Chapter 12

8.2K 228 1
                                    

Nagising si Louisse ng maaga. Maaga nyang tinulugan si Ezikiel dahil naiinis sya dito. Hindi nya maintindihan kung bakit at ano ang gusto nitong palabasin sa mga pinaggagawa nito kagabi. Maagang nagsiuwi ang mga kaibigan nito dahil may  negosyong dapat asikasuhin ang mga ito. Ang mga magulang naman nito ay maaga ring umuwi sa tinutuluyan nitong hotel sa bayan. Ngayong alas nueve kasi ng umaga ang flight ng mga ito pabalik sa Italy.

Naabutan nyang nagkakape sa balkonahe ng bahay nila si Ezikiel at ang kanyang Ama.

"Good morning, Tay." Bati nya sa kanyang Ama saka nagmano dito.

"Good morning din, Anak." Sagot na bati naman sa kanya ng kanyang Ama.

"Ang Inay po nasaan?" Tanong nya dito.

"Nasa bayan. Sumabay na kay Lynelle sa pagpasok." Sagot naman nito sa kanya.

Napatangu-tango sya. Tapos ay pumasok na uli sa loob ng bahay. Hindi nya magawang kibuin si Ezikiel dahil hindi nya naman alam ang kanyang sasabihin dito. Hihintayin nya na lang na ito ang magpaliwanag sa kanya. Hindi nya rin magawang magtanong dito dahil natatakot sya na baka marinig sila ng kanyang mga magulang. Wala pa naman syang nakahandang paliwanag sa mga ito tungkol sa kanilang pekeng kasal.

Dumiretso sya sa kusina para magtimpla ng kape. Nagulat na lang sya ng bigla na lamang may yumakap sa kanya mula sa likuran.

"Oh bakit iniwan mo si tatay sa labas?" Tanong nya dito.

"Umalis sya. May pupuntahan daw. Sabi nya mag-usap daw tayo." Sagot nito sa kanya.

"Ano naman ang pag-uusapan natin?" Tanong nya dito.

Natahimik ito saglit.

"Are you mad at me?" Tila nagtatampong  basag-tanong nito sa katahimikan nila.

Bumuntung-hininga sya. "What do you think?" Balik-tanong nya naman dito.

Ipinatong nito ang baba sa balikat nya saka bumuntung-hininga. "Please dont be mad at me." Pakiusap nito. "Ano ba dahilan at hindi mo ako kinikibo?" Tanong nito.

"Nagtataka ka pa?" Tanong nya. "Ezikiel, pareho nating alam ang tungkol sa kasal natin. Bakit mo ito ginagawa?"

He sigh again. "I'm doing this because I like you. And I will never let you go. Ever." Sagot nito.

Natigilan sya at napabaling ng tingin dito.  "What did you say?" Tanong nya.

"I like you. Hindi ko alam kung bakit, basta gusto kita. Ayokong mawala ka pa sa akin." Sagot nito sa kanya.

"What about the contract?" Tanong nya.

Bumuntung-hininga uli ito. "Forget about the contract. Please?"

"Pumayag kang pakasalan ako sa simbahan nang hindi pa natatapos ang kontrata natin. Ano bang balak mo? Dadagdagan mo ng tatlong taon ang kontrata?" Sunud-sunod nyang tanong dito.

"Oo." Sagot nito. "Pero hindi lang tatlong taon. Kundi panghabang-buhay. I want you to stay in my life. No limitation, Walang expiration date, walang katapusan."

Napakurap-kurap sya. "Anong ibig mong sabihin?" Nagtataka nyang tanong dito.

Hinalikan sya nito sa labi. "Basta. Ang gusto ko lang malaman ay kung papayag ka sa gusto ko."

"Ano bang gusto mo?" Tanong nya.

"Magpakasal tayo sa simbahan." Sagot nito.

"Eh di ba nga, pumayag na ako?"

"Napilitan ka lang kagabi. Ang gusto ko ay yung totoong sagot mo. Yung mula mismo sa puso mo."

Nag-isip muna sya. Inalis nya ang mga braso nitong nakayakap sa baywang nya tapos ay hinarap ito at mataman itong tiningnan sa mga mata. bumuntung-hininga sya ng malalim bago nagsalita. "Magpropose ka ng maayos. Baka sagutin ko pa yan ng mula sa puso ko." Sagot nya dito tapos ay iniwan ito dala ang tinimpla nyang kape.



Naiwang nakatigagal si Ezikiel sa kusina. Magpropose ka ng maayos. Baka sagutin ko pa yan ng mula sa puso ko! Ulit ng utak nya sa sinabi ni Louisse. Unti-unting sumilay ang mga ngiti sa labi nya.

Billionaire Man's Affection Series 1Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz