Medyo luminaw nga yata kahit papaano ang isip at disposisyon niya matapos ang nangyari. Kasi naisip niya na hindi niya aayawan ang alok nito. Taliwas sa palaging sinasabi  ng tita Jackie niya, hindi na siya super tanga. Alam niya ang waging offer. Ito na yun. Okay lang din sa kanya kahit isipin na bayad yun sa panghahalik at panghihipo ni Jordan sa halos buong katawan niya. Mabuti na lang nga  hindi niya naisuko ang Bataan dahil sa huli, hindi kinaya ng sobrang kalasingan nito.

"Sorry about that..so bumalik ka na sa apartment ha? You can stay there kahit gaano katagal. Ako ng bahala. Pwede ka na ding mag-enrol sa malapit na college dun. Activated pa din ang credit card na binigay ko sayo. Panggastos mo.."

"Okay na yung pag-aaralin mo ako at papatirahin ng libre sa apartment ni mam Gie. Ako na ang bahala sa iba pang gastos ko. Pwede naman akong magtrabaho." sabi niya  dito.

Hindi naman siya talaga sanay na umaasa sa iba pero hindi ang inoofer sa kanya ni Jho ang tatanggihan niya. Nangiti siya ng maisip na totoong nababawasan na nga talaga ang pagiging slow niya. Utang na loob pa yata niya lahat yun kay Jordan.

"Ikaw ang bahala pero basta may kailangan ka, you can always tell me. So kelan ka babalik sa unit ni Gie? Nasa akin ang susi."

Kinagat niya ang labi habang nag-isip sandali. 

"Sa isang linggo na. " sagot niya at pumayag naman ito.

***

"Pauwi na din ako nito tapos dederetso na ako sa inyo." sabi niya kay Rhomz sa cp matapos mapunasan ang isa sa  lamesa.

"Sige. O baka kalimutan mo ang gamit mo ha? Dito ka matutulog." 

"Nakahanda na po. Nasa backpack ko. Natuwa pa nga si Bebang kasi solo niya ang kwarto." natatawang sabi niya.

"Mary!" 

"Ay Rhomz sige mamaya na  lang." paalam niya sa kaibigan bago lumingon sa pinanggalingan ng boses.

"Mark! Kailan ka pa dumating?" tuwang bati niya sa kababata niya. Nagtatrabaho ito sa Pangasinan kaya isa o dalawang beses kada buwan lang ito nakakauwi.

"Ngayon lang. Dito ako dumiretso. Alam mo naman na ang pansit niyo dito ang pinaglilihian ni   Nina. Lagot ako kapag hindi ko napasalubungan yun." malapad ang ngiting sabi nito.

 "Oo nga pala. Halika meron pa naman yata. Kunin ko lang ang order mo tapos aalis na din ako." sabi niya dito.

"Sabay na tayo." 

"Hindi na. Pupunta ako kina Rhomz. Birthday ng nanay niya."

 " O di sasama ako. Gate crasher na lang. " biro nito .

Natawa din siya dahil alam nila pareho na walang kaso kay Rhomz na kaibigan nila pareho ang biglaang pagsulpot nito sa party.

"Oo na. Pero mauuna na ako sayo kasi bibili pa ako ng regalo. Tsaka baka mag alboroto na naman si Nina kapag hindi  mo agad nauwi ang pansit . Magkita na lang tayo dun." 

"Ayaw mo talaga na samahan na kita? Pwede namang isaglit ko lang sa bahay tas alis na din ako." 

"Hindi na. Pahinga ka muna kahit sandali. " may tipid na ngiti na sabi niya kay Mark.

"Sige na nga. Pero ako ang maghahatid sayo pauwi." 

"Matutulog ako dun eh." 

Natawa siya ng magkamot ng ulo ito at umiling-iling pa.

"Malas naman!" sabi nito pero nakangiti din kaya labas ang dimples." Di bale, magdamag na lang tayong magkwentuhan.Dun na  din ako mag-aalmusal!" biro nito na ikinatawa na nilang dalawa.

My Clueless Enchantress (Read for free in Hinovel)Where stories live. Discover now