PROLOGUE

15.8K 434 22
                                    


Abala sa harap ng salamin si Louisse.

"Todo paganda ka dyan, mabuti sana kung mapapansin yan ng boyfriend mo!" Punang sabi ng kaibigan nyang si Jenica Castillo.

Hindi nya na lang ito pinansin dahil ayaw nyang masira ang gabi nya. May date kase sila sa gabing ito ng kanyang boyfriend.

Ngayon pa nga lang ay nae-excite na sya. Baka kase ngayong gabi na mangyayari yung matagal nya ng hinihintay.

Ang mag-propose na sa kanya ang boyfriend nyang si Jeff.

Nag-start ang relationship nila since 2nd Year College pa lang sila. They both studied at the same University. Jeff courted her for two months, before she answered It. And now, Jeff is working at a Real State Company as an agent while she is working as a Nurse in a well-known Hospital.

In her five-year relationship with Jeff, She can't say that she is happy and contented. Because Jeff is often linked to other women so their relationship is on and off.

3 times na silang nag-break pero muli paring nagkakabalikan dahil ang rason nya, sayang ang pinagsamahan nila kahit pa nga sinusulsulan na sya ng bestfriend nyang si Jenica na wag ng balikan ang lalaki dahil pinagloloko lang naman sya nito.

Pero dahil matigas ang ulo nya at pasaway ang puso nya, hindi nya na lang pinapansin ang sinasabi ng kanyang kaibigan at ng ibang tao.

But now their relationship is fine. And she was sure that he really loved her.

And this is it! Ito na siguro yung matagal nya ng pinakahihintay....

Magpo-propose na siguro sa kanya ngayong gabi si Jeff.

"How do I look?" Nakangiting tanong nya kay Jenica.

But Jenica just only rolled her eyes.

"Sige na... How do I look?" Ulit na tanong nya parin dito. Bakas ang paglalambing at pagka-excite sa kanyang tinig.

"Beshie, I know you know that we both know, that you're beautiful kahit hindi ka mag-ayos ng bongga!" Sagot na nito sa kanya.

Napangiti sya sa sagot nito.

"You mean... maganda talaga ako?" Nakangiting tanong nya dito.

"Naman! Nagmana ka kaya sa 'kin!" Nagmamalaking sagot naman nito sa pabirong tono.

Natawa sya.

She glanced at herself again in front of the mirror. Halter black dress na above the knee lang ang sukat ng kanyang suot. Backless din ang design ng damit kaya litaw ang makinis at maputi nyang kutis. Sexy ang pagkakagawa niyon kaya litaw ang magandang kurba ng kanyang katawan. Binagayan nya iyon ng high heeled black sandals. Manipis at simple lang ang make-up nya, Hindi naman kasi sya sanay mag-make-up ng makapal. Naaasiwa kasi sya.

"Susunduin ka ba nang kumag na yun? Anong oras na wala pa sya!" Narinig nyang reklamong tanong ni Jenica.

"Dun na lang daw kami magkita sa resto na sinabi nya. Nagpa-reserved na raw sya ng table doon." Sagot nya naman.

"What?!" Bulalas nito na ikinabaling nya ng tingin dito.

"Anong klaseng date yan. Ni hindi ka man lang susunduin ng ka-date mo?" Reklamong sabi pa nito.

Nginitian nya na lang ito para hindi na humaba pa ang usapan. Ayaw nyang ma-badtrip sya dahil special ang gabing ito para sa kanya.

"Sige na, bye. See you later!" Paalam nya na dito saka hinalikan ito sa pisngi.

"Ingat ka, ha." Paalala naman nitong sabi sa kanya.

Lumabas na sya ng silid na inuupahan nila ni Jenica.

Billionaire Man's Affection Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon