048

69.6K 1.5K 175
                                    

Sorry ngayon lang yung update. Nawalan ng internet kahapon eh. Poor kid ang author nyo, pasensya na. Hahahaha. Anyway, enjoy reading! :)

Chapter 48 Day 1

Jewille's POV

Finally, nandito na din kami sa Subic! Ang tagal ng byahe. Naka-ilang beses na nga akong nakatulog eh. Pinababa na kami sa bus at nakita naman namin ang ganda ng resort nila Cj. Labas palang, maganda na. Ano pa kaya sa loob, diba?

Pumasok na kami at napamangha naman kami dahil sa ganda sa loob. Sabi ko na eh, maganda lalo sa loob. May malaki syang swimming pool at sa kabilang side naman ay ang dagat. Oo, malapit ang resort nila sa dagat.

Pumasok na kami at nag group na ng mga kasama sa room. Bahala na daw kami kung sino ang mga kasama namin basta daw apat sa iisang room. Kaya ayun, magkakasama kami nila Cass, Nicole at Aly.

Nag puntahan na kami sa kanya-kanya naming mga kwarto. Bumaba nalang daw kami mamayang ala singko ng hapon dahil may gagawin kami. Pagkapasok namin sa kwarto namin, nakita namin yung dalawang king size bed.

"Tabi kayo ni Nicole, Jewille. Parehas kayong malikot matulog kaya bagay kayong magkatabi." Sabi ni Aly.

"Ay, ang sama ah!" Sabi ni Nicole.

"Bakit? Hindi ba totoo?" Tanong ni Aly.

"Ewan ko sa'yo, Aly!" Sabi ni Nicole. Natawa naman si Aly.

"Para kayong mga bata." Sabi ni Cass na may pag iling pa.

"Nag salita ang hindi." Sabay-sabay naming sabi nila Nicole at Aly.

"Ang sama nyo talaga sa'kin!" Sabi naman ni Cass.

"Truth hurts, Cass." Natatawang sabi ko.

Pagkatapos naming mag asaran, inayos na namin ang mga gamit namin.

"Tulog na tayo. Inaantok pa ako." Sabi ko.

"Antukin ka lang talaga." Sabi ni Nicole.

"Ewan ko sainyo! Basta ako, matutulog muna ako." Sabi ko at humiga na sa kama. Humiga din naman sila. Pumikit na ako dahil gusto ko ng matulog.

"Jewille," Tawag sa'kin ni Aly.

"Bakit?" Tanong ko.

"Nasabi mo na ba?" Tanong naman nya.

"Ang alin?" Tanong ko naman sakaniya.

"Yung tungkol sa scholarship mo." Sabi ni Aly kaya napadilat ako at tumingin sa kisame.

"Kila mom at dad pati kila Jessica, nasabi ko na. Pero kay William. . .hindi pa." Sagot ko.

"Bakit hindi mo pa sinasabi?" Nagulat ako dahil nag tanong din si Nicole. Gising pa nga pala sya.

"Hindi. . .hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin sakan'ya." Sabi ko.

"Alam mo, sabihin mo na hangga't maaga pa." Sabi ni Nicole.

"Tama kasi kung hindi mo pa sasabihin yan sakan'ya, for sure, magagalit yun." Sabi naman ni Cass.

I Secretly Married The Campus Heartthrob [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon