Chapter XXIX

666 19 3
                                    

Chapter XXIX
Tease


Dahil sa ginawa ni Argo kanina ay halos hindi na ako makapagtrabaho dahil sa kakakulit nila sa akin kung paanong ganoon ulit kami. Ako naman na lutang pa rin sa nangyari ay walang maisagot sa kanila. Paano nga ba? Ang naaalala ko lang naman ay namangka kami sa dagat at doon na nagsimula ang lahat.

Nang mag-lunch ay pinadalhan ako ni Argo ng lunch na may note pa na magiging busy siya ngayong araw kaya't hindi niya ako makakasama. Tss.

Nang mag-uwian ay sabay ulit kami ni Abby na lumabas ng building. Hindi ko dala ang aking sasakyan dahil coding iyon ngayon.

"Oops, suitor number 2 is here." Nang-aasar na sabi ni Abby sabay nguso kay Dominic na nakahilig sa kanyang sasakyan ngayon na nasa harap namin.

Nagulat ako. Muntik ko ng makalimutang nanliligaw nga rin pala si Dominic sa akin.

"Hi, Via!" Masaya niyang bati.

"Uhm, ate, alis na ako. Mas bet ko si sir Argo, e." Bumungisngis si Abby tsaka ako iniwan.

Inirapan ko siya kahit hindi na niya nakita at saka bumaling kay Dominic. "Hi Dominic!" Masaya ko ring bati.

Natigilan ako nang niyakap niya ako ng mahigpit. "I missed you." Bulong niya.

Parang may iba. His hug is foreign to me. Oh my gosh, stop it Via!

Hindi ko nasuklian ang kanyang yakap dahil sa labis na pagkabigla. Tulala lang ako sa kanyang balikat hanggang sa magpasya na siyang bumitiw sa kanyang pagkakayakap.

Kumunot ang kanyang noo at sinuri ang kabuuan ko. Napalunok ako sa kanyang ginawa at nag-iwas ng tingin. Tila ba guilty sa isang bagay na hindi ko matukoy.

"W-what?" Kinakabahan kong tanong.

"You didn't answer my calls. Pinatayan mo pa ako ng tawag." Ramdam ko ang frustration sa kanyang boses.

Agad akong nag-angat ng tingin sa kanya. Hindi ko pa pala naipapaliwanag ang nangyari sa kanya. "Sorry Dominic. Uhm ano kase...n-nasira yung phone ko noong tumatawag ka." Hindi maiwasang manginig ng boses ko. Damn, Argo.

"Ha? What happened?" Nagkasalubong ang mga kilay niya.

Lalo lang akong kinabahan dahil sa reaksiyon niya. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na tinapon iyon ni Argo sa dagat dahil ayaw niyang kausap ko siya. "B-basta. Mahabang kwento. Let's go? I'm so tired. Gusto ko nang umuwi," Hindi ko mawari ang aking itsura sa pagkakasabi ko nito. Siguro ay parang constipated.

Nanatili pa ang kanyang tingin sa akin ng ilang sandali. "Ok." Nakangiti niyang sabi saka ako pinagbuksan ng pintuan sa front seat.

Pagkapasok ko ay nagpakawala ako ng isang malalim na hininga. Muntik na ako doon. I don't want to keep secrets from Dominic but now is not the right time to say that aside from him, there's also another man courting me at ex ko pa iyon. Not now but soon Dominic. Hindi pa ako ready sa aking mga sasabihin. I'm still processing everything on my mind.

Pagkarating sa bahay ay agad ng nagpaalam si Dominic. I offered him to have dinner in our house but he refused. Aniya'y may aasikasuhin pa siya. Nakakahiya nga at baka nakakaistorbo na ako sa kanya.

Dumiretso na rin agad ako sa aking kwarto at agad na nag-shower upang mahismasmasan sa lahat ng nangyayari. Hindi ko alam kung kailan ko sasabihin kay mommy at daddy ang mga nangyayari sa akin. Basta ang alam ko ay hindi muna ngayon. My mind is just so tired that I just want to keep this to my self for now.

Pagkatapos kong magbihis ay tumunog ang phone ko. May isang text doon galing sa isang unknown number.

Unknown number:
You're with him after work.

Way Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon