Volume 2 CH 25 :Beyond The Boundary

Start from the beginning
                                    

'Hindi ka ba natatakot na tumingin sa mga mata ko?'

'Hindi naman totoo yun diba?' sagot ko at nakita ko syang tumango tango.
'Kung ganon bakit ako matatakot? E hindi naman pala totoo at alam ko naman na hindi mo ko sasaktan'

Pagkatapos kong gamutin sya ay agad agad nyang kinuha yung maskara nya at sinuot ito sa isip ko baka hindi talaga sya sanay kaya hindi na ko tumutol.

'Hindi ibig sabihin na may nakakatakot kang kapangyarihan dapat ka ng katakutan. Hindi ibig sabihin nun isa ka ng Halimaw' wika ko at muling sumulpot sa isip ko si Crow. Parang kagaya lang kasi sya ni Ashton. Parehas silang nagiisa sa isang madilim na mundo.

Walang tumatanggap, walang gustong lapitan sila. Dahil maski sarili nila kinatatakutan nila. At nakakalungkot isipin na hindi nila nararanasan ang totoong ganda ng buhay dahil sa mga kapangyarihan nila na hindi naman nila hiningi.

Tinatrato silang Halimaw kahit hindi naman nila deserve. Kaya gusto ko Silang iligtas sa paraang kaya ko at alam ko. Oo mukhang impossible pero gusto kong subukan.

'At nararamdaman ko na isa kang mabuting tao. Kaya gusto sana kitang naging kaibigan'

'Tyanga pala ako pala si Raven at gusto kong maging kaibigan ka Ashton. Pede ba?' pagpapakilala ko sa sarili ko at nakita ko naman na tinitigan nya lang yung nakalahad kong kamay. Kaya ngumiti ako dito at kinuha yung kamay nya at nakipagkamay dito.

'G-Gusto mo kong m-maging kaibigan?' nauutal na tanong nito kaya tumango tango ako.

'Bakit?' mahinang tanong nito.

'Ewan ko rin. Kaelangan ba may dahilan ka para maging kaibigan ang isang tao? Para sakin kahit wala. Dahil karapatan ng taong magkaroon ng kaibigan kahit sino pa sya' sagot ko.

Tumahimik sya ng ilang segundo bago muling nagsalita. 'Pede b-ba?'

'Oo naman bakit naman hindi. Iniligtas mo naman ako' sagot ko. At nagulat ako ng bigla syang tumayo at may kinuha ata dun sa baul nya.

Pagkalapit nito sakin ay nagtaka ako ng inaabutan nya ko ng isang bola. Wala akong ideya ngunit mukhang sign ata ito na magkaibigan na kami kaya tinanggap ko ito agad.

Ngunit isang ingay ang kumuha ng atensyon namin na nanggaling sa bintana ng silid nya at nakita ko roon ang familyar na bulto ng lalaki. Ngunit may kasama ito na hindi ko inaasahan.

Hindi ako nakaimik ng bigla itong kumaripas ng takbo nung nagtagpo yung mga mata namin at agad akong hinitak papalapit sa kanya at dahil dun na bitawan ko yung bolang bigay sakin ni Ashton. Ngunit may pumigil sa kanya sa paghitak sakin at naramdaman kong hinawakan ako nito sa aking balikat ko at sa kamay ko na hawak rin ni Zack.

'Ibigay mo sakin si Flat' madiin na sabi ni Zack at nakita kong parang nagsusukatan sila ng tingin kahit nakamaskara si Ashton.

Ngunit nakita kong umiling iling si Ashton at humigpit ang kapit nilang dalawa sakin na bahagyang masakit na.
Ngunit nagulat kaming lahat ng bigla akong hablutin ni Silver na kasama ni Zack na ikinagulat ko pero mas nagulat ako ng may taling nagduduktong sa kamay nilang dalawa.

'She's mine' sambit ni Silver kaya napatingin ako sa kanya.

Hawak hawak nito ang magkabilang balikat ko kaya nakalingon ako sa kanya habang nakatingala ngunit sabay naman na hibalot ni Ashton at Zack yun magkabila kong braso kaya nagsalitsalitan ang tingin ko sa kanila na seryosong nakatingin sa isa't isa na pawang handang sumugod.

'Bitaw' matigas na anas ni Zack na halatang seryoso at galit na.

Ngunit hindi ako binitawan ng dalawa at nakita kong umiling iling si Ashton at sinabayan ang matalim na tingin sa kanya ni Zack.

'Ikaw ang bumitaw Zack' napatingin naman ulit ako kay Silver ng nagsalita muli ito.

Gusto kong magsalita ngunit mukhang umurong ata ang dila ko dahil sa sobrang nakakatakot yung mga aura na pumapalibot sa kanilang tatlo.

At hindi ko rin maintindihan ang mga mangyayari. Bakit nila ko pinagaagawan at pano nalaman Nina silver at zack na nandito ako. Pumunta ba sila dito para iligtas ako?

XXX

Legal wife ni Kim taehyung V

I'm trying na mas bilisan ang UD ko guys. No to kdrama at anime muna ako para mabigyan ko ng oras ang mga pending stories ko ngunit mukhang hindi ko maipapangako na araw araw na may UD or dalawang UD in a week kasi hirap din kasi akong magisip ng isusulat ko. Gustohin ko man magsulat ngunit ang problema hindi ko alam ang isusulat ko kaya sana maintindihan nyo.

Pero naiincourage at naiinspire ako mag sulat pagnabababasa ko yung mga comments ang reactions nyo. Masaya akong may nakaka appreciate ng gawa ko kahit papaano. Kaya demanding man pakingan pero sana kung magcocoment kayo wag naman yung author UD ulit please etc. Kung pede icomment nyo nalang yung mga reactions nyo about sa Ud. Sorry kung demanding ako masyado 🙏Yun lang thank you so much guys godbless at ciao.

(Enigma Trilogy) Linford AcademyWhere stories live. Discover now