Pinandilatan nya ko ng mata, ramdam nya sigurong aapila ako. Hmp!

Inakbayan ni max si crystal na walang imik, nataranta naman ang isa at mabilis kumawala sa akbay ni max. "Grabe kung makapalag ah, di naman ako mabaho cryst. Eh" maktol ni max.

Natawa naman si cloud

"S-sorry nagulat lang ako.." crystal

Tumawa ulit ng malakas itong katabi ko kaya nakakuha sya ng matalim na tingin mula kay cryst.

"Ohhh ang tahimik mo kasi eh" max.

dahil siguro sa nangyari kanina. Alam nya talaga kung ano ang kayang gawin ni cloud kaya grabe din ang pagpigil nya kanina.

"Sorry, medyo gutom lang"

Dalawa kami ni max napahinto sa paglalakad at namewang sa harap nila.

"Bakit kayo nagutom? Hindi ba kayo kumain kaninang break nyo?" Ako

Umiling yung dalawa at bagsak ang balikat na naupo sa bench

"Ang dami namin ginagawa wala na kming oras kumain kanina, ngayon naman na nagkaron kami ng time nakita naman namin kayong kasama yung irene kaya di nanaman kami nakakain. 30mins. Break lang ang meron kami, di na nga nakababa si jillian and chito nagpabili lang sila samin. Kaso ito nga wala kami nabili" mangiyak ngiyak na eksplanasyon ni cloud. Napakagat ako sa labi, gustong gusto ko syang halikan ngayon pero hindi pwede!

"Oh god! Malapit na matapos break nyo! Bumalik na kayo sa room nyo kami nalang bibili ng pagkain nyo ihahatid nalang namin dun" nag aalalang sabi ni max

Agad na nagliwanag ang mukha nila, kasoo... "pwede ba kayo kumain sa room? Baka pagalitan kayo ng prof nyo"

"Mabait prof. Namin pwede kumain sa loob" crystal

Hinawakan ko sa braso si cloud, "punta na kayo sa room nyo kami na bahala ni max" and i mouthed "i love you"

Nginitian nya naman ako ng pagkatamis tamis.

Tumayo na sila at nag simulang maglakad paalis.

Di ko maiwasan na hindi titigan ang likod ng baby ko, ang perfect! Ang sarap ihug from behind..

"What are you waiting for? Hurry the fuck up!" Banas na sabi ni max bago ako layasan

"Oo ito na! Sungit mo ah!"

-

-

-

*CLOUD's POV*


"Hoy babae! Anong binulong mo kay haliparot?" Nakasimangot na tanobg ni cryst.

Gusto kong mapasimangot, lumilitaw sa isip ko pagmumukha ng babaeng yun.

Nalaman ko lang naman na magkasabwat ang shin at irene sa pagpapadala ng kung ano anong nakakadiring nilalang sa condo ko. Kung hindi ba naman mga baboy!

Haaayyy, ba't naman kasi mga takas sa mental naging ex ni grey! Mukhang ako lang matino tsk!

"Wala"

Pero ang totoo? Binulong ko lang naman na puro ipis loob ng sasakyan nya.

Kung ano ang ginawa nila sakin, ganun din ang balik sakanila. Lumalaban ako ng patas

Napasulyap ako kay cryst. Na kunsumido sakin, malapit na kami sa room.

"sige hindi kita papakelaman pagdating sa mga ex ni grey, may sarili kang pag iisip alam mo naman siguro kung hanggang san ka lang dapat. Dahil aminin man natin o sa hindi, kapag nawalan ka ng pasensya sigurado paglalamayan sila"

Sasagot na sana ako ng biglang bumalandra sakin ang mukha ni jillian, "wala akong pakelam sa pinag uusapan nyo, nasan na pagkain ko?"

Gusto kong matawa sa itsura nya, mukha syang sabog na hindi malaman. May ballpen pa sa gilid ng tenga nya.

"Hayyyy ano ba yan jillian?! Tignan mo nga itsura mo! Para kang inabanduna ng magulang" cryst.

"Hoy! Ikaw nga mukhang kulang sa aruga eh, nasan na ba kasi? Nagugutom na ko" reklamo ni jillian.

Hinawi sya ni cryst. Patabi at nagdiretso papasok ng room at naupo. Sinundan naman sya ni jillian

"Wala nga! Ihahatid nalang daw nila ate max" cryst.

Biglang tumawa ng malakas si jillian, kaya hakot atensyon sya.

"Kaya naman pala mga walang bitbit—" di na natuloy ni chito ang sasabihin ng batuhin sya ng notebook ni cryst.

"Sige ituloy mo, di ka makakakopya sakin sa stats. Loko"

Natatawang nagtaas ng kamay si chito bago ako binalingan.

"Kasama din ba ni ate max si grey?" Tanong nya.

Napangiti ako sabay tango.

Bigla sya napasipol, "iba talaga pag ano no? Pangalan palang napapangiti na hahaha" pang aalaska nya.

Di ko alam kung anong mararamdaman ko ng biglang sumagi sa isipan ko ang nangyari samin kagabi,

Kyaaaaahhh! Omg! Nahihiya pa din ako sa nangyari, kung ilang beses ko ba naman tinawag pangalan nya. Argh! Shet!

-

-

-

-

-

"Ayoko na mag aral, nakakagago na. Hindi na ata nagfafunction ng matino utak ko" sabi ni jillian, uwian na namin at sabay sabay kaming magtotropa na naglalakad sa hallway papuntang parking lot

"Kelan ka ba tumino?" Rob.

"Hindi naman yan matino" chito

"Normal mo yan jillian wag kang ano" cryst.

Napatakip ako sa bibig pinipigilan ang tawa. Mga hayup! Ayan nanaman sila. Pinagtutulungan nanaman si bessy hahaha!

"Ahhh mga letse! Pinagtutulungan nyo ko ah, bessy oh!"

Sabay sabay kami nagtawanan.

"Oh? Mukhang nagkakasiyahan kayo ah"

Sabay sabay kami napalingon sa nagsalita.



"KUYA KEVIN?!"

Miss  I DONT CARE WHO YOU ARE(girlxgirl)Where stories live. Discover now