"Why is that?" Cilan butt in.

"For her safety, of course."

Sandaling katahimikan ang namagitan sa amin. Isa-isa kong pinasadahan ng tingin ang mga kasama ko sa heya lalo na iyong kanina pa tahimik. Huli kong tinitigan si Alain na isa rin sa hindi nagsasalita kanina pa. Pilit kong binabasa ang nasa isipan niya but as always, Alain is Alain, kahit anong gawin ko, hindi ko talaga matantiya kung ano ang tinatakbo ng isipan niya.

"What now?" si Misty ang nagbasag ng namamagitan na katahimikan.

"Move on." sarkastikong sagot ni Klinton na tahimik kong sinan-ayunan. May punto naman kasi siya. We must move on and be prepared para sa susunod pang nakakagulantang na pangyayari.

"I'll go." lahat kami ay napatingin kay Alain nang tumayo siya at magsalita. Hindi na nito hinintay na may sumagot pa sa kanya at tuloy-tuloy nang lumabas ng heya.

Nang makalabas si Alain at wala pa ring salitang namutawi sa mga labi ni President Jeoldeon, napagpasyahan naming sumunod na rin kay Alain dahil mukhang wala naman kaming maayos na mapag-uusapan sa mga oras na iyon.

I heaved a sighed. Kakabalik lang ni Diancie. Wala pa kaming kaalam-alam kung ano ang nangyari sa kanya ng mawala ito, tapos ngayong kababalik lang niya ay saka pa siya pinauwi.

Pagkalabas ko ng heya ay kaagad na akong dumeritso sa dorm namin nang makitang hindi pa tapos ang mga kapwa ko Santalunian sa pag-aayos ng mga nasirang parte ng Akademya.

Siguro dahil na rin sa pagod mula sa pakikipaglaban, kaagad akong nakatulog pagdating ko ng dorm nang lumapat ang likod sa malambot na kutson.

Cilan's POV:

Ako ang huling lumabas ng heya, ngunit bago pa man ako tuluyang makalabas ay bigla rin akong napatigil nang kunin ni President Jeoldeon ang atensyon ko.

"Cilan..."

Tumigil ako sa paghakbang at nilingon si President Jeoldeon. "Bakit po?"

"About Diancie..."

"What about her?" puno ng kuryusidad kong tanong.

"I knew you saw her with the sword of justice. I knew you're confused as of a moment but still, you choose to keep it by yourself, and I'm glad about it."

Mas lalo pang lumalim ang gitla sa noo ko sa narinig. "How and why?" ang tanging naisatinig ko dahil sa pagtataka.

"How? Because I saw it too. I was there too, Cilan... When Diancie accidentally used the swo--"

"W-wait President Jeoldeon, what do you mean by accidentally?"

Humugot muna ito ng malalim na hininga bago ako sinagot, "Diancie doesn't have any idea na ang espadang hawak niya ay ang sword of justice. Kaya Cilan, don't tell the others about it or else..."

"Or else what, President Jeoldeon?"

"Or else, there will be a chaos between the Justice and Desire..."

"Pero hindi lang ako ang nakakita, President Jeoldeon." turan ko dahilan para kumunot ang noo nito.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Si Dark Sanpei ng Reshiram, nakita niya ring hawak ni Diancie ang Sword of Justice." imporma ko rito.

"Ngunit paanong--"

"Naglaban sila ni Diancie.. at ito rin ang dahilan kung bakit biglang tumigil ang mga halimaw sa pagsalakay Dark Sanpei said that he will return to get the sword of justice from Diancie."

"That is not a good news, Cilan. I must tell them about it."

"Tell who, President?"

"Diancie's parents. For them to get prepared. Dark Sanpei is greedy, what he said, he will definitely do it."

"How about Alfhea, President Jeoldeon?" hindi ko mapigilang itanong nang maalala ko ang babaeng iyon.

"About her.. I want you to keep your eyes on her."

Diancie's POV:

"We're here, my highness."

Nagmulat ako ng mga mata nang marinig ko ang sinabi ni Captain Ru. Mula sa loob ng kalesang kinalulunanan namin, dumako ang paningin ko sa buong lugar, sinusuyod ang bawat dako na maaabot nito. Napangiti ako. It's been a while.

Nang bumaba si Captain Ru sa sinasakyan nitong kabayo ay kaagad akong sumunod dito at mabilis na tinakbo ang pinto ng palasyo. Mas lalong lumapad ang pagkakangiti ko nang kusang bumukas ang malaking pintuan pagkalapit na pagkalapit ko rito kung kaya't kaagad din akong nakapasok.

"Mema! Mema!" sigaw ko pagkapasok habang ginagala sa kabuuan ng balwagan ang mga mata ko, hinahinap ang ina ko. "Mema!"

"I'm here, baby..."

Mabilis kong hinanap ang pinanggalingan ng boses at nang makita, I teleported myself right in front of her and hugged her. "Mema!"

"My baby... You're finally back." nakangiting ganting yakap nito sa akin.

I smiled, "I miss you, Mema... though, hindi ko pa rin nakakalimutan kung paano mo ako tinapon sa Santalune."

"Oh... I'm sorry about that, baby..." natatawang kumalas ito mula sa pagkakayakap sa akin.

Nalukot ang mukha ko, "You're not sorry at all, Mema."

"Am I?"

"Mema!--"

"I heard some shrieked, I bet someone just arrived."

Mabilis pa sa alas kwatrong nilingon ko ang nagsalita, ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang makilala ko kung sino iyon, kasalukuyan pa itong bumababa ng hagdanan. "Dada!"

"Hey, my princess... didn't you miss Dada?"

I smiled at tinawid ang pagitan namin through teleportation then hugged him tight, "Of course, I miss you too."

"Same here, princess... Dada misses his princess too." bulong nito sa akin at gumanti rin ng mahigpit na yakap. "So, how's my princess doing? I heard, you can already summon a sword."

Mula kay Dada ay bumaling ako kay Mema and saw that they has the same facial expression. Hoping.

"Is this the reason kung bakit niyo ako pinasundo kay Captain Ru?"

"Partly, yes." ang Mema niya ang sumagot. "We want to know kung totoo ba ang nabalitaan namin."

"So... princess, is it true?" tanong ng ama niya sa boses na umaasa. "Hindi sa minamadali ka namin pero nauubusan na tayo ng oras. Nais ka nang makilala ng mga sinasakupan natin--kayo."

I sighed at imbes na magsalita to answer them, ibinuka ko ang mga palad ko and summoned the sword of justice-- my sword for them to see it.

"Oh my--"

******

F. Sylveon

The Curse Of The Sword (Completed)Where stories live. Discover now