Chapter 21

399 8 0
                                    

14

Pinapunta kame ng class president namen sa covered court dahil may ia-announce daw ang student council president.

“Anong pag-uusapan?” tanong ko kay Louie.

She shrugged. “Di ko alam e”. And there’s only way to find out.

Ang daming tao sa loob ng covered court. Parang di naman first year to lahat. Or parang di naman to lahat ay sa college of Education. Kung ganun man, sana nandito si Angel. Namimiss ko na yung girl na yun. Matapos ang first semester naging regular na ule siya kaya ang lahat subjects niya is sa college na niya kinuha.

Umupo na kame sa unahan. Gusto sana namen sa taas ng bleachers pero naunahan na kame. Infairness, ang daming tao at mukhang mahalaga yung sasabihin nila. Ilang minuto ang nakalipas, dumating na yung student council president. Nagpakilala siya at binati kame ng magandang umaga.

Nerdy-nerdy ang peg ni kuya. Naka-polo and pants na medyo loose sa kanya. O baka dahil payat si Kuya. Nakasalamin siya to complete the package. At feeling ko, bading siya dahil sa pilantik ng kamay. Gosh! Masyado na akong judgemental.

“Magkakaroon tayo ng outreach program sa mga piling bahay-ampunan na malapit sa Metro Manila” sabi ng president ng student council ng college namen. “Layunin ng outreach program na maipadama sa mga bata ang saya ng pasko. Maraming activities ang gagawin naten sa program at lahat ng iyon ay gaganapin next week”

Disyembre na nga pala at ang bilis ng araw. Natuon ko siguro ang sarili ko sa pag-aaral dahil sa dami ng pinapagawa. Malapit na ang Christmas break at naghahabol ang lahat sa mga requirements and projects. Bakit naman kasi sa December pa nila binibigay yung mga yun? Nagdaan yung ibang buwan pero puro lecture lang ginagawa. Wala ngang assignments e and konti lang ang mga pinapagawang quizzes.

“Ibibigay ko na lang ang mga activities na pwedeng gawin” he continued. “And as you can see, kasama naten ang mga second year sa program na to.” Nagkaroon ng konting commotion sa covered court. Maging ako rin naman nagulat dahil kasama pala namen yung mga second year. Kaya pala ang dami. Akala ko lang is mga first year lang to ng ibang college. Bigla kame pinatahimik ng malaking lalaki. “And wait! There’s more!” Natahimik ang lahat. “Magkakaroon ng pagsa-shuffle ng members. Bawat group, may 35 members excluding ang leader and assistant leader” Nagkaroon din ng commotion. Iba natuwa tapos yung iba, medyo nagrereklamo. “Gagawin naten yung bunutan ng groups ngayon bago kayo lumabas. We have 25 orphanages so we need 25 groups din”

“Asan si Migo?” Louie asked. Oo nga no! Nasaan ang kumag!?

“Bakit mo hinahanap?” I smirked. Malakas kasi pakiramdam ko na may gustong tong mahiyain na friend ko na to kay Migo. Well, nahalata naman kasi namula siya bigla at nagkaroon ng panic sa boses niya.

“W-wala lang” she said. Panic na panic! Obvious na te! “N-natanong ko lang. Madalas kasi kayo magkasama recently”

Kumunot noo ko. “Di naman masyado, friend” I said. “Wag kang magselos. Friends lang kame nun”

Bigla na naman siya nagpanic. “D-di ako nagseselos”. I laughed. Ang cute niya talaga.

Natapos na ang announcement at pinapila na kame. Medyo nasa unahan kame di naging mahirap sa amin ang pagpila.

“Bakit kelangan hiwa-hiwalay pa?” Louie asked. “Mas maganda yung by section e”

“Ano ka ba?!” I said. “Sabi nung president na it’s a great chance para makilala naten yung ibang section at yung mga second year”. Though, I find it weird. Akala ko yung school ko nung high school lang ang weird – remember the sectioning sytem – Dito rin pala. Tumango lang si Louie at alam ko kung bakit siya di sang-ayon sa idea ni president. Mahiyain kasi tong bata na to. Di masyado nakikipag usap sa mga di pa niya kilala. “Wag ka nang malungkot dyan” sabay akbay sa kanya. “Malay mo magkasama tayo sa isang group or may makakasama sa section naten. There is a big possibility na may makakasama ka since 25 groups lang ang kelangan”

The Princess' RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon