindi niya pinaalis? Ayaw ko mag-isip pero naiisip ko na kung ano 'tong tawag niya sa ginagawa niya sa akin.

Kaya pala hindi siya tumatawag sa akin o kahit mag-text man lang, kasi ito, nandito siya sa bar at tuwang-tuwang nakikipag-inuman. Nakakainis siya, nakakainis siya.

Now, wala akong pakialam kung galit din siya sa akin. At siya pa talaga ang mukhang galit? Siya pa? Eh, ako dapat! Ako dapat.. Kung hindi pa sinabi sa akin ni Travis na nandito siya, hindi ko pa alam. Hindi ko siya pinaniwalaan noong sinabi niyang nandito si Lennon dahil mas pinaniwalaan ko si Lennon.

Hindi ko magawang magalit, I was wrong. Dahil ngayon, nalulungkot ako. Nalulungkot ako dahil nagsinungaling siya sa akin. He broke his promise..

Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko sa pocket ko at sinilip. At wala akong balak buksan ang message, pero paano ba 'to? Nabasa ko na rin.

From: Bebecoh

UWI. NGAYON NA.

Text niya sa akin pero in-off ko lang at walang balak mag-reply sa text niyang 'to. Ngayon siya magre-reply? At ako pa talaga ang pinapauwi niya? Bakit? Para maipagpatuloy niya 'yong pakikipag-inuman niya sa mga kasama niya at makandong ulit si Yanna sa kanya?! Walang hiya siya.

Playboy!

Nakakainis siya, nakakainis siya!

"Ano ang gusto mo?" Tanong sa akin ni Travis na nasa likod ko kaya napalingon ako para tignan siya. "Anong alak?"

"Hindi ako umiinom." Sagot ko.

"Wow! Ang good girl ng chix mo, Travis! Hahaha! May thrill!" Narinig kong sigaw ng katabi namin na lalaki.

Nandito kami sa part ng bar na kung saan ay maingay talaga at madilim, mga iba't ibang kulay na ilaw na nakakahilo ang nagsisilbing ilaw para makita ang lahat. Gaya ng mga iba't ibang kulay na ilaw ay may mga iba't ibang kulay din na inumin dito sa mesa na nasa gitna namin. Pero sabi ko nga, hindi ako umiinom at hinding-hindi ako iinom.

Tatlo ang sofa na occupied namin. 'Yung sa left side namin, tatlong lalaki ang nakaupo at may isang girl. 'Yung itong sa amin, may isang boy at si Travis at ako. At 'yong isa pa which is katapat namin, isang girl, si Yanna at si Lennon. Si Lennon na madilim kung tumingin sa akin.

Tingin pa more.

"Wow, Natalia. I'm not expecting na nagpupunta ka rin pala sa bar. I thought you are ano, you know, Maria Clara." Narinig ko naman na sabi ni Yanna at narinig ko rin ang pagtawa ng isa pang katabi niyang girl.

Ngumiti ako. "Birthday ng isang kaibigan ko, at dito ang celebration. Nandoon sila sa part na 'yon." Pagturo ko sa part kung saan 'yong part na kinaroroonan nina Claire.

A Night To FallWhere stories live. Discover now