Chapter 6

9.3K 307 9
                                    

"Pasalubong ko para sa inyo!" Masayang wika ni Louisse kina Jenica at Shiela sabay abot dito ng mga pasalubong. Isang mamahaling eyeshadows na may twelve colors ang binili nila para kay Shiela dahil sanay naman itong mag-make up.

"Thank you, Louisse!" Natutuwang pasalamat ni Shiela sa kanya. "Iingatan ko dahil original 'to." Sabi nito at hinalikan pa ang bagong biling eyeshadow.

"Itago mo na lang wag mo na lang gamitin!" Sabad naman ni Jenica dito na ikinatawa naman nila ni Shiela.

Isang mamahaling pabango naman ang para kay Jenica.

"Wow! Thanks beshie!" Natutuwang pasalamat naman nito sa kanya. "Alam na alam mo talaga ang favorite perfume ko." Actually favorite brand naman talaga ni Jenica ang perfume na pinili nya. Hindi lang nito kayang bilhin ang original na brand dahil nga hindi kaya ng sweldo nila. At masaya syang napasaya nya ito.

"Naku, kung alam nyo lang kung gaano nakakahiya kay Ezikiel. Pero sya ang mapilit. Kung ako lang ang masusunod. Ayoko sanang bumili." Sabi nya sa mga ito.

"Ok lang yan, jowa mo naman yung tao. Saka kung talagang mahal ka nun, ibibigay nun lahat ng gusto mo." Sagot naman ni Shiela sa kanila.

Nagkatinginan naman sila ni Jenica. Tapos ay sabay silang itinuon ang tingin dito. Kasalukuyang breaktime naman nila ng mga oras na iyon ng umaga at nasa canteen sila kaya may oras silang makapag-chismisan.

"Paano mo ba malalaman na mahal ka ng isang lalaki?" Nanunubok na tanong ni Jenica dito.

"Maraming signs." Sagot naman nito.

"At anu-ano namang signs yun, aber?" Tanong nya naman dito.

"Una, Tanggap ka nya kahit ano o sino ka pa. Pangalawa, kapag nagselos. Selos na may halong pagka-possessive. Kapag napapansin mo yun sa kanya, Ibig sabihin nun may gusto sya sayo o di kaya mahal ka nya. Pangatlo, Hindi sya nagagalit kahit na ano pang pagkakamali ang magawa mo. Paulit-ulit ka nyang uunawain. Pang-apat, Lagi syang may time sayo. Yung tipong sisingit sya ng oras kahit gaano pa sya ka-busy, makasama ka lang at mapasaya ka lang nya. At Pang-lima, Ipapakilala ka nya sa parents o relatives at kahit sa mga kaibigan nya."

Lahat ng iyon ay tinandaan nya. Na ewan nya ba kung bakit gusto nyang subukan. At gusto nya ri namang malaman kung gagawin ba iyon lahat para sa kanya ni Ezikiel.

"Mukhang alam na alam mo ang mga bagay na yan. Nasubukan mo na ba?" Di kumbinsidong tanong naman ni Jenica kay Shiela.

"Hindi pa. Pero isipin nyo na lang. Magagawa ba ng isang lalaki ang mga bagay na yun kung seryoso sya? Ang hihirap kaya ng mga yun. Kung seryoso sya, oo siguro magagawa nya yun. Pero kung lokohan lang, talagang hindi nya magagawa yun." Sagot naman ni Shiela.

Sabagay may punto ito. Hindi nya pa naranasan ang lahat ng yun noong sila pa ni Jeff. Pero kay Ezikiel, kahit kaibigan nito ay umaakto itong ipinagdadamot sya. Pero di parin sya nakakasiguro sa bagay na iyon. Mga kaibigan nya ang mga iyon at mukhang normal na sa mga ito ang nag-aasaran. Naranasan nyang mapahiya noon at iwan sa loob ng mall nang mag-away sila noon ni Jeff dahil naisingit nya noon sa usapan nila ang tungkol sa isang babae na nakita nyang kahalikan nito. Sa kaso naman nila ni Ezikiel ay wala pa naman syang nagagawang pagkakamali dito. Yung pangatlong sign na sinasabi ni Shiela. Baliktad sa sitwasyon nila ni Jeff. Sya ang nag-e effort para mapasaya ito. Pero hindi pa pala sapat iyon dahil may ibang bagay pala itong gusto na makakapagpasaya dito. At dahil hindi nya kayang ibigay kaya sa iba ito naghanap. Sa kanila naman ni Ezikiel ay gumagawa ito ng mga bagay na nakakapagpasaya sa kanya. Tulad nalang ng paglalaan nito ng oras para sa kanya. Sa ikaapat na sign. Wala syang maisasagot doon. Sa ikalimang sign naman ay wala rin syang maisasagot. Dahil parehong hindi nya pa nami-meet ang mga kamag-anak nina Jeff at Ezikiel. Kahit nga ang mga magulang ng mga ito ay hindi nya pa nakikilala. Pero wala na syang pakialam kay Jeff. Matagal nya na itong nakalimutan simula ng makipag-break sya dito ay hindi na sila pa kailanman nagkita. Pero kay Ezikiel ay umaasa sya na sana ay magkaroon ng magandang resulta ang kanilang pagsasama. Gusto nyang maging parte ng buhay nito. Gusto nyang sya ang maging dahilan ng kaligayahan nito. At gusto nya ring makilala ang mga magulang nito.

Billionaire Man's Affection Series 1Место, где живут истории. Откройте их для себя