Chapter 26

3.4K 117 0
                                    

Vionna's POV:

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Malapit nang mag-umpisa ang quarterly levelling up ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin namin nahahagilap kahit na ang anino man lang ni Diancie. Nasaan na ba kasi ang babaeng iyon?

"Hey... Are you okay? You looked tense, para namang ikaw ang sasabak sa laban..." natatawang puna sa akin ni Cilan. Hindi ko pinansin ang pang-aasar niya bagkus ay seryuso lang akong nagsalita.

"Wala pa rin si Diancie. Nag-aalala lang ako at baka hindi siya makarating. Kapag nagkataon, malaking parusa ang maaaring ipataw sa kanya." pahayag ko na ikinaseryuso rin ng mukha ni Cilan.

Luminga-linga rin siya sa kabuuan ng field kung saan dinaraos ang quarterly levelling up na parang may hinahanap.

Napalingon naman ako kay Misty nang kausapin niya ako sa pamamagitan ng terepashī. Umiiling-iling lang ako sa kanya bilang tugon sa tanong niya kung nakita ko na ba raw si Diancie na ikinabagsak ng mga balikat niya. I know just like me, she's worried too.

Mula kay Misty ay napabaling ako kay Alain na seryuso lang ang mukha ngunit makikita naman sa mga mata nito ang pagkabahala. Mukhang hindi lang kami ang nag-aalala kay Diancie ah.

I really wondering kung anong nangyari sa kanila kahapon sa clinic at bigla na lang silang nawala. Ang nakapagtataka lang ay hindi pala sila magkasama nang mga oras na iyon. I heaved a sighed. Bigla akong napakunot nang biglang magbago ang aura ni Alain. Mula sa pagiging kalmado ay napakitan ito ng iritasyon at nakatingin sa iisang deriksyon. Sinundan ko ang tinitingnan nito at mas lalong lumalim ang gitla sa noo ko nang makitang si Sensei Riolo ang pinupukulan ni Alain ng matalim na tingin. What's the matter?

Napaigtad ako nang biglang umalingawngaw sa buong field ang tunog ng kampana na siyang hudyat na mag-uumpisa na ang levelling up. Muli na naman akong binalot ng pag-aalala nang sa muli kong pagsulyap sa upuan na laan para kay Diancie ay bakante pa rin ito. Where is she? Damn... Where are you Diancie?

Diancie's POV:

Tahimik lang akong naglilibot sa likod ng Academy na malapit sa Forbidden forest. Madilim pa lamang ang kalangitan nang umalis ako sa dorm at pumunta rito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isipan ko ang mga napag-usapan namin ni Riolo. Alam ko na dapat ko siyang sundin dahil iyon ang nakakabuti pero iniisip ko pa lang ay parang may milyon-milying tinik na ang nakabaon sa puso ko na unti-unting humihigop sa enerhiya ko. Ano pa kaya kung gagawin ko na? Baka hindi na tinik ang mararamdaman ko kundi asido na siyang lulusaw sa puso ko.

Marahas na lang akong napabuga ng hangin. I'm so damn confused. I don't know what I have to do. Hindi ko alam kung ano ang susundin ko... ang bagay na siyang nakalahad sa libro ng itinakda o ang binubulong ng puso ko?

Ugh! Bakit ba ang hirap? At saka, bakit ba ang bagay na iyon pinuproblema ko? May isa pa akong dapat unahin at siguro, kung magawa ko na ito ay magiging madali na rin sa akin kung ano ang dapat kung sundin.

With those thought of mine, I sighed again.

Akma na sana akong papasok sa fobidden forest para umpisahan na ang seryusong pag-eensayo nang bigla akong matigilan nang makaramdam ako ng mga presensya.

"Well, well, well... Look who's here..."

Tumigil ako sa paglalakad saka hinarap ang pinanggalingan ng boses. Kumunot ang noo ko nang bumungad sa akin ang tatlong hindi pamilyar na babae.

"Walang iba kundi ang babaeng linta na nga, higad pa." anas ng isa sa kanila habang nakataas pa ang kilay.

"Yeah, right!" segunda naman ng isa.

The Curse Of The Sword (Completed)Where stories live. Discover now