Level 55

3.8K 187 11
                                    

"Nico, we need to talk." Kumunot ang noo nito ng hinarang ko siya ng lumabas siya ng silid.

"About what, Lex? Parang ang seryoso naman niyan." She said a bit laughing but I don't see any humor in it.

"You never tell me about your tasks, meron na ba? May nagawa ka na ba?" Sunod sunod na tanong ko na nagpaatras sa kanya.

"A-Ah about that, wala naman pa akong natatanggap." Nag aalangang sabi nito, ni hindi siya makatingin ng diretso sa'kin.

"Hindi ka marunong magsinungaling, Nico, please, tell me about it." Napabuntong hininga ito na parang sumuko na.

"Minor palang naman yung mga nagiging task ko... Ayoko ng mag alala ka,"

"Nico naman, sabi ko sayo sasamahan kita pag may task ka, please tell me everything!" Napataas ang boses ko kaya napangisi ito ng mapait.

"Bakit Lex, ikaw ba, wala ka bang tinatago na kahit ano sa'min?" Natigilan ako sa inasal niya.

"W-What do you mean?" Naguguluhang tanong ko dito.

"Got you! That was just a joke." Tumatawang sabi nito pero alam kong hindi 'yon basta biro lang, kilala ko siya.

"Sige na Lex, cr lang ako, see you around." Saad nito bago ako tuluyang lagpasan ng parang walang nangyari.

What was that? Bakit ganito? Is our friendship slowly drifting away?

Sa higpit ba ng pagkapit ko, nasasakal na ba sila?

Pero ang nagbigay ng palaisipan sakin ngayon ay nang maalala ko ang pagmamasid ni Karius kani-kanina lang at ang pag sunod niya kay Nico ng umalis ito.

Ganoon na ba kadami ang hindi ko nalalaman sa kanila?

Enigma (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon