Chapter 6

1.2K 57 6
                                    

3rd Person POV

"Now i know kung bakit ganun sya nung isang gabi" Banggit ni Grae ng matapos nilang basahin yung inpormasyon tungkol kay Reese.

"Huh?"

"Naabutan ko kasi sya nung isang gabi sa harap ng ref, nagtanong ako kung bakit gising pa sya tas sinabi nya nagugutom sya" Pagkekwento ni Grae sa kanila

"Oh, anong kinalaman non dito?" Naguguluhang tanong ni Ethan sa kanya

"Nagulat ako kasi sa ref din sya naghahanap ng napkin" Napasapo nalang sa mukha ang ibang lalaki ng marinig yon galing kay Grae

"Unbelievable" Yun nalang yung nasabi ni Jay

"Sa tingin nyo mahihirapan tayong pakisamahan sya?" Tanong ni Alex sa mga kasama nya

"I don't think so, isa pa kaparehas nyong lahat yung ugali nya or worst mas malala pa kayo" Banggit ni Jace na ikinasimangot ng iba atsaka sya binato ng unan ni Ace

"Wag kang mag malinis jan"

"HAHAHAHAHAHA" Tawa nilang lahat pero agad ding naputol ang kasiyahan nila ng may kumatok sa pinto.

Tumayo si Eros atsaka binuksan yung pintuan at nakita doon si Reese na nakatayo.

"Bakit?" Tanong nito sa dalaga

"May naghahanap sa inyo sa baba" Sabi nito kaya napakunot ang noo ni Eros

"Sino?" Tanong nito pero nagkibit balikat lamang si Reese at nagpaalam na babalik na sa baba.

"May naghahanap daw satin" Sabi ni Eros sa mga kasama nya ng makapasok ulit ito.

"Sino?" Tanong ni Jace pero nakibit balikat lamang si Eros. Nagdesisyon namang bumaba na sila para tignan kung sino yon.
________

Reese POV

"Pababa na sila, antayin mo nalang" Sabi ko dito sa babae

"Sino ka ba? Anong ginagawa mo sa bahay nila?" Mataray na tanong nito saken.

"Ah kas---" Naputol yung sasabihin ko ng may magsalitasa likuran ko

"Nami?" Gulat na banggit ni Jace dito, at ito namang babaeng 'to kung makatakbo akala mo ang tagal nilang hindi nagkita.

"Kuya!" Masayang sigaw nya kaya nagulat ako ng sabihin nyang kuya. May kapatid pala sya?

"Anong ginagawa mo dito?" Pagtatanong ni Jace dito at umupo sila sa couch para makapag usap ng maayos kaya umusod ako ng kauti para makaupo silang lahat.

"Bakasyon muna ako dito. By the way, bago nyong maid kuya?" Turo nito saken habang nagtatanong kay Jace. Nabigla naman sila sa sinabi ni Nami.

"Ah-- Hindi actually bisita namin sya dito" Sabi ni Eros sa kanya, pero tinaasan nya lang ako ng kilay at tinignan mula ulo hanggang paa

"Bisita?" Pag uulit nito

"Oo, Apo ni Mr. Montenegro" Nakita ko naman ang paglaki ng mga mata nya pero agad ding napalitan sa pagkaseryoso.

"I don't care, atsaka puro lalaki kasama mo sa iisang bahay hindi ka ba natatakot or naiilang man lang?" Tanong nito saken, isang segundo bago ko ito sagutin.

"At first, naiilang ako but as time goes by nasasanay na din ako" Nakangiti kong sagit sa kanya pero inirapan nya lang ako. May sakit ba sya sa mata?

"A little reminder lang, Kay ate Yesha na yung Kuya Jace ko so don't you ever cross that line" Hindi ko alam kung pinapaalalahanan nya ko o nagbabanta sya saken.

One of the BoysWhere stories live. Discover now