Chapter 17

8.8K 248 8
                                    

Sinadya ni Ezikiel si Alyza sa tinitirhan nitong condo unit. Kasama nya sa pagsugod ang mga kaibigan nyang sina Lancer, Mikael at Raver.

Kinalampag nya ng katok ang pintuan nito dahil sa tindi ng galit para dito.
"Ezi!" Nakangiting bulalas ni Alyza ng mapagbuksan sya nito ng pinto. Bakas sa mukha nito ang tuwa.

Sarkastiko syang ngumiti. "You look so happy, huh?" Tanong nya.

"Of course, Im happy." Sagot nito. "Nagpunta ka ba dito para sabihin kung nakapag-decide ka na?" Tanong nito sa kanya na hindi pinansin sina Mikael, Lancer at Raver kaya wala itong kaalam-alam na may kasama silang mga pulis na tahimik lamang at nakikiramdam habang nakatayo sa gilid ng pinto.

"Oo nakapag-decide na ako." Sagot nya naman.

"Talaga?" Hindi makapaniwalang bulalas agad nito.

"Oo. Nakapag-decide na ako na idemanda ka sa ginawa mong pangingidnap sa asawa ko. At sa pagpaplano mong patayin sya." Sagot nya naman dito.

Nawala ang ngiti sa labi nito at kumunot ang noo. "What are you talking about?" Nagtataka nitong tanong sa kanya.

Sarkastiko syang ngumiti. "Wag ka ng magmaang-maangan pa, Alyza. Kumanta na kahapon ang kasabwat mong si Jeff. Masyado kasi syang sintunado, kaya yun, pinagpapahinga muna sa presinto!" Makaloko nyang sagot dito.

"Hindi ko alam ang mga pinagsasabi mo!" Tanggi nito sa mga sinabi nya.

"Oh, really? Well, come with us in the prisinct and explain your side." Sagot nya.

"No!" Sigaw nito. "Wala akong dapat na i-explain dahil wala akong ginagawang masama!"

"Miss Perez, may dala kaming warrant of arrest para sayo. Kaya kung sa ayaw at sa gusto mo ay sasama ka sa amin sa presinto." Giit ni Mikael while showing her a paper.

"Nakapagsampa narin ng kaso si Mr. Fourier again'st you. You have a right to get a lawyer so, see you in court, Miss Perez." Giit na saad naman ni Lancer dito. 

"And Ezikiel also decided to kick you out of this unit." Giit na sabi naman ni Raver sa babae.

"What?! No!" Tutol naman ni Alyza.

"And why I would'nt do that? I bought this unit from my friends. So, I have the right to decide if I kick you out of here or not." Sagot nya naman dito.

Nilapitan sya nito at nagmamakaawang kumapit sa kanyang braso. "No. Please Ezikiel, dont do this to me. I beg you please dont do this to me." Mangiyak-ngiyak nitong pakiusap sa kanya.

Umiling sya at inalis ang mga kamay nitong mahigpit na nakakapit sa kanyang braso.

"I already told you before na umalis ka na at wag na wag ka ng magpapakita pa. Pero hindi ka nakinig at gumawa ka pa talaga ng ikakagalit ko." Sabi nya rito. "Nagmamatigas ka na nga, binigyan mo pa talaga ako ng dahilan para kamuhian ka. Kaya ngayon, Im sorry. Mabulok ka sa bilangguan!" Sabi nya at pinakadiinan pa ang huling sinabi. 

Binalingan nya ng tingin si Mikael. Naintindihan naman nito ang ibig nyang sabihin kaya sinensayasan nito ang mga kasama nitong pulis. Pinosasan naman ng mga ito si Alyza.

Billionaire Man's Affection Series 1Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora