Level 37

4.8K 248 52
                                    

"Why?" Bungad nito.

"H-Hello.." Nanginginig na bungad ko dito, hindi naiwasang nabasag ang boses.

"What happened?" nahimigan ko ang pagbabago ng boses nito mula sa kanina, napalitan ngayon ng pangamba.

"K-Kairo, I think someone's on my window." Natatakot kong pag amin dito.

At ang mas nakakatakot pa doon, my room's at the 22nd floor! How come that someone's floating there!

Imbis na makahinga ako ng maluwag ay mas lalo pa akong natakot, pinatay niya ang linya.

Right. Ano nga namang paki niya. Masyado na ata akong nasasanay na nandyan siya pag kailangan ko, hindi naman ako dating ganito.

Noon, kinakaya kong mag isa bakit ngayon kahit simpleng problema, inaasa ko na sa iba.

Sa takot ko ay itinalukbong ko nalang ang kumot ko sa buong katawan ko. Bigla kong naalala ang misteryosong lalaki sa game, yung tumatawag sa'kin, w-what if he's outside?

Paano kung kunin niya ako?

Halos maiyak na ako sa takot ng marinig ko ang malakas na pagbukas ng pinto ko, parang sinipa ng malakas para bumukas.

"S-Sino yan?" Nanginginig kong tanong.

Pero imbis na makakuha ng sagot mula dito ay nakaramdam ako ng init mula sa katawan ng kung sino mang pumasok.

Ang takot na nararamdaman ko ay mabilis na napalitan ng pagkapanatag ng marinig ko ang boses niya.

"I'm here now, no one can hurt you." He whispered as he gently carressed my back.

"K-Kairo.." Naiiyak na niyakap ko siya pabalik ng tanggalin ko ang pagkakabalot ng kumot sa mukha ko.

Nagtataka ako kung bakit ang bilis niyang nakarating, pero ang mahalaga nandito siya...

"Shh, everything will be fine." He assured, making my whole system at peace.

"D-Don't leave me.." walang pag aalinlangan kong saad dito, dahil kapag nandito siya, naiibsan ang takot na nararamdaman ko.

"Sleep, I'll be here." Nanunuyo nitong saad pagkatapos ang sinuklay ang kuhok ko gamit ang kanyang daliri.

"Everything's gonna be fine," muling bulong niya.

Hanggang sa naramdaman ko ang unti unting pagbigat ng mga mata ko sa bisig niya.

Ang akala kong panaginip ay nasagot ng magising akong may lalaking natutulog sa gilid ko.

Natulog siya ng nakaupo lang!

"Morning," nagulat ako ng bigla itong magsalita kahit nakapikit pa.

"B-Bakit dyan ka natulog?" Nahihiya kong sabi.

Dahil ngayon na nalaman ko na hindi panaginip ang lahat, nahihiya ako sa mga pinag gagawa ko kagabi. Sa takot ko ay niyakap ko siya! I even beg him to stay.

"I'm fine," Inaantok nitong sabi dahil hanggang ngayon ay nakapikit pa din ang mata nito.

"T-The guy... W-Wala na ba?" bigla kong naalala ang lalaki kagabi, ang maisip na may tao kagabi sa bintana ko ay muling nagpatindig ng balahibo ko.

"Don't worry, I'm here." Inaantok niyang sabi pero ramdam pa rin ang sinseridad sa boses niya.

"N-Nakatulog ka ba?" tango lang ang isinagot nito kahit alam ko namang hindi ayos ang naging tulog niya.

"I'll c-cook our breakfast." Mabilis na akong lumabas ng kwarto bago pa nito idilat ang mata niya.

Nakakahiya! I've never slept with a man before! Hindi nga kami nagtabi pero natulog kami sa iisang kwarto.

Oh my gosh!

Napahawak ako sa dalawang pisngi ko ng maramdaman ko ang pag init nito.

Kairo why are you doing this to me?

×××
Dahil 'di ako bitter, may pa kilig update haha. Happy heart's day, players!♡

Enigma (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon