Chapter 9

1.2K 52 7
                                    

Eros POV

Nagluluto na ko dito ng umagahan namin ng marinig kong may kumakatok sa bahay namin. Sino naman kayo yon? Ang aga aga pa.

Pinagbuksan ko ito at nakita ang isang lalaki, may mga dala itong mga bag kaya kumunot pareho ang noo namin.

"Sino ka?" Sabay naming sabi

"Tama naman siguro yung address ng bahay na sinabi nya" Bulong nya sa hangin pero narinig ko parin ito.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko dito

"I'm here for Reese. Nandito ba sya?" Nabigla ako ng banggitin nya yung Pangalan ni Reese

"Pasok ka muna, gisingin ko lang sya" Nanliit naman bigla yung mga mata nya habang nakatingin saken.

"Sino ka? Kaano ano ka ni Reese?" Tanong nya saken pagpasok nya sa bahay.

"I'm her Husband" Sabi ko dito at muntik na kong matawa sa reaksyon nya ngayon. Hindi man lang nya ba alam na nagbibiro lang ako?

"What? A-asawa ka nya?" Hindi makapaniwalang tanong nya saken

"Kidding. Kaibigan namin sya, akyat lang ako saglit para gisingin sya" Sabi ko dito at tumango lang ito kaya umakyat na ko at pumunta sa kwarto ni Reese.

"Reese?" Tawag ko dito habang kumakatok.

"Reese?" Hindi naman nagtagal ay binuksan nya yung pintuan at nakitang nagkukusot pa ito ng mata nya. Cute.

"May nag hahanap sayo na lalaki sa baba" Nanlaki naman agad yung mata nya at dali daling umalis at bumaba.
_________

Reese POV

"Mino?" Tawag ko dito at lumingon ito saakin kaya tumakbo ako palapit sa kanya atsaka sya niyakap.

I miss this guy, sya lang talaga yung nakakausap ko sa states since hindi ko na pinagpatuloy yung pagpasok ko sa school doon at nag home study nalang.

"Namiss kita, aga ata ng flight mo" Sabi ko dito

"Ayaw mo pa non? Atleast maaga akong nakarating dito"Sagot nya saken kaya natawa nalang ako.

"Nga pala, sino yung lalaking yon?" Turo nya sa likuran ko at nakita si Eros na nasa kusina at nagluluto.

"Si Eros, bakit?"

"Hindi magandang biro yung sinabi nya saken kanina" Napakunot naman yung noo ko

"Bakit ano bang sinabi nya?"

"Asawa mo daw sya" Nanlaki naman yung mata ko pero agad ding natawa.

"Nagbibiro lang yon Hahahaha"

"Sana nga" Sabi nya

"Sino yan?" Napatingin naman ako sa taas at nakita sina Zion at Jay na nakadungaw. Bumaba ang mga ito at lumapit samin.

"Mino sina Jay at Zion, Jay, Zion si Mino pala" pakilala ko sa kanilang isa't isa. Bumulong naman saken si Mino

"Bakit puro lalaki kasama mo dito? Alam ba 'to ng Lolo mo? Ilan pa silang nandito?" Sunod sunod nyang tanong saken

"Chill. Mamaya ko sasabihin sayo lahat, sa ngayon kain muna tayo" Aya ko dito at pumunta na kami sa hapagkainan.

"Good Morning" inaantok pa na bati samin ni Alex kasama si Blaze

"Oh, may bisita pala tayo. Sino yan Reese?" Tanong saken ni Blaze, nakita ko namang sumunod na rin sina Jace kaya ipapakilala ko na sa lahat si Mino.

"Si Mino nga pala kaibigan ko from states. Sya din ang tutulong satin para sa problema nyo" Nakangiti kong sabi sa kanilang lahat at binati sya nito isa isa.
_____

One of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon