Level 99

2.6K 114 43
                                    

Napabangon ako ng mapansin na nasa ibang kwarto ako.

Kwarto ito nila Karius, sa kabila ang amin.

"Gising ka na pala,"

"A-Amiel?" Hindi makapaniwalang bigkas ko ng pangalan nito ng siya ang una kong makita dito sa kwarto.

"Eros brought you here, lumabas lang siya sandali." Sa pag bigkas niya ng pangalan ni Eros ay doon ko naalala ang mga nangyari.

Akala ko, panaginip lang ang lahat.

Sana hindi nalang ako nagising kung ito naman ang realidad ko.

Hindi ko lubos maisip na nagawa nilang ilihim sa'kin ang lahat. Ang gulo, hindi ko maintindihan kung paanong nagkaroon ako ng tagapagtanggol.

Kung nawala ang memorya ko, kaylan ba ito babalik para maintindihan ko ang lahat?

Baka kahit papaano maintindihan ko ang nagawa nila.. Baka naman may paraan pa para maiayos ito.

Kung hindi man kaibigan ang itinuring nila sa'kin , ang mahalaga para sa'kin kaibigan ko sila.

Maybe somehow they treat me special. Sa haba ng pinagsamahan namin, ramdam ko naman na pinahalagahan nila 'yon. O talagang magaling lang silang umarte kaya parang totoo lahat ng pag aalala? Lahat ng pagmamahal na natanggap ko, totoo 'yon diba?

Baka may dahilan! Trust them Levi! Sabi mo palagi mo silang pagkakatiwalaan.

Trust? Diba ipinagkait nila sa'yo 'yon?

The fuck! Pati utak ko nakikipagtalo.

"You okay?" Nawala ako sa pag iisip ng magsalita si Amiel.

"I-I am, thank you." Nahihiyang ngumiti ako dito.

"I should be the one thanking you." Nagtatakang tumingin ako dito.

"For?"

"For saving me twice." He smiled genuinely. He have a set of perfect white teeth. Ngayon ko lang siya napagmasdan ng malapitan, hindi din naman magpapahuli ang itsura niya.

He's cute, may dimples siya sa parehong pisngi.

"Hindi naman kita iniligtas."

"Remember the day when Kairo almost kill me? Pumagitna ka, kung hindi ka dumating ay baka wala na ako dito." Natatawang sabi nito.

"Wala 'yon, kahit sino naman ay gagawin ang bagay na 'yon." Nahihiya kong sabi dito.

"Levitica Xyre is the only one who can tame  Kairo Sarmiento."
Makahulugang saad nito.

"That heart of yours can save this world." Seryoso nitong saad sakin.

"Sa dami ng tao na nakakita sa ginawa sa'kin ni Kairo, walang naglakas loob humarang. Pero hindi naman ako nagrereklamo, I deserved his anger towards me. Nakakatawa lang na yung taong ginawan ko ng kasalanan siya pa ang tumulong sa'kin." Naguguluhan akong tumingin sa kanya, wala akong naaalala na may nagawa siyang mali sa'kin.

"But that doesn't end there, earlier, you could've just left us in that room, but you chose to help us. Kahit hirap ka rin, hindi mo kami iniwan sa kwartong iyon. Of all people, a girl saved me. Nakakahiyang isipin pero mas nakakahiya na sa lahat ng kabutihang ipinakita mo, nagawa ko pa din siyang sundin."

"W-What do you mean?" Nagulat ako ng hawakan ako nito sa magkabilang braso at hawakan ako ng mariin doon.

"Listen Levi, I need to tell you something." Biglang nagseryoso ang mukha nito, hindi ko alam kung bakit kinabahan ako bigla sa ginawa niya.

"After every good thing that you did, ngayon ko lang napagtanto na hindi ko dapat itinago ito. You're a good person, a good friend, you deserve to know all the truth in this world," Natigilan ako sa sinabi niya.

Nakakatawa na kabaligtaran ng nangyayari sakin ang sinasabi niya. If I deserve to know the truth, why did they hide it from me, then?

"But before that, I need you to help me." Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay natatakot ako sa pwede niyang sabihin.

But why is he asking for my help? Anong magagawa ko.

"I know I don't deserve your help, pero ikaw nalang ang tanging naiisip kong makakatulong sakin. I can lose anything in this world but not my girl, she means a lot to me, ayoko madamay siya dito sa pinasok ko." Halos magmakaawa na ang boses nito.

I suddenly salute him. That girl sure is lucky for a man to beg in order to save her. Pero anong maitutulong ko?

"Levi, I'm sorry for everything that I did. Tanggap ko kung hindi mo ako mapapatawad pero gusto kong malaman mo-"  Natigil ang sasabihin niya ng magbukas ng pinto at iluwa nito si Chino.

Sabay kami na napatingin dito, pero hidsi nakatakas sa'kin ang pag iiba ng mukha ni Amiel.

"Sorry to disturb but Karius is looking for you," Diretso nitong sabi kay Amiel bago tumingin sa'kin at ayusin ang salamin.

"B-But," Gustuhin ko mang ituloy niya ang dapat sasabihin ay alam ko na masyado itong pribado para marinig ni Chino o ng kahit na sino.

"I'll be back." Mariin nitong sabi bago ako titigan ng matagal, parang may nais iparating ang mga mata niya ngunit hindi ko makuha kung ano iyon

Nang makalabas si Amiel sa kwarto ay nagpasya na din akong lumabas, hindi ko kayang tumagal sa kwarto na iyon, naiilang ako sa titig ni Chino.

He's weird and scary. Parang kaya niyang manakit ng tao gamit ang pagtitig lang.

Papasok na sana ako ng kwarto naming mga babae ng makita ko si Karius sa sala. Sandaling nagtama ang paningin namin pero ako din ang nag iwas.

I wonder if he's part of that plan too. May alam din kaya si Karius?

Nakapasok na ako ng kwarto ng mapagtanto kong wala si Amiel. Akala ko ba ipinatawag siya ni Karius? Nasa sala lang si Karius!

O baka naman nagkasalisi lang sila?

hindi ko na masyadong pinansin ang bagay na 'yon. Damn, I need to sleep.

I'm too tired and drained mentally and emotionally.

Pipikit na sana ako ng maramdaman ko ang mahinang pagbukas ng pinto.

Idinilat ko ang isang mata ko upang tignan kung sino 'yon.

Athena.

She was just here before I decided to go out. Hindi rin kaya siya makatulog, kaya siya lumabas?

. . . .

Wala ako bukas pupunta ako ng school baka gabihin ako haha kaya nag update na ako ngayon.

3 groups palang nagpapasa ng form, sa mga wala pang ka group pm niyo ko sa facebook para manap ko kayo ng kagroup.

FB: Alex Lyndon
Page: Players of Enigma

All errors are mine.

Enigma (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon