"Nahihilo ako" sabi ni Key habang inexit na niya yung laro sa cellphone niya. Pinikit niya yung mga mata niya at saka siya napahawak sa noo niya.

"Kasi naman, bakit ka naglalaro habang nasa byahe tayo? Matulog ka na lang kaya" sabi ko sa kanya saka ako tumawa ng mahina.

"Ahh... kasalanan eto ni Elise eh!" reklamo niya habang kinuha niya yung ipod niya. Sinuot niya 'yung isa sa earphones at inabot niya yung isa sa akin. "Music gusto mo? Maya-maya at magpapatugtog na ng oldies songs sila mommy at daddy kaya mas okay na eto" natatawa niyang sinabi. Kinuha ko na lang 'yung kabila at sinuot ko yun, di ko lang alam kung tama etong ginagawa ko kasi lumapit lang si Key sa akin hanggang sa magkadikit na yung balikat namin.

Nagpatugtog na nga siya at nakinig na lang rin ako. Iba-iba yung laman ng playlist niya, naghahalo-halo lang yung English at Korean songs niya, minsan may Tagalog rin pero konti lang.

Maya-maya ay nakatulog na rin siya, nakasandal na lang ulit siya sa balikat ko. Pinilit kong gawing normal yung itsura ko kasi baka isipin ng parents niya na manyak ako pag nakita nilang nakangiti ako dito sa likod. Nawala yung ngiti niya ng narinig ko yung sunod na kanta.

I Wish by One Direction.

Hindi ako fan ng One Direction, si ate yung mahilig doon kaya alam ko yung kanta. At putek lang, bakit may ganitong kanta si Key? Napakalaking patama nito sa akin! Parang ang sarap magbigti ng narinig ko eh.

He takes your hand

I die a little

I watch your eyes

And I'm in riddles

Why can't you look at me like that?

Buti na lang at tulog si Key kung hindi ang awkward lang, gusto kong i-next yung kanta kaso baka magising lang siya. Kaya eto, magdusa na lang. Parang tatlong minuto lang naman eto ng paghihirap at pagkatapos nun ay pwede na akong makinig ng payapa. Pwede ko rin naman alisin 'yung earphones kaso di rin ako makagalaw at baka magising nga si Key. Malas lang.

But I see you with him

Slow dancing

Tearing me apart

'Cause you don't see

Whenever you kiss him

I'm breaking,

Oh how I wish that was me

Possible kaya na kilala ako ng composer ng kantang eto at binase yung kanta sa buhay ko? Ang sakit eh, pero kailangan ko ng itigil. Nakakabading lang ang pagmumukmok ko.

Pagkatapos ng ilang oras ay natapos na rin ang pinakamahabang byahe ng buhay ko... mukhang mahaba rin yung byaheng yun para kay Hero kasi mukhang di siya pinayagang makatulog man lang ni Elise. Binaba na lang ako ng parents ni Key sa school dahil dederecho pa sila sa ospital ulit para sa check-up ni Key.

"Hanggang kailan ka dito at saan ka matutulog?" tanong kaagad ni Hero. Mahahalata mo na kating-kati na si Hero na iwanan si Elise dito.

"One week lang, at may malapit naman na hotel eh" sagot ni Elise.

"Buti naman. Sige aalis na kami, bahala ka na dyan" sabi ni Hero habang kinuha niya yung gamit niya. Nakakatawa lang, dè javu lang eto ng pagtrato niya kay Audrey dati.

"Teka lang, ihahatid mo pa ako doon sa hotel. At bukas ay pupunta ako ng Ashton" sabi ni Elise habang hinatak na niya ulit si Hero.

"Ihahatid kita eh ikaw nga etong may kotse" reklamo naman ni Hero.

Fools in Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now