Level 83

3.5K 156 103
                                    

"Attention players, we are encouraging you to go out of your rooms to witnessed the birth of the new Aquanta." The person behind the speaker even emphasize the last word as if telling us to prepare ourselves for whatever that Aquanta is.

Paulit na ulit na 'yon ang sinasabi sa naglalakihang speaker dito sa loob ng barko, kanina pa kami nakahinto pero ng makitang nasa kalagitnaan pa rin kami ng karagatan ay marami ang naguluhan.

Kung bago lang ako sa laro na ito ay maiisip kong may sapak sa utak ang tao sa likod nito, but knowing the game, this day won't end without a surprise.

Ilang minuto lang ay naramdaman na namin ang unti-unting pag galaw ng barko, mabilis akong kumapit sa railings dahil baka mahulog ako, lalo ngayon at nasa labas kami.

The truth is no one has a clue of what is going on, or maybe some have. Lalo na ng masulyapan ko ang katabi kong si Karius, prenteng nakaupo lang ito habang nakapikit na tila wala lang ang nangyayaring pag uga ng barko sa kanya.

Muli ko pang nilibot ang paningin ko pero mabilis din akong nagsisi ng makita ang matalim na tingin na ibinibigay ni Kairo. Kung makatingin ito ay tila may nagawa akong mali sa kanya.

Bigla kong naalala ang nangyari kanina, nakakahiya! Alam kong walang nangyari pero ang maalala na kaming dalawa lang ang tao sa loob ng isang maliit na espasyong 'yon ay nagpapainit ng pisngi ko.

At talagang sa loob pa ng cr ng babae!

Bago ako umiwas ay nakita ko ang pag guhit ng nakakalokong ngiti sa mukha niya. May gana pa talaga siyang ngumisi ha?

Napasulyap ako sa nasa likod niya, it was Eros, tulala itong nakatingin sa banda ko. Kung hindi ko lang ito nginitian ay marahil tulala pa din ito.

Eros is one of the people I can trust. He haven't done anything wrong against me, he was one of those people who stayed, I suddenly feel guilty of what I have done last time.

Maybe I can at least say sorry for leaving him that day. I wonder if he's mad at me too, gaya nila Mystic?

The thing is I miss them all. God knows how it pains me seeing them being in one group when I am here, away from them.

That too close yet seems so far is a hard thing!

Gustong gusto ko silang yakapin, I want them to know that I am here for them.

That I am their friend no matter what.

"I'm excited, ano kaya ang naghihintay sa'tin?" Nawala ang paningin ko sa kanila ng kalabitin ako ni Athena, medyo humina na rin ang pag alog ng barko, nakakapagtaka lang at wala namang malalaking alon.

"Hindi ko din alam." Wala sa sariling sabi ko dito.

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa'kin ang nangyari noong huli kaming magkita, I have a hint but I don't want to believe that she used her ability against me just like what Eros said. Baka naman nagkamali lang siya?

Athena is one of my friend, why would she do such as thing, right?

Gaya nila Mystic, maaaring may tinatago sila sa'kin pero alam ko na hindi sila gagawa pa ng higit pa doon.

"Prepare yourselves, we are about to witness the birth of the new Aquanta." Muling nagsalita ang speaker dahilan ng pagkuha nito sa atensyon ng lahat.

"Aquanta, huh?" Napatingin ako kay Karius ng magsalita ito pero agad din nawala ang atensyon ko ng isang malakas na pag alon at uga ng barko ang naramdaman namin, kasabay nito ang unti unting paglabas ng kung anong bagay mula sa tubig.

What the fuck?

Halos hindi ako huminga habang pinagmamasdam ang paglabas ng tila isang malaking isla mula sa tubig, at hindi lang 'yon!

Enigma (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon