Chapter 1

10.9K 290 10
                                    

Masaya at maganang nagluluto ng agahan nilang mag-asawa si Louisse ng umagang iyon. She's humming that full of inspiration. Hindi nya nga namalayang nakalapit na pala ang kanyang asawa sa dinning table.

"You look happy today. Can I know the reason 'why'?" Kung hindi pa ito nagsalita ay hindi nya mararamdaman ang prisensya nito.

"Maganda lang ang gising ko." Hindi lumilingong sagot nya naman dito. Patuloy sya sa kanyang ginagawa.

"Nagkape ka na ba?" Tanong nito sa kanya.

Nilingon nya ito. "Hindi pa." Nakangiting sagot nya naman.

"Want me to make it for you?" Tanong pa uli nito.

"Yes, please..." Sagot nya naman dito with a sweet smile.

Napangiti ang kanyang asawa tapos ay nagtungo na ito sa kinaroroonan ng coffee maker.

Sakto namang natapos nya na ang kanyang niluluto ay natapos din ito sa pagtitimpla ng kape. Magkatulong nilang inihanda ang hapag-kainan.

"For my lovely queen!" Wika ng kanyang asawa kasabay ng paghugot ng silya para sa kanya.

Sinakyan nya naman ang kalokohan nito. "Thank you, my king!" Nakangiting sagot nya naman kasabay ng pagyukod.

Napangiti lang ito. Tapos na naupo na sya. Naupo narin ito sa pwesto nito tapos ay magana nilang sinimulan ang pagkain.

"Hanggang anong oras ang duty mo sa hospital ngayong araw?" Tanong nito sa kanya.

Hindi naman kase pare-pareho ang schedule nya sa trabaho saka isang buwan  pa lang naman silang nagsasama bilang mag-asawa ni Ezikiel, kaya nakaugalian na nitong itanong sa kanya ang tungkol sa bagay na yun.

"Straight duty ako till six in the morning." Sagot nya naman dito.

Napatangu-tango ito.

"Okey, I'll pick you up tomorrow at six." Sabi nito sa kanya na ikinapagtaka nya. Hindi naman kasi nito ugali ang ihatid at sunduin sya.

"No need, gagamitin ko na lang ang kotse ko para hindi na kita maistorbo bukas ng umaga." Sagot nya naman dito.

"But I insist." Pamimilit nito.

"Pero may pasok ka pa bukas di ba?"  Patanong nyang sagot dito.

"Basta susunduin kita bukas." Pamimilit parin nito. "Kapag sinabi kong susunduin kita, susunduin kita." Pinal nitong sabi.

Hindi nya na sinalungat pa ang disisyon nito. Hindi rin naman ito magpapatalo. Bumuntung-hininga na lamang sya.

"Okey." Sagot nya na lang.

Kahit naman minsan ay may pagka-istrikto ang kanyang asawa, ay hindi naman sya pinapabayaan nito. Ibinibigay nito ang lahat ng gusto nya. Katunayan ay ayaw nitong magtrabaho pa sya dahil kaya naman daw sya nitong buhayin. Sya lang naman talaga ang nagpumilit na magtrabaho sya dahil ayaw nyang ma-bored sa bahay nito. Hindi naman talaga nakakapagtaka na kaya sya nitong buhayin dahil mayaman ito. Hindi lang basta mayaman kundi, sobrang yaman. Ezikiel Fourier is one of the sough bachelor in the world. Pag-aari nito ang Fourier Real State Company na kilala sa ibat-ibang bansa at maging sa pilipinas.

Billionaire Man's Affection Series 1Where stories live. Discover now