Chapter 10

9.1K 253 6
                                    

"Ready na ba lahat? Wala na bang nakalimutan?" Tanong ni Ezikiel sa kanya ng umagang iyon.

"Seryoso ka ba talaga na sasama ka sa akin sa pampanga?" Seryosong tanong nya dito. Hindi talaga sya makapaniwala na sasama ito sa kanya sa pampanga upang makita at makilala ang mga pamilya nya.

Lumapit ito sa kanya at inakbayan sya. "Yes, sweety. Im serious at hindi na magbabago yun." Sagot naman nito sa kanya saka ngumiti.

"Okey fine. Pero ito ang tandaan mo, Ezikiel, oras na magkaroon ng problema ikaw ang bahalang lumutas." Banta nya naman dito.

Tila naman nakakalokong ngumisi ito sa kanya. "Of course, sweetheart. Dont worry akong bahala." Sagot naman nito sa kanya.

Umingos naman sya. "Bahala ka na nga sa buhay mo!" Iyon lang at nagpatiuna na itong lumabas ng bahay.

Ang silver BMW x7 nito ang ginamit nilang sasakyan papuntang pampanga. Mabuti na lamang at may sariling sasakyan si Ezikiel, tipid din sa gastos. And besides, may kalayuan ang pampanga kaya matagal din ang byahe.

"Ano ba kasi pumasok sa utak mo at gusto mong makita at makilala ang pamilya ko?" Tanong nya kay Ezikiel na minamaniobra na ang sasakyan.

"Sweetheart, masama bang makilala ko ang pamilya ng asawa ko?" Sagot naman nito.

"Mas lalo mo lang pinabibigat ang sitwasyon ko!" Bulong nya. She crossed her arms and stared at the window.

Ilang minuto din silang walang imikan mabuti na lamang at hindi masyadong trapik ang kalsada kundi ay nainip na sya. Ini-onn ni Ezikiel ang stereo ng sasakyan. Nang pumailanlang ang isang malamyos na musika ay ipinikit nya ang kanyang mga mata.

Hindi nya alam kung ilang oras syang nakatulog basta nagising na lamang sya ng may humahaplos sa pisngi nya.

"Ezikiel!" Mahinang saad nya ng mabuglawan nya ito.

"Kain na muna tayo. Its already eleven thirty na ng tanghali." Sumilip sya sa binta. Naka-park pala ang sasakyan nila sa isang malaking karindirya. Pamilyar sa kanya ang karinderyang iyon dahil sa tuwing uuwi sya sa kanilang probinsya ay iyon ang palaging stop over ng mga bus na bumibyahe mula Pampanga to Manila.

"Tara na kumain muna tayo tapos after a minutes byahe na ulit tayo." Sabi nito sa kanya.

"Paano mo nalaman ang daan?" Nagtataka nya namang tanong dito.

"I used the google map." Simpleng sagot lang nito saka ngumiti.

Napakunut-noo naman sya.

"Tinulugan mo kasi ako eh. Ayoko namang gisingin ka dahil alam kong puyat ka kagabi." Sabi uli nito saka pilyong ngumiti.

Pinamulahan sya ng pisngi dahil sa sinabi nito. Inis na iningusahan nya na lang ito tapos ay lumabas na lang ng kotse. Sinundan naman sya ni Ezikiel na wala yatang balak na alisin ang ngiti sa labi nito.

Pumasok sila sa loob ng malawak na karinderya. May ihaw-ihaw din sa kainang iyon at tindahan ng mga pasalubong.

Naupo sila sa isang bakanteng lamesa.

"So, what do you want to eat?" Tanong nito sa kanya.

"Yung ihaw-ihaw ang gusto ko with extra rice ha." Sagot nya naman dito.

"Okey. What about the drinks?"

"Water na lang." Sagot nya naman.

"Okey." Iyon lang at umalis na ito upang magtungo sa ihaw-ihaw para umorder ng pagkain.

Mga ilang segundo lang ay bumalik na ito dala ang table number nila at resibo.

"So, mag-i stay ka sa pampanga kasama ako ng isang linggo?" Tanong nya dito ng makaupo ito.

Billionaire Man's Affection Series 1Where stories live. Discover now