Chapter 14

1K 43 6
                                    

Reese POV

Pababa na ko sa baba ng mapansin kong may babaeng kinakausap si Alex, Tinignan ko ito at nabigla ako ng makitang magandang babae ito. Girlfriend kaya ni Alex 'to?

"Reese!" Napalingon ako ng tawagin ako ni Alex, lumapit ito saken at kumapit sa braso ko. Anong inaarte nito?

"Bakit?"

"Ikaw nga kumausap sa babaeng yon. Pinapasabe kasi ni Ace na kapag may maghanap na babae dito sa kanya sabihin ko daw na wala sya, eh ayaw naman maniwala nung babae" Bulong na pagkakasabi saken ni Alex, tumingin ako sa gawi ko at mukhang naiirita na yung babae.

Tinanggal ko yung pagkakapit ni alex saken atsaka lumapit sa babae, Ok im not going to be rude but she's a little bit shorter to me.

"Miss? Sino hinahanap mo?" Tanong ko dito, sinamaan ako ng tingin nito at tumingin saken mula ulo hanggang paa.

"Nasan si Ace? I wanted to see Ace."  Anong kalokohan na naman ba ginawa nung lalaking yon?

"Wala kasi dito si Ace. Pumunta ng ibang bansa, hindi mo pa ba alam?" Pagsisinungaling ko dito at para namang nanlumo yung mukha nya

"What? Kelan pa? Does he know im his Fiancè?" Nanlaki naman yung mata ko sa sinabe nitong babae. Fiancè?

"Teka miss-- Ano ulit sinabi mo?" Lumapit na din samin si Alex at tinanong 'tong babaeng ito.

"I'm his Fiancè. Kaya ako nandito ay para maasikaso na namin yung engagement party na gaganapin this Saturday and then now he's not here? How can i contact him?" Pucha! Paano ko ba sasabihin dito sa babaeng 'to na nandito lang si Ace? Mukhang seryosong usapan 'to dahil may kasalan ng magaganap.

"Stop telling lies Aira." Sabay sabay naman kaming napatingin sa likod at nakita si Ace na nakapantulog pa. Lumapit ito saken atsaka ako inakbayan.

"Akala ko ba--" Pinutol naman sya sa pagsasalita ni Ace

"Hindi ako magpapakasal sayo." Seryosong sabi nito sa babae. Kinalabit naman ako nito ni Alex at binulungan na umalis na muna kami para makapag usap sila kaya dahan dahan kong tinanggal yung braso ni Ace at aalis na sana ng mahawakan nya yung kamay ko.

"Let's go" Bigla ako nitong hinila palabas ng bahay, tinignan ko pa yung babae at mukhang nagulat pa ito sa ginawa ni Ace. Ano bang binabalak nitong lalaking 'to?

Huminto kami sa playground at umupo ito sa swing kaya humarap ako dito at nagsalita.

"Balikan mo yung babae sa bahay. Wag kang bastos Ace, Fiancè mo yung tinalikuran mo." Sabi ko dito pero nanatiling nakayuko lang ito

"Ayoko sa kanya." Bigla namang kumunot yung noo ko sa sinabi nya.

"Wag mong sabihin agad na ayaw mo sa kanya. Hindi mo pa nga ata nakikilala ng lubos yung babaeng yon" Sagot ko dito at nabigla ako sa ginawa nya. Hinila nya yung binti ko atsaka ito niyakap.

"Ayokong sila ang magdedesisyon sa buhay ko." Narinig ko namang may paghikbi ito kaya pumuntay ako dito habang nakaluhod. Tinignan ko sya atsaka nginitian, ngayon ko lang nakitang umiyak 'to.

"Hindi ko alam kung bakit ganun ka nalang kagalit sa kanila, pero ito lang masasabi ko. If you need help im always here for you. But Ace, as a Girl/woman like me the way you talk to her is rude, she's still a girl/woman you have to respect her. Bumalik tayo sa bahay at mag usap kayo ng maayos." Sabi ko dito at nakatitig lang sya saken. Napangiti naman ito atsaka hinawakan yung magkabilang pisngi ko at hinalikan yung noo ko kaya nagulat ako sa ginawa nya.

