ANTF 8

1.8K 55 14
                                    

"Jusko, Natalia! Ang ganda mo ngayon! Ay! Mas gumanda ka, blooming!" Agad na pambungad sa akin ni Claire nang magkasalubong kami rito sa bandang hallway nitong campus papunta sa field kung nasaan ang booths, at bigla naman akong nahiya dahil may ilang nagtitinginan na sa amin dito sa hallway na students.

At Lunes na Lunes, kaingayan ng babaitang ito ang bumungad sa akin. Akala mo kung hindi kami magkasama kahapon hanggang kanina lang. Haha. Yeah, I am talking about the sleepover, kanina lang siya nakauwi sa kanila.

"Sinasabi mo?" Natatawang tanong ko at nag-cling siya sa braso ko, at para siyang kinikilig na ewan.

"Wala. Hehe. Ang sabi ko, ang sexy mo riyan sa jumper mo. Ang cute mo sa braid mo at ang ganda mo." Nakangiting sabi niya at bumulong siya sa akin. "Talo mo ngayon 'yong trendsetter dito sa campus. Ang losyang niya ngayon, ay, matagal na pala."

"Claire!" Suway ko dahil alam ko kung sino ang tinutukoy niya. It's Yanna, alam ko kasi siya naman palagi ang inaano niya rito.

Ewan, parang hate niya si Yanna. Pero sino ba naman kasi ang magkakagusto kay Yanna? Hindi ko naman sinasabi na hate ko rin siya at gusto ko siya, ang akin lang, may pangit siyang ugali. Lalo na 'yong nangyari noong Saturday, 'yong pag-away niya kay Ate na hindi ko kilala dahil sa pag-aakala niyang girlfriend 'yon ni Lennon.

And that, naalala ko na naman 'yong nangyari. Pero everything's fine now.

"Wait? Saan tayo dumidiretso?" Tanong ko dahil siya ang nanghihila sa akin kung saan kami pupunta.

"Edi sa stall ninyo." Sagot niya.

"Bakit? Nandoon ba si Andrei?" Tanong ko at umiling siya.

"Wala pa ngang tao eh."

Wala pa palang tao roon.

"Edi, puntahan muna natin si Andrei sa office at baka nandoon pa siya." Sabi ko naman.

Kanina, ka-text ko lang si Andrei. Sinabi niya na okay na 'yong stall pero wala pa 'yong mga gamit na gagamitin namin like speaker at microphones na na-disseminate sa mga ka-org namin na sila ang magdadala. Nag-rent na lang kami ng mga ito at mamayang 10 pm pa ide-deliever. Wala rin naman kasi kaming pagmamay-aring speaker na malaki, eh hindi naman pwedeng humiram dito sa school.

"Ha? Nako! Huwag na! Doon na lang tayo sa stall ninyo." Sabi pa ni Claire at hinihila ulit ako sa direction na hindi ko alam kung saan niya trip.

Bakit ba parang gusto niya roon? At mukhang may kalokhan siya.

Tumingin ako sa kanyang mga mata at may kalokohan ang smile niya, with matching taas-taas pa ng eyebrows. Mukha nga.

Tinaasan ko siya ng kilay at tumigil ako sa paglalakad kaya napatigil fin siya. "May trip ka sa akin?" Tanong ko at nanlaki ang mga mata niya.

"Wala, 'no! Ano ba 'yang sinasabi mo?!" Sagot niya. Oh, 'di ba? Defensive ang babaeng ito.

Lunes na Lunes, mukhang sa susunod na oras, baka umuwi na naman ako nang hindi oras dahil feeling ko ay may mangyayari na namang hindi maganda o anything na hindi mabuti.

"Tara na, doon nga muna tayo sa stall namin!" Pag-aya niya kaya roon na ako sumang-ayon. Tsaka ko napansin na naka-lab coat siya, nursing kasi at naalala ko 'yong sinabi niya sa akin kagabi, blood donation 'yong pagkakaabalahan nila for two days, bago ang event for foundation day.

"Hindi ba tayo rito mahuhuli o mapapagtripan?" Tanong ko dahil kita ko ang ilang naghahabulan na rito sa field kung nasaan may nakakulong na sa jail booth, at mukhang nag-uumpisa na ang ilang booth sa kanilang pakulo. Mostly ay puro stall ng pagkain, tulad ng cupcakes, fries, burgers at iba pang products.

A Night To FallWhere stories live. Discover now