Napamulat ako.

At natanto ang nakangiting mukha ni Khan. "Magsisimula na ang ritwal," Nakangiti nitong sambit saakin. Kapansin-pansin naman ang pagkawala ng tingkad sa isang mata nito. "handa ka na bang harapin ang lahat ano man ang mangayari?"

Walang pagaalinlangan kong tinango ang tanong ni Khan. Kahit ano mang mangyari, hinding-hindi ako magsisisi.

--

Aquarius Loki Fergarro

Sa paglapat ng aking labi sa noo ni Astral ay naramdaman ko ang biglang paggaan ng mukha nito. Unti-unti ring nawala ang hunab ng init na kanina ay nadadama ko mula sa kanyang katawan.

Nangmagmulat ako ay napansin ko ang ilan-ilang mga butil na maliliit na tila alitaptap sa nagmumula sa lugar kung nasaan kanina si Astral.

Napangiti ako ng mapait.

Wala na s'ya.

Tumingala ako sa langit, doon ay natanto ng aking mga mata ang buwang ngayon ay napakalaki, nagbibigay ito ng kakaibang liwanag at enerhiya patungo sa lugar.

Napahinga ako ng malalim.

Magsisimula na ang ritwal.

Ngunit kahit ganoon pa man, ay pinawi ko na ang natitirang lungkot sa aking puso. Dahil masuwerte na ako, na kahit sandali lamang, ay napagbigyan ako ng pagkakataong umamin ng damdamin sa kaisa-isang taong siguro ay aking mamahaling natatangi bago ang sinasabi nilang manipestasyon ng kaluluwa ng dating Elra sa aking katawan.

Ngumiti ako at tumayo na 'saka pinagpagan ang damit. Napansin ko naman ang isang puting bagay sa aking paanan. Ang panyo na binigay ko noon kay Astral. Dinampot ko iyon at nilagay sa aking bulsa.

Sisiguraduhin ko Astral, sayong-sayo lang ang puso ko.

Ang puso ng isang Aquarius Loki Fergarro.

Bulong ko sa sarili at umalis na sa lugar upang makapaghanda.

--

3rd Person's PoV

Tahimik ang crater ng dahil sa kaba ng mga taong napapaloob dito. Ngayong nasa tuktok na ang buwan ay mas lalong naaninag ang lugar at lawa na pagdadaungan ng ritwal para sa muling pagkabuhay ng dyosa ng buwan.

Sa taas na butas ng lugar ay nakasabit ang iba't-ibang uri ng bulaklak bilang alay sa paparating na dyosa, hindi lang naroon ang mga bulaklak ngunit nakakalat at nakasaboy din ito sa paligid. Ang bungad naman na kanina'y may mga nakakalat na baging ngayon ay may hati at bukas na bukas. May isang maikling daanang tela sa gitna nito na dadaanan ng mga Luna.

Nakadagdag din sa ganda ng lugar ang mga alitatap, ibon at mga paro-parong kulay asul at puti na lumilipadlipad sa paligid. Isama na din ang mga punong tila nagiiba-iba ng kulay ng dahil sa sinag ng buwan.

Pumila na isa-isa ang mga kasama sa pagdalo.

Tumunog ang isang gong hudyat ng pagsisimula ng okasyon, dumagundong iyon sa loob ng lugar na mistula isang dome, kasunod noon ay ang pagpasok ng prusisyon sa loob.

Unang pumasok sa lugar ay isang matandang tila pari. May makapal itong roba na may pinagsama-samang kulay ng asul, puti at itim. Ang buhok ng matanda ay kulay puti, sa ulo naman n'ya ay isang saklob na maaari lamang suotin ng isang punong orakulo. Nakatayo ito ng diretsyo habang hawak ang isang scroll.

The Elven Round (COMPLETED)Where stories live. Discover now