Tumayo ito at inilahad yung kamay nya saken, kinuha ko ito at tumayo na din para bumalik sa bahay.
_________

Tanghali na at nagbihis ako para pumunta ng supermarket, ubos na din kasi yung supply namin sa ref.

"San ka pupunta?" Nakita ko naman si Grae na kakalabas lang ng kwarto nya. May inabot ito saken na papel

"Sa supermarket. Bibili ng supply ng pagkain natin, Ano 'to?" Tanong ko dito at napakamot naman ito sa batok nya

"Short poem. Sana magustuhan mo" Nahihiya nyang sabi saken, Tumango ako at sinabing mamaya ko babasahin. Inipit ko muna ito sa bulsa atsaka bumaba.

"Let's go!" Napatingin naman ako Alex ng lumapit ito saken ng nakangiti

"Sama ako" Sabi nya saken pero agad ding hinarang nila Zion at Jay

"Kami na sasama kay Reese. Mag linis ka nalang dito" Sabi sa kanya ni Zion na ikinasimangot nito kaya napatawa nalang ako sa inakto ng tatlo lalo na ni Alex.

"Ako sasama kay Reese" napatingin kami sa likod nila at nakita ko si Ace na nakatayo

Tumango naman ako at naglakad na kami palabas pero bago pa kami tuluyang makaalis ay may humabol pa para sumama.

"Tara, ako na magdadrive" Napatingin kami kina Grae at Ethan  na kusa nalang pumasok sa sasakyan at nasa driver seats ngayon si Ethan.

Wala na din akong magawa kaya sumakay na ko pati narin si Ace. Hindi naman naging mahaba yung byahe namin at nakarating ding kami agad.

Pumasok na kami at kumuha ng tag iisang cart, sinabihan ko sila na kumuha sila ng mga kinakain nila at ng mga gusto nila kaya naghiwahiwalay kami para pumili.

Pagkatapos namin pumili ay pumunta na kami sa cashier na puno yung mga cart, parang 1 taon na supply namin 'to Hahahaha.

Kinahon ito para magkasya lahat, kukunin ko na sana yung isang kahon ng may naunang kamay dito, tinignan ko ito at nakita si Ace na buhat na ito at naglakad palabas.

Napailing nalang ako at sinundan sila, nagsabi din ako na dumaan muna ng mall at ililibre ko sila ng makakain at maiinom.

Pumasok kami sa isang coffee shop at pinahanap ko sila ng mauupuan, si Ace naman ay naiwan at sinamahan ako.

"Miss do you have Milk Shake? Or something milk flavor?" Tanong ko sa counter.

"Mam Wala po, we only have coffee flavor or Tea" Sabi nito saken.

Hindi kasi umiinom ng kape si Ace, kaya hinanapan ko sya ng kahit Milk flavor nalang para sa kanya.

"Sa iba nalang tayo bumili" Sabi ko kay Ace, tinignan naman ako nito at bigla akong nginitian

"Ayos lang saken, Mag order ka na kahit coffee nalang" Tinignan ko lang ito at umiling, hinila ko sya pa alis sa pila at hinanap sina Grae sa loob

"Sa iba tayo bibili" Sabi ko sa kanila at mukha namang silang naguluhan pero sumunod din saken atsaka kami lumabas ng coffee shop.

Pumunta nalang kami sa Ice cream shop at doon nakaorder din ako ng para kay Ace. Kumain at nagkwentuhan lang kami the whole time at pagkatapos non ay umuwi na din.

Nilagay na nila sa kusina yung mga pinamili namin at sinabing sila na bahala na mag ayos kaya umakyat nalang ako ng kwarto at bago ko pa makalimutan, kinuha ko sa bulsa yung papel na bigay ni Grae saken atsaka yon binasa.

"let me be your electric meter
I will not run out
let me be the electric heater
you get cold without"

Naguluhan naman ako sa sinulat nito, galing ba talaga sa kanya 'to o kinuha nya lang sa internet or libro? Napailing naman ako at itinago ito sa cabinet at natulog muna ako.









-Red Velvet Irene as Aira Jane Gonzales 💕

One of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon