Chapter 10

593 10 2
                                    

Always be yours


Nararamdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa kaba. Di ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko at kung bakit siya ang nasa isip ko na may dala ng teddy bear na to. Siya lang naman ang alam ko na ganito ka-sweet. Kahit pilit kong inaalis sa isip ko ang taong yun, bumabalik pa rin siya. Why is he still haunting me? I decided nang mag-move on!

I'm afraid that my tear would betray me. Ayokong umiyak. Ayokong umiyak lalong lalo na sa harap ng pamilya ko na hanggang ngayon, blangko pa rin ang mga hitsura nila. Di kasi nila alam ang tunay na nangyari. Ang alam nila, mutual decision ang paghihiwalay namen. Kelangan naming mag-focus sa studies namen kaya namen yun nagawa.

I looked at them, still, wala pa rin silang binibigay na hint sa akin kung sino ang nasa likod ng teddy bear na to at kung tama ang hinala ko. Mas tumatagal, mas kinakabahan ako sa maaaring maging sagot nun. Paano kung siya yun? Matutuwa ba ako? Magagalit? Di ko alam.

"Sorry" a man said. Natauhan ako nang makilala ko ang boses na yun. Di ako nagkakamali. Siya yun! Unti-unti niyang pinapakita ang mukha niya sa akin. Di nga ako nagkamali siya nga! Nawala ang lahat ng iniisip ko. Naramdaman ko rin ang pagluwag ng pakiramdam ko. I guess, di pa to ang right para magkita ule kame.

Halos hinalughog ko na ang buong campus para makita siya, dito ko lang pala sa bahay makikita ang mokong na to. Kung kelan napagod ka na kakahanap sa kanya, tsaka dun siya magpapakita.

"I'm really sorry" he said it again. Ramdam ko yung hiya niya sa sinabi niya. Naramdaman ko rin ang sincerity sa mga binitawan niyang salita. "Peace offering?" then inabot niya yung teddy bear sa akin.

Tinignan ko lang siya. Nung una, nakipagtitigan pa siya sa akin pero nung tinamaan siya ng hiya, yumuko lang siya. Kahit na nahihirapan siya sa ginagawa niya, I find him cute. He is like a puppy begging for food.

I sighed at kinuha ko yung teddy bear. "Oo na, Paul. You're forgiven!", I smiled. Well, wala naman din akong magagawa. Gusto ko pa naman siyang pahirapan pero sa mukhang binibigay niya, sino ba naman ang di lalambot sa gwapong nagmamakaawa ng forgiveness di ba?! Babae lang ako. Marupok din pagdating sa gwapo!

He smiled. Mas malapad sa normal niyang ngiti. "Talaga?" he said. "Di ka na galit sa akin?"

Napakamot ako ng batok dahil kakulitan niya. Paulit-ulit?! "Oo na nga e!" I said. "Gusto mo bang bawiin ko?"

"No!" agad niyang sabi. "Thank you!"

I rolled my eyes and binalik sa kanya yung teddy para hawakan niya. Masyadong malaki yung teddy bear at nahihirapan akong buhatin yun. Suddenly, nag-pop up sa akin yung sinabi ni Luke sa akin. "Paul?"

"Bakit?" he said.

"Pwede ba kapag inaaway mo ko, wag mong idamay yung basketball team niyo?" sabay pamewang ko. "Ako yung kinukulit ni Luke e!"

He laughed. "Ah yun ba?!" he said and I nodded. "Pasensya na dun a. Di naman kasi ako makapag-focus sa practice e. Kaya mas minabuti ko na lang na umabsent muna sa mga practice games namen"

"Last mo na yan a!" I said. "Yari ka sa akin kapag inulit mo yun!"

Sumaludo siya sa akin. "Yes boss!" he smiled. Nahawa na rin ako at napangiti na rin ako.

"Anak!" tawag ni daddy. Napatalon ang puso ko sa kaba. Di ko kasi namalayan na nandyan pala siya at nakatingin sa amin. Agad naman akong lumapit sa kanila at nagmano.

"Magandang gabi po, daddy at mommy" I said. "Pati sa inyo, Manang Helen, Angela at Sammy". Lumingon ako at nasa likod ko na pala si Paul and he is smiling. "Si Paul po pala. Schoolmate ko po"

The Princess' RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon