Chapter 29

564 24 0
                                    

Blaze POV

I was wandering around the school when someone's voice caught my attention. I hid in the corner and took a peek to see it, i saw Yesha with her ex boyfriend.

"Pwede ba, umalis ka na dito! Ayokong magkita kayo dito ni Jace!" Napasimangot ako ng marinig ko yung sinabe nya

"Hanggang kelan mo itatago sakanya ang lahat Yesha?"

"Itatago ko habambuhay! Ayokong dahil lang dito maghihiwalay kami! Ayokong mangyari yon"

Nagulat ako ng makitang nakatingin sakin si Lance, yung ex boyfriend ni Yesha. Tinignan nya lang ako at ngumisi sabay tingin kay Yesha.

"Pa'no ko Yesha? Pa'no kami at ang dinadala mong bata? May karapatan ako sa bata dahil AKO ANG AMA NYAN"

Nagulat ako sa sinabe ni Lance, so hindi kay Jace yung dinadala ni Yesha? So all this time niloloko na naman nya si Jace?

"Tumahimik ka nga at baka may makarinig sa'yo!"

"Bakit? Natatakot kang malaman nila yung katotohanan? Handa ko namang panagutan kayong dala ng anak ko. Mahal kita Yesha, at ngayong mag kakaanak na tayo matutupad na din yung pangarap kong maging isang ama at magkaroon ng sariling pamilya"  Naiyukom ko yung kamao ko sa mga naririnig ko ngayon.

May kapal pa talaga sya ng mukha para humarap at makipag usap samin.

"Hindi ikaw yung pinapangarap kong makasama habambuhay. Si Jace ang gusto kong makasama. Umalis ka na dito, at ayoko ng makita yung pagmumukha mo!" Sigaw nito dito kaya agad akong napatago ng makitang paalis na si Yesha.

Sinilip ko ito at nakitang nakayuko lang si Lance habang wala na dito si Yesha. Nilapitan ko ito atsaka tinapik ang likod.

"Sinadya mo ba talagang iparinig saken lahat?" Tanong ko dito at tumango naman ito.

"Ilang araw na kong nagmamakaawa sakanya na sabihin nya na kay Jace pero ayaw nyang ipaalam"

"Wag kang mag alala. Gagawa ako ng paraan para mapaamin ko sya. Hindi ako papayag na maikasal sya kay Jace, lalong lalo na kung hindi naman sya yung ama ng dinadala nya"

"Salamat."

"Don't thank me. Gagawin ko lang kung ano yung tama. And besides, kung meron mang isang babae ang karapat dapat na maikasal kay Jace yun ay walang iba kundi si Reese."

Iniwan ko na sya dun at pumunta na ng canteen para kumain.
________

Pa'no nya nalulunok yung mga sinasabe ngayon ni Yesha? Itatago nya at mag sisinungaling sya para lang maikasal sya kay Jace?! That's bullshit!

"Huy! Ano ba mga pinagtatanong mo kay Yesha? Alam naman naming ayaw mo sa kanya, pero sana naman wag yung masyadong halata" Sabi saken ni  Grae

"Wala kasi kayong alam"

"Anong wala kaming alam? May dapat ba kaming malaman?" Tanong ni Ace pero hindi ko nalang ito sinagot. Ayokong manggaling saken.

Reese POV

Gabi na at nandito pa ko sa labas galing ako sa 7/11 para bumili ng chocolate milk, stress reliever ko kapag marami akong iniisip.

Dahan dahan lang akong naglalakad pabalik ng mansyon, gusto ko lang sulitin 'tong mag isa akong naglalakad na para bang walang problema na iniisip.

Malapit na ko sa bahay ng bigla akong napahinto sa paglalakad ko. Napaatras ako ng kaunti habang nakatitig sa kanilang dalawa, naestatwa ako sa nakikita ko ngayon.

One of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon