Chapter 24

419 6 0
                                    

Chapter 24: Okay. Not Okay. Then Okay

“May masakit ba sa’yo?” tanong ng isang babae na volunteer dito sa orphanage. Dinala niya ako sa isang kwarto na feeling ko is classroom nila. Maraming mga upuan na may arm rest. Kaliwang part ng room is may brown na book shelf na tatlong baitang. Katabi nun ay isang malaking aprador na kulay brown din. May mga nakapaskil sa aparador pero di ko mabasa dahil sa layo nun. Sa likod, nakadikit ang mga letra from A to Z sa green na papel. Sa kanan, nandun yung iba’t ibang chart – numbers, letter, shapes at iba pa. At sa harap ay may malaking blackboard.

I smiled. “Wala naman po akong nararamdamang masakit” I said.

She smiled. Tantya ko na matanda na si Ate dahil sa mga puting buhok niya. Unti-unti na ring lumalabas yung mga wrinkles niya sa mukha. “Yung lalaki lang pala yung galos sa inyong dalawa” she said.

Napatingin ako kay Apollo na kasalukuyang ginagamot ng isang volunteer din ng orphanage. May galos siya bandang ng kanang kamay niya at nilalagyan yun ni ateng volunteer. Tahimik lang siya habang nilalagyan ng gamot.

Nag-iba na si Apollo. Di lang ang pisikal niyang hitsura, kundi ugali. After nung incident, never ko siyang ngumiti. Duh?! Nadisgrasya na nga, ngingiti pa?! Baliw din ako e no?! He keeps on looking sa sugat niya habang ginagamot yun.

“Kahit isang glance lang” I murmured. Yung lang hinihiling ko. Kahit isang lingon lang galing sa kanya at kakausapin ko siya.

Nang natapos lagyan ng benda, umalis na siya. Pero di niya ako nilingon. Nagbuntung hininga lang ako at tumayo na rin. Well, baka di na talaga kame pwedeng mag-usap or something.

Nadatnan ko na lang si Missy labas kasama ang boyfriend niya na nakaakbay sa kanya.

“Okay ka lang?” she asked. I heard na naaksidente ka daw a.

I smiled. “Ayos lang naman ako at walang galos” I said.

Humarap si Missy sa boyfriend niya. “Tulong ka muna dun. Kelangan daw nila ng muscle mo sa pagbubuhat” she said.

Kumunot noo ng boyfriend niya. “Talaga? Parang walang – “ he said

“Nakalimutan ko lang sabihin” Missy cut her off. “Sige na at may gagawin pa kame ni Chelsea”

He sighed. “Okay” sabay alis. After nun, hinawakan ni Missy ang braso at dinala ako sa sa dulo ng orphanage na walang tao.

“Bakit may paghatak?” I asked. Buti na lang at di masakit yung grip kundi naku!

“Nandito pala si Napenas” she said. “Okay ka lang ba?”

Kumunot noo ko. Paano niya nalaman?

“Sorry kung medyo chismosa ako or something pero narinig kasi ng boyfriend ko sa mga kateam niya about dun” Mas kumunot noo ko. Ano yung sinasabi nito? “Sorry! Nakalimutan kong sabihin na member ng basketball club si boyfie”

Dun na lang naliwanagan ang utak ko. Baka napag-usapan nila Luke or ni Paul about dun tapos narinig ng boyfriend ni Missy.

“Kamusta ka naman?” she asked. “Ayos ka lang ba?”

I know na hindi tungkol sa aksidente yung tinatanong niya. At di ko rin alam kung sasagot ako sa kanya or hindi. Di ko kasi alam kung sincere siya sa tanong or may gusto lang makuha tong si Missy. Naiinis kasi ako sa kaartehan nito sa room. Mean girl na mean girl ang peg niya. Tapos di mo siya makikitang nag-aaral or nag-rereview kapag may quiz. Lagi ang phone niya ang hawak niya at tantya ko na boyfriend niya ang kausap niya. Ang sweet nila masyado kapag sila lang. Kulang na lang is mag-book ng room sa motel kung maglambingan.

The Princess' RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon