Chapter 44

256 4 2
                                    

Chapter 44: Happy Birthday, Luke!

Kakatapos ko lang ng pangalawang novel na matagal nang nakaimbak sa kwarto ko. I was about to open the 3rd novel when my mom opened the door.

"Di ka ba bababa?" She asked. "Di ka kumain ng breakfast"

Ngayon ko lang naramdaman yung gutom nung tinanong niya ako. Nagkulong talaga ako sa kwarto ko dahil hanggang ngayon, di ko maalis sa isip ko yung moment na yun. Gosh!

Halos di na ako mapakali sa after nun. Isang linggo na din ang nakakaraan pero ang sariwa pa rin sa utak ko yung mga nangyari.

"Bababa na po ako in a minute" I said. "Mag-ayos lang ako"

"May problema ka ba?" My mom asked. "Nagkukulong ka kasi madalas sa kwarto mo"

"Wala po" I said. "I'm just catching up sa mga di ko nagawa before. Daming ginawa sa school"

I think she'll buy it. She smiled. "You're right. Masyadong toxic ang college. Tama lang na i-enjoy mo ang bakasyon" I smiled and sumama na sa kanyang bumaba.

Everyone is ready nang kumain. Nag-uusap sa hapag si daddy and Sammy at ganun din si Angela at Manang Helen.

"My Princess" my dad said.

Di ko alam kung anong ibig sabihin nun. Medyo kinakabahan ako baka tanungin ako kung bakit di ako nag-almusal.

"Y-yes dad?" I stuttered.

He just looked at me and didn't talk for a few seconds. And then, umiling siya. "Nothing" he said. Umayos siya ng upo. "Let's eat" and he motioned me to sit.

Di ko na inusisa pa at kumain na kame.

After kong kumain, agad akong bumalik sa kwarto ko. Wala ako sa mood na tumambay sa baba. Di rin matutuwa sa akin si Sammy kung makikisali pa ako sa paglalaro ng playstation niya. So Mabuti pang isubsob ko ang sarili ko sa pagbabasa ng libro.

Una kong nakita ko sa kwarto ko is yung cellphone ko. Ang tagal ko ding hindi nahawakan yun. Actually, kinakabahan ako sa mga messages and missed calls na nandun. Natatakot ako na baka kay Paul yun galing. I still can’t believe na may eksena na ganun kagabi. Gosh! Naalala ko na naman.

Kainis!

I sighed. Di ko talaga matiis e!  I finally grabbed my phone and nahiga na ako. Gosh! Ang dami ko nang text messages and missed calls. Isa-isa akong binasa yung mga texts and napatayo ako sa first five messages ko. Oh gosh! Birthday pala ni Luke ngayon. Muntikan ko nang makalimutan. I dialled his number and called him.

"Happy birthday!" bungad ko sa kanya pagkasagot ng tawag ko.

"Salamat!" he replied. "Mamaya a. Sa bahay!"

"Oo naman" I said. "Kita kits laters!" I ended the call.

Tumayo ako at naghanap ng masusuot. Maaga akong aalis dahil wala pa akong regalo kay Luke.

Una kong hinanap si Angela para samahan niya ako pero...

"Maagang umalis, iha" sabi ni Manang Helen. "Tutulong daw siya handaan nila Luke"

"Ah okay" sabi ko. Nagpaalam ako kay mommy and daddy na aalis ako at pupunta sa birthday party ni Luke.

"Basta wag masyadong magpapagabi", my daddy said. "Pahatid ka na lang dito"

"Opo daddy" sabay alis. Sana nga may maghatid sa akin after ng party.

Nasa byahe ako at nag-iisip kung ano ang ireregalo ko kay Luke. Di ko alam kung ako lang pero nahihirapan ako magregalo kahit close ko pa yung taong bibigyan ko nun. Sa sobrang close niyo na, feeling mo nabigay mo na yung mga gusto niya kaya nauubusan ka na ng options sa huli.

The Princess' RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon