ANTF 3

2.3K 55 7
                                    

"Chris! Tumigil ka nga! Narinig mo naman ang sinabi ni Natalia, 'di ba? Hindi niya alam ang pinagsasasabi ng Jared na 'yon!" Sigaw pa ni Mommy kay Daddy habang nakayakap ako sa kanya rito sa sofa, umiiyak.

"Eh, boyfriend niya raw! Ebidensya na nga 'yong halik na 'yon, Max! Kumalat na sa social media kaya umiinit ang ulo ko, lalo na't pinagpipiyestahan ang anak natin." Rinig ko pang sabi ni Daddy pero nakayuko lang ako dahil ayoko siyang tignan. Natatakot ako, natatakot ako kasi galit siya sa akin. At.. At nagtatampo ako kasi hindi siya maniwalang hindi ko naman boyfriend si Jared.

"Mas paniniwalaan mo pa ba 'yang mga natatanggap mong information sa iba kaysa sa anak mo? Really, Chris?" Sabi pa ni Mommy at hindi na nakasagot si Daddy pero walang salita siyang umalis at iniwan kami ni Mommy dito sa sala.

Napahikbi na ako dahil hindi ko mapigilan, hanggang sa nataranta si Mommy at ibinigay niya sa akin 'yong inhaler ko. Pero umiling lang ako at nanatiling nakayakap sa kanya. Patuloy lang siya sa paghahagod sa likod ko at pinapatahan, hanggang sa magsalita na ulit siya.

"Naniniwala ako sa'yo, anak.. Hayaan mo muna 'yong Daddy mong may topak, mainit lang siguro ang ulo kaya ganoon. Hmm, okay? Tahan na.. Please, hindi pwede 'yan."

Hindi ko naman masisisi si Daddy kung bakit ganoon siya mag-react. Kasi kung ako naman siguro, kung may anak ako, tapos kung ano-ano ang nalaman kung information na hindi maganda, magagalit ako. Pero nakakalungkot kasi hindi naman totoo lahat ng sinasabi nila sa akin, pero bakit naniwala agad siya?

Kalat sa social media, kagabi lang, totoo, 'yong pictures na hinalikan ako ni Jared, maraming pictures at kuha 'yon ng mga schoolmates ko.

Kahapon, umuwi ako nang umiiyak pero thankful ako na wala si Daddy, Mommy, 'yong kambal sa bahay, at pati na rin si Lennon na nakakita non. Hanggang sa makarating na sila nang gabi at kumain kami ng dinner, wala pa rin silang kamalay-malay doon. At si Lennon, tahimik lang naman. Gusto kong sabihin kay Daddy at Mommy 'yong nangyari pero naghalong hiya at takot 'yong nararamdaman ko.

At hanggang ito na nga, pagkagising ko nitong umaga lang, iba na ang reaksyon ni Daddy sa akin, hanggang sa pinapagalitan niya na ako.

'Yung kiss, oo, totoo 'yon, pero hindi totoo na ginusto ko 'yon. Pero ang mas nakakaiyak, nilagyan nila ng story na nakakaiyak sa sobrang kasinungalingan ang laman. Sinabi nila na hinahabol-habol ko si Jared kaya kami na at pinagbigyan niya ako, 'yong babaeng libro ang dala na ngayon ay lumalandi na, at sobra pa 'yong pagkwento pa nila na galing kaming CR na dalawa, gumawa sila ng story na nakakasira sa reputation mo bilang isang estudyante at tao.

At hindi lang naman reputation ko, pati kay Daddy and Mommy. Ayoko rin sila masira. Pero hindi naman ako magpapaapekto, dahil wala namang katotohanan 'yon.

Hindi ko akalain na ganoon si Jared, sinabi niyang girlfriend niya ako sa lahat na hindi naman totoo. Hindi ko alam ang trip niya at binabawi ko na ang sabi ko na mabuti siyang tao.

Tumango na ako pero lumuluha pa rin ako. "Hindi po ba naniniwala si Daddy sa akin? Mommy, hindi ko naman po talaga siya boyfriend.. At hindi ko po 'yon ginusto.."

"Sshh, tahan na.. Knowing your Daddy na lolo sa pagiging protective sa'yo, ganyan din 'yan sa akin. Believe me, mamaya, mawawala na rin 'yong init ng ulo niya."

The whole day, dito lang ako nag-stay sa kwarto ko. Here, reading novels pero nawawalan ako ng gana dahil sa pag-iisip ko sa nangyari.

Sinasama pa nga ako ni Mommy sa mall with Jasper and Evan pero nagdahilan ako na may scripts akong gagawin. And now, mag-isa ko lang dito sa bahay with the maids.

A Night To FallWhere stories live. Discover now