Level 126

1.3K 58 48
                                    

"I promise to protect you but why are you still sleeping there? Wake up, baby they're waiting for you." Isang kamay ang humaplos sa pisngi ko dahilan ng unti-unting pag dilat ng mata ko.

Tell me this isn't a dream. Am I hearing it right?

"K-Kairo.." Agad bumuhos ang luha ko nang bumungad sa'kin ang nakangiti niyang mukha.

"Y-You're here.. H-Hindi mo ako iniwan." Hindi makapaniwalang sabi ko.

"I'm always here beside you. Leaving you is the last thing I would do." Hindi na ako muling nagsalita pa, agad ko siyang niyakap.

"I-I thought I've lost you." Mas lalo akong naiyak ng yakapin niya din ako.

"I'm just here, guiding you. Now, wake up, our friends is waiting for you." Natigilan ako sa sinabi niya.

Nanlaki ang mata ko ng unti unti siyang naglaho sa harap ko.

I lost him once. Hindi ko kaya na mawala siya ulit.

No, Kairo..

"KAIRO!!!!"

"Levi, finally!" Nagaalalang mukha ng mga kaibigan ko ang bumungad sa'kin ng gumising ako.

No. Hindi panaginip lang yung kanina, Kairo was here! He hugged me!

"A-Asan si Kairo?" Agad kong niyugyog sa balikat si Ann ng nag-iwas lang ito ng tingin sa tanong ko.

"Where is he? Andito siya kanina, pakitawag naman!" Halos sumigaw na ako ng wala pa din nagsalita sa kanila.

"Levi, calm down. You still need to rest." Tinulungan ako para muling humiga ni Nico pero tinabig ko ang kanyang kamay.

"I've been sleeping here for I don't know how many hours, I don't need rest. Si Kairo ang kailangan ko." Halos pagalit kong sabi dito.

"Two weeks. You've been sleeping for two weeks." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Karius.

"Kuya is gone, you know that." Parang binuhusan ako ng malamig na tubig ng kay Karius mismo mangaling ang salitang 'yon.

Bangungot lang ang lahat. Ang Enigma, si Khiro. Bangungot lang ito.

Hindi pwedeng totoo na wala na si Kairo, hindi ba?

"I know this is hard for you. But this is also hard for me, he's my brother after all."

Wala akong nagawa kung hindi umiyak. Tama si Kairus hindi lang ako ang nasasaktan dito, sila din.

Isa-isa kong tinignan ang mga tao sa silid na ito. They are here for me, hinintay nila ang pag gising ko.

Hanggang sa huli, Kairo is still so selfless. He woke me up to remind me that I still have our friends with me.

Ang duga lang kasi kailangan ko din siya.

Ang hirap lang din kasi hindi ko na alam kung paano na ako ngayong wala na siya.

How can I start a new without him?

Bakit niya ako iniwan?

"I know how hard it is, but this is life, we need to fight to survive." Lumabas na ang lahat pero naiwan pala ang isang ito.

The person who shares the same fate with me.

"And now that our loved ones is gone, we're not just fighting for our own, we're now fighting for them too. They sacrifice their life for us. Ano nalang ang mararamdman nila pag nalaman nilang ang taong inalayan nila ng buhay ay pinapatay naman ang sarili dahil sa kanila?"

"Hindi ba't parang mawawalan ng saysay ang pagbubuwis nila ng buhay kung ganon?"

"Sinasabi mo lang 'yan para gumaan ang pakiradam ko. But I know deep within you, naiisip mo din na sana ikaw nalang yung nawala at hindi siya." Napahinto ako ng may pumatak na luha sa mata niya.

How insensitive of me to say those words. Muntik kong makalimutan, hindi lang ako ag nasasaktan dito.

"Sana hindi nalang ako nagpakita. Sana nga namatay nalang ako noon. Buhay pa sana siya ngayon."

"Ang dami kong sana, pero alam ko na kahit gaano pa kadami 'yon at kahit ilang sisi pa ang gawin ko sa sarili ko, hindi non mababalik si Athena."

"Iniisip ko nalang na sana, nakikita niya ako ngayon. Hindi ko siya sinisisi pero alam kong alam niya na gagawin ko rin ang bagay na yon para sa kanya. Pero sa ngayon ang mapapangako ko nalang ay hindi ko sasayangin ang buhay na ibinuwis niya para sakin. Alam kong darating ang araw na magkakasama kaming muli."

"I can erase your memories of her if you want to." Ewan ko kung bakit 'yon nalang ang nasabi ko.

Siguro dahil gaya ko, alam kong  mahirap mawalan ng taong minamahal na parang ayoko nang harapin ang bukas kung ako nalang mag isa.

He look at me with disbelief in his eyes.

"It hurts so much to think that she's gone. Sobrang sakit isipin na hindi ko na siya mayayakap, na hindi ko na masisilayan ang mga ngiti niya." Isang mapait na ngiti ang ibinigay niya sakin bago muling magsalita.

"But I'd rather have my memories of her with me. I don't want to erase it because she has been part of me. I would rather keep all those memories because those kept in the mind can never be stolen nor erased. It is painful, yes, but at least I am sure that it happened. And above everything, it happened with her. I will redo everything, I will go through the same process as long as it is with her." Hindi ko siya nagawang tignan sa mga sinabi niya.

Bakit nga ba nasabi ko 'yon? Kung ako din naman ang papiiliin, hindi ko gustong makalimutan si Kairo para lang mawala ang sakit na nararamdaman ko.

But somehow his words comforted me. He's right, masakit ang huling alaala niya sa'kin pero hindi ko mapagkakaila na mas madami ang masasayang alaala namin na magkasama.

That, I will treasure. It's mine, no one can take it away from me.

It happened. We happened.

Lihim kong pinahid ang mga luha ko at humarap sa kanya.

"I admire your strength. I hope that in time, I can speak the way you do. Athena is sure lucky to have you. I know that wherever she is, she's happy for you."

"I'm lucky to have her as my angel."

"I know that you will all erase our memories related to Enigma, but please don't erase mine. That's all that I have now." Hindi ko na napigilan ang luha ko tuluyan na itong tumulo.

I'm crying for my lost friend. I'm crying for all the people that Enigma killed.

"I-I'm sorry, wala akong nagawa para sa kanya." Nagulat ako ng tapikin niya ako at ngitian.

"Hindi niya gustong may sisihin tayo sa pagkawala niya. I want you to know that even she seek for revenge, deep within her, she longed for you. Kinain siya ng galit pero hindi niya naitago sakin, sa mga kwento niya na mahal niya kayo." Lalo akong naiyak sa sinabi niya.

Memories of five girls flashed in my mind. Laughing and sharing secrets together.

Isa 'yon sa mga alaalang babaunin ko saan man ako magpunta.

"I promise, I won't take take away from you." Isang ngiti ang ibinigay niya sakin bago ako yakapin ng sandali.

"Salamat, salamat sa lahat." Hinagod niya ang likod ko bago ibulong sakin ang bagay na nagpakunot ng noo ko.

"You're still lucky, you have them with you, in time you'll eventually get over it. And if you can't, maybe they can do something about it."

•••

Survey: Sino gusto sumali pag magpapa last activity ako bago matapos ang enigma?

(Comment down kung meron man🤣 para mabilang ko.)

Enigma (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon