Chapter 11

8.1K 230 5
                                    

Nagising si Louisse sa ingay ng tilaok ng manok. Bumangon sya at naghikab. Nang bumaling sya sa kanyang tabi ay wala na doon si Ezikiel.

Umahon sya sa kama at lumabas ng silid. Wala syang naabutan ni isang tao sa sala. Nang magtungo sya sa kusina ay naroon ang kanyang Ina na abala sa paghahanda ng lulutuin para sa kaarawan ni Lynelle. Mas gusto kasi nitong sa gabi ang handaan at may inimbitahan pa itong bisita.

"Inay, si Ezikiel po?" Tanong nya sa kanyang Ina.

"Nasa likod-bahay sila ng tatay mo. Nagsisibak ng kahoy." Sagot naman ng kanyang Ina.

Nagmamadali naman syang nagpunta sa likod bahay at nakita nya ang kanyang Ama at si Ezikiel na nagsisibak nga ng kahoy para ipanggatong.

Ezikiel is drop-dead gorgeous while swetlesly topless holding an ax. Tila tuloy naglalaway sya sa napakagandang tanawin na kanyang nakikita.

"Eyes up here, sweety." Pukaw nito sa kanyang naglulumikot ng imahinasyon. Hindi nya napansing nakatingin na pala ito sa kanya at mukhang napansin nitong nakatingin sya sa nakabuyanyang nitong Abs. Lihim nya tuloy sinaway ang sarili. Kailan pa sya naging manyak at mahalay kay Ezikiel? Napalunok sya tapos ay biglang ibinaling ang tingin sa mata nito.

"Good morning, Sweety." Bati nito sa kanya.

"Maaga ka palang nagising, bakit di mo man lang ako ginising?" Kunway naiinis na sabi nya dito saka humalukipkip.

"Sweetheart, hindi na kita ginising kasi ang himbing pa ng tulog mo. Ayoko namang mabitin ka sa tulog mo." Sagot nito tapos ay lumapit sa kanya. Hinalikan sya nito sa labi.

Narinig nila ang pagtikhim ng kanyang Ama. Sabay silang napalingon sa gawi ng kanyang Ama.

"Good morning po, Itay." Bati nya naman sa kanyang Ama tapos muling binalingan si Ezikiel. Pinunasan nya ang pawis nito ng towel na nakasampay sa balikat nito.

"Nagkape ka na ba?" Tanong nya dito.

"Hindi pa. Hinihintay kasi kita. Gusto ko kasi sabay tayo mag-breakfast." Sagot naman nito sa kanya.

"Ikaw Itay, nagkape na po ba kayo? Gusto nyo po bang ipagtimpla ko kayo?" Baling na tanong nya naman sa kanyang Ama.

"Tapos na. Nag-agahan na kami ng Inay mo at ni Lynelle. Ihanda mo na lang ang agahan ninyong mag-asawa. Hindi pa yan kumakain dahil gusto nya nga'y kasabay ka." Mahabang sagot naman ng kanyang Ama.

"Ah sige, ihahanda ko lang ang agahan natin." Paalam nya na kay Ezikiel.

Tumango naman ito. Tapos ay pumasok na sya uli sa kusina.



Gabi....

Masayang nagsasalo-salo sa munting handaan ang buong pamilya ni Louisse kasama ang mga kaibigan ng kanyang kapatid. Sixteenth birthday kasi ni Lynelle.

Isang ugong ng mga sasakyan ang narinig nilang pumarada sa labas ng bakuran ng kanilang bahay. Nagtataka namang sinilip iyon ni Lynelle at ng dalawang kaibigan nito.

"Ayyyyy! Mga gwapong fafa!" Tumitiling bulalas ng baklang kaibigan ni Lynelle na si Jazper.

"Oo nga. Ang ga-gwapo nila!" Segunda naman ng kasama nitong si Celine.

Nagkatinginan naman sila ni Ezikiel.

"I think, your friends are here!" She whispered to him.

Kunut-noo naman itong napatitig sa kanya. "And why are they here?" Nagtataka nitong tanong.

Nagkibit-balikat lang sya.

Billionaire Man's Affection Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon