Chapter 4

9.5K 259 9
                                    

"Prepare yourself. Pack some clothes that good for one week. Mag-a out of town tayo." Sabi sa kanya ni Ezikiel mula sa kabilang linya. Kasalukuyan syang nasa hospital at katatapos nya lang icheck ang isang pasyente ng tumawag ito.

"Saan naman tayo pupunta?" Nagtataka nyang tanong dito.

"Secret." Pasurpresang sagot naman nito.

"Pero may trabaho ako bukas." Pagdadahilan nya naman dito.

"Dont worry nakausap ko na ang may-ari ng Hospital at pumayag naman sya." Hindi sya makapaniwala sa sinabi nito. Hindi nya alam na naipagpaalam na pala sya nito. At ganun ito kalakas dito para payagan ito sa request nito?! Wow, iba na talaga ang isang Ezikiel Fourier!

"Hi Louisse!" Narinig nyang malakas na bati ng isang baritong boses mula sa di kalayuan dahilan para maagaw ang kanyang pansin doon.

Si Dr. Dylan Romano.

"Who's that?" Magkasabay na tanong ni Dr. Romano ng makalapit ito sa kanya at ni Ezikiel mula sa kabilang linya.

Nagpalipat-lipat ang kanyang tingin kay Dr. Romano at sa hawak nyang cellphone. Muli nyang itinapat sa kanyang tenga ang kanyang cellphone nang marinig muli ang boses ng kanyang asawa.

"Louisse, I said, who is that?" Tama ba yung narinig nya? Bakit parang may bahid na selos ang tono ng pananalita nito?

"S-Si Dr. Romano." Nauutal na sagot nya naman sa tanong ni Ezikiel.

"Call me, Dylan, Louisse." Nakangiting sabi ni Dr. Romano sa kanya.

"Can you give him your phone, please." Utos ni Ezikiel sa kanya.

Nagtataka man ay iniabot nya na lang kay Dr. Romano ang kanyang cellphone. Nakangiting tinanggap naman iyon ng gwapong doktor tapos ay kumindat pa sa kanya bago nito kinausap si Ezikiel sa kabilang linya.

Hindi nya alam kung ano ang pinag-uusapan ng mga nito pero parang wala lang iyon kay Dr. Romano dahil tila nakakaloko lang itong nakangisi.

"All right, all right. Sinabi mo, eh." Sabi nito na kausap parin si Ezikiel sa cellphone. "Dude, don't deny it. It's obvious. Do you want me to call the priest to give mass? I'm sure the rest of our friend will help me." Sabi ulit nito saka ngumisi ng nakakaloko. "Why? Aren't you glad that we're happy for you? because, finally, our dearest friend, decided to commit suicide!" Sabi pa uli nito saka tumawa ng malakas. Nangingiti itong umiling-uling. "Your welcome, Dude.... I love you too.... okey, I will. Dont worry susundin ko po ang utos mo." Iyon lang tapos ay ibinalik na uli sa kanya ang kanyang cellphone.

"So possesive!" Makahulugang sabi nito saka ngumiti. "Take care and Enjoy your vacation together." Sabi pa nito saka tinapik ang kanyang balikat. "So pretty!" Dugtong pa sabay pisil sa kanyang pisngi na ikinagulo lalo ng kanyang isip tapos ay iniwan na sya.

Nang kausapin nya uli si Ezikiel ay wala na ito sa kabilang linya.

Kunut-noo syang marahas na napabuga ng hangin tapos ay pikit-matang ipinilig ang ulo.

Bahagya syang nagulat ng bigla na lamang may tumapik sa kanyang magkabilang braso. Si Jenica lang pala, kasama ang co-worker at ka-close friend nilang si Shiela.

"Uy beshie, ano yung naririnig ko na mag-a out of town ka daw ng one week?" Nag-uusisang tanong ni Jenica sa kanya.

"Oo nga!" Segunda naman ni Shiela.

"Kasasabi lang sa akin ni Ezikiel. Kayo alam nyo na agad?!" Kunut-noong sagot nya naman na ikinatawa lang naman ng mga ito.

"Taray mo teh!" Bulalas na biro ni Shiela sa kanya. "Iba na talaga kapag may mayamang jowa." Dagdag pa nito.

Billionaire Man's Affection Series 1Where stories live. Discover now