"Sounds good, Cj. Okay ba sainyo na doon tayo sa resort nila Cj?" Tanong ni ma'am. Nag agree naman sila basta daw libre pag kain.

"Sure, libre na lahat." Sabi ni Cj.

"That's great! So, may outing place na tayo ang kulang nalang ay yung sasakyan nating bus." Sabi ni ma'am.

"Ay, ma'am! Ako po! Yung tito ko po, may ari sya ng mga bus kaya pwede po siguro tayo doon." Sabi ng isa kong classmate.

"Okay, good. Isang bus lang ang kailangan natin. Kasya naman tayo sa iisang bus kasi 40 lang naman kayo." Sabi ni ma'am.

"Ma'am, kailan po ba?" Tanong ng isa ko pang classmate.

"This friday until the next monday. Wala naman tayong pasok nun kaya pwede tayong mag outing." Sabi ni ma'am. Nagsipag sigawan naman sila. Excited na sila, halata naman. Hahaha. Excited na din ako!

Thursday

Bukas pa ang outing namin pero excited na ang lahat para doon. Nakapag paalam na kami at nag agree naman sila mom. Sayang nga't hindi kasama si Kathrine pati sila Serys, Dens, Steven, Walds at Stephen. Nasa section b kasi sila eh. Pati din pala si Ian, hindi kasama. Hindi daw kasi kasama si Kathrine kaya hindi na daw sya sasama. Mao-op lang daw sya dahil puro kami love birds. Parang sira lang, eh. Haha.

"Bili tayo ng baon natin mamaya!" Sabi ni Cass.

"Bata lang?" Pabiro kong tanong at tumawa ng konti.

"Malay mo naman kasi diba, magutom tayo!" Sabi nya.

"Oo na, sorry na. Sige na, mamaya bibili tayo." Sabi ko.

At ayun na nga, nandito kami sa grocery at bumibili ng pag kain na ibabaon namin sa outing. Ang dami nilang binili kaya kaunti lang yung binili ko. Manghihingi nalang ako. Hahaha!

Umuwi na kami pagkatapos naming mamili. Nandito ako sa kwarto ko ngayon at nagaayos na ng gamit na dadalhin ko para bukas. Habang nag aayos ako, may kumatok naman.

"Pasok!" Sigaw ko at narinig ko ang pag bukas ng pintuan ng kwarto ko.

"Help me to pack my things up, Jewille." Sabi ni William.

"Hindi ka ba marunong? Ang laki-laki mo na!" Sabi ko.

"Marunong ako pero nakakatamad. Gusto ko nalang matulog." Sabi naman nya.

"Aish! Oo na, wait lang." Sabi ko at inayos na ulit yung mga gamit ko. Nang maayos ko na, hinila ko na si William patungo sa kwarto nya. Binuksan ko naman ang closet nya. Bakit almost black ang kulay hg damit neto? Ay oo nga pala, favorite nya ang color black.

"Ano bang dadalhin mo?" Tanong ko sakan'ya na kasalukuyang nakahiga sa kama nya at nakapikit.

"Kahit ano nalang dyan. Basta may damit akong madami." Sabi nya. Hindi manlang nag abalang tignan ako. Hay, nako. Kinuha ko yung bag nya at inayo na yung mga gamit nya. After ng ilang minutes, maayos na yung gamit nya. Nilagay ko naman 'to sa tabi ng kama nya.

"Ano pang ipapagawa mo?" Tanong ko sakan'ya.

"Wala na. Thank you, Jewille." Sabi nya. Tumayo naman sya sa pagkakahiga nya kahit na mukhang inaantok na talaga sya at niyakap nya ako.

"Matulog