Chapter 17

446 14 0
                                    

I'm so Dead!

Mga katok ang nagbalik sa akin ng ulirat at bigla akong kumawala sa yakap ni Migo. Mukha siyang nagulat sa ginawa ko pero bigla siyang ngumiti. Agad akong nakaramdam ng hiya at biglang nakayuko.

Habang nakayuko, napatingin ako kay Lia na halatang masaya sa ginawa namen. Di kaya masaya yun!

Di ko makita ang reaksyon ni Migo dahil iniiwasan kong makakita ng ibang reactions bukod kay Lia na wala namang kamuwang-muwang sa ganung bagay.

"Kuya Ferdie!" Migo said. Napatingala ako at nakita ko na lang na binubuhat na ng lalaki si Lia. Matangkad yung lalaki. Maputi. Singkit ang mga mata at matangos ang ilong. Mapula ang labi. Nakasuot lang siya ng white polo short and a khaki shirt. Lumapit sa kanya si Migo at nakiapag-hand gesture siya.

Bigla siyang tumingin sa akin and napayuko agad. Gosh talaga! Nakakahiya yung ginawa namen.

"Di mo ba ako ipapakilala sa girlfriend mo?", he asked.

"Kuya naman!" Migo said. "Classmate ko lang siya. Chelsea, halika dito"

Kahit nahihiya ako, lumapit pa rin ako. Parang gusto ko nang lamunin ako ng buo ng lupa para makatakas sa kahihiyan na to! My gosh talaga!

"Kuya Ferds, si Chelsea – classmate ko" Migo introduced. "Chelsea, si Kuya Ferds – asawa ni ate"

Napatingin ako sa kanya. Ah okay! Siya pala ang asawa ni Ate Ellie. In fairness, bagay sila. Gwapo din e

Nilahad niya ang kamay niya for a shakehand. "Nice meeting you, Chelsea" he smiled and inabot ko naman at nakipag-shake hands na din ako. "And wag ka nang mahiya pa. Wala akong nakita"

Mas lalo akong namula ako sa kahihiyan nung sinabi niyang yun. Agad naman akong yumuko sa sinabi niya. Obviously, may nakita siya.

"Kuya naman" Migo said. "Tinatakot mo naman yung classmates ko e"

"Classmates lang ba?!" he teased Migo. "Kung makayakap ka, wagas!"

And he's telling me na wala siyang nakita.

"Naglalaro lang kame nila Lia, Kuya" MIgo explained. "Try asking Lia about that"

Tiningnan niya yung anak niya to confirm and isang ngiti lang ang binigay ng bata. Kamukha ng tatay si Lia lalo na kapag ngumingiti.

"Nandito ka na pala" Ate Ellie said. Lumapit si Kuya Ferdie and hinalikan si Ate Ellie sa pisngi.

"Nakaready na ba yung mga gamit?" KUya Ferds asked. "Hinihintay na tayo nila Mama at Papa"

"Oo naman!" Ate Ellie smiled.

"Lets go?" Kuya asked.

Tumango si Ate Ellie at tumingin sa amin ni Migo. "Migo"

"Po?"

"Magluto ka na lang kung nagugutom kayo dyan. Uuwi din kame bago maggabi"

"Opo ate", Migo smiled.

"At wag kang gagawa ng kalokohan Miguel Suarez!" banta ni ate. "Bata pa kayong dalawa!"

Gosh! Bakit ganito sila mag-usap! May bata kaya sa tabi nila.

"Ate naman!" sabay kamot ni Migo sa batok niya. "Pinapahiya mo naman ako kay Chelsea. Tsaka behave naman ako. Wag ka ngang ano dyan!"

"Sinisigurado ko lang naman" she said. Si Kuya Ferdie naman, patagong ngumingisi sa amin. Wala na ba akong ipupula pa sa kahihiyain ko dito? Gosh naman!

Umalis na sila Ate Ellie at bumalik naman kame sa ginagawa namen pero bago pa man sila nakalabas, lumapit sa amin si Lia at nakatingin lang sa kanya yung parents niya.

The Princess' RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon