Lalong tumindi ang sakit na dahilan ng kaunti kong pagungol. Tumaas ang tatak mula sa aking palad at naramdaman ko ang matinding pagtibok ng aking kamay na tila ba ito'y sasabog.

Napakagat ako sa aking labi na naging dahilan ng pagdugo nito. Gamit ang kaliwa kong kamay ay kinuha ko ang dugong tumulo at ipinunas iyon sa nananakit kong kanang kamay. Doon ay unti-unting naglaho ang tatak sa ere at bumalik sa kanyang dating pagkakalagay. Agad ko iyong tinakluban ng benda.

Sa t'wing dadagkitan kasi ito ng hangin ay bigla na lamang titibok ng pagka-sakit-sakit. At kung may panali lamang ako sa kamay ay iyon lamang ang maaaring magseal dito.

Ang totoo ay iilang beses ko palang nakikita ang armas na lalabas mula saaking kamay. Ngunit iyon ay noong kabataan ko pa. Noon nga ay hindi ko pa ramdam ang sakit nito. Ngunit noong namatay ang araw na mamatay siya ay lagi bang tila sasabog ang aking palad at palapulsuhan.

Napahinga na lamang ako at bumaba na sa bato tsaka naligo sa lawa habang pinapanood ang mga nagkikintabang bituwin.

O D'yos ko, tulungan n'yo po akong tulungan sila.

Ang munti kong bulong sa langit at kasabay ng pagpikit sa tubig.

"Agh!!!" Sigaw ko ng maramdaman ang pagipit ng isang bagay sa aking daliri. Ganoon nalamang ang pagkawala ng dugo sa aking mukha ng itaas ko ang aking kamay at makita ang isang alimango doon.

"Aahhhhhhhhhhh!!!!"

*****

"Late!" Suway saakin ni Leo ng makapasok ako ng klasrum. Napairap nalang ako sa turan n'ya. Kala mo kasi ay kung sinong guro kung suwayin lagi ako. Parang si Loki. Naramdaman ko ang paglipad ng class folder tungo sa aking direksyon. Hinagis iyon ni Loki kasama ang isang ballpen na agaran kong sinambot.

"Write your name. Ayaw kong mapagalitan." And there is our class secretary. Napairap nalang ako at sinulat ang pangalan ko sa talaan.

Lumapit ako sa kinakaupuan ng apat. Halos lahat kasi sila ay nakapaikot sa isang upuan. "Anong meron d'yan?" Tanong ko habang binababa ang aking bag.

"Well, Khan here just came from his country. Kaya naman pinagkakaguluhan nila." Sagot saakin ng chill lang na si Loki sa isang tabi. Nakisilip naman ako. Eh bakit hindi ko nakikita?

"Himala! Hindi ata kayo nagaaway?" Thor's remark rang all over the classroom. Kaya sabay kaming napabaling dito ni Loki. He gave us a wide grin. "Kayo na?" Me and Loki were both furious after hearing that. At sabay din kaming nagpalipad patungo sa kanya ng unang bagay naming nahagip.

"Fvck you Tauro." Inis na sabi ni Loki bago tumayo at lumabas ng room. Ayun pa e ang init-init ng dugo noon saakin. Hanggang ngayon.

"Pfft. Pikunin parin talaga ang lalaking 'yun!" Biglang sambit ng isang maliit na boses. Napatigil ako sa pagtawa.

"W-who's that? Rinig n'yo ba 'yun?" Kinakabahan kong tanong. Even though I am an elf, takot ako sa mga multo. At narinig ko lang noong isang araw na ang lugar na ito ay dati raw sementeryo.

"Which?" Nagtatakang tanong naman ni Kris.

"Y-Yung boses. Basta!" Nahihirapan kong i-explain at napahawak sa kanyang braso. Lord God, help me please!

"Ah! You mean me?" For the third time this day ay napasigaw ako. It is a freaking crab! A freaking crab is talking to me?!!

Napaurong ako ng upuan ko at nanlalaki ang mga matang napatitig sa alimango. "S-sino ka?" Kinakabahan kong tanong. From crab, the thing transformed and became human. Halos lunukin ko naman ang aking dila ng maging isang lalaki ito. Pero ang hindi ko maintindihan ay ang pamilyar n'yang pakiramdam. At kung hindi ako nagkakamali ay s'ya rin iyong alimango kaninang madaling araw!

"Oh! I never knew you were in this section." May kindat nitong sabi na nakapagpakaba saakin. S'ya nga!! Hallelujah! "At may babae na saatin?" Tanong n'ya at bumaling kay Kris.

"Yap! Isn't she cute??" Tuwang-tuwang puri naman nito. "She's gemini." Masaya pang dagdag ni Crescent upang ipakilala ako.

"Gemini ei?" Pinasadahan ako ng tingin nito mula ulo hanggang paa. Kinabahan ako. "Hindi ko inaakalang ang babae pala sa dilim ay parte ng Elra!" Humahagikhik nitong saad. Itinaas n'ya ang kanyang palad saakin. "Cancer Austin Agustus." Pakilala nito ng kalmado. "Khan for short." Dagdag nito ng tanggapin ang kanyang inilahad.

"Babae sa dilim?" Nagtatakang tanong naman ni Leo at Tauro. Napatingin saakin si Khan ngunit kinagat ko lamang ang aking labi at umiling sa kanya.

Nagulat naman ako ng lumapit ito saakin at bumulong.

"So this will be our little secret then huh?" Parang masaya pa n'yang sabi. Ako naman hindi ko malaman ang iisipin. Anong masaya doon? "Isa pa, h'wag mong kagatin ang iyong labi. Sugat pa 'yan." Suway pa nito na mas lalong nagpawala ng dugo sa aking pisngi.

He knows!

Alam n'ya ang buong nangyari kagabi!

"Now that you say it... Bakit nga sugat ang labi mo?" Tanong ni Leo habang pinagmamasdan nilang lahat ang labi ko. Takte naman! Ang awkward.

"W-wala! Nakagat ko lang habang nakain." I reasoned out. Napakibit balikat naman silang lahat s'yempre, bukod kay Khan.

"Sabagay. Tanga ka pa naman." Biglang sabi ng isang boses mula sa likod na nagpakunot saakin.

May lumapag na isang maliit na bote ng ointment sa aking harapan. "Ano 'toh?" At muli po ay tinaasan nanaman ako ni Loki ng isa n'yang kilay. Napairap nalang ako. 'Yun nanaman 'yung peste n'yang kilay. Nagpasalamat nalang ako sa kanya, ngunit imbes na 'your welcome' ay inis pa itong nag-tss.

"Inutos saakin ng prinsesa." Walang gana n'yang saad at bumalik sa pagse-cellphone.

Napabaling naman si Crescent saamin. "Inutos ko?"

"Oo inutos mo." Napapakunot na sabi nalang ni Loki.

"Ay oo nga! Ahaha nakalimutan ko." Kamot ulong sambit nalang ni Kris habang nagiisip padin kaya naman napatawa alang ako, Laging ganan ang dalawang 'yan eh. Pero dahil makakalimutin si Kris ay lagi s'yang naloloko ng lahat.

"So... you really are Loki's girl." bigla namang komento ni Khan na pareho naming ikinailing ni Loki.

"Will never be." Sabay naming sagot at tsaka nagkatanguan. Why does everyone wants to tie me up with Loki? kung alam lang nila ang tratuhan naming dalawa. Tss.

"well, that's nice." Masayang sabi ni Khan at tumango-tango saka ngumiti saakin at tumabi. Nanghalumbaba s'ya at tinitigan ako. "So, can we be?"

"be...?" naguguluhan kong tanong.

"Tayo nalang!" Khan exclaimed with a wink. Napakunot naman ako. Kami daw? Oh God no! "Joke lang naman. Pfft!" Natatawa nitong sabi which I don't find too funny. Napailing nalang ako. "But you seriously must tell me kung anong ginagawa mo sa lawa, if you would want me to keep quiet." That I can do. Tumango ako dito.

"Mamayang recess?" He nodded back.

It's final then. Mamayang recess.

VOMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED.

THANKS FOR READING!!!

The Elven Round (COMPLETED)Where stories live. Discover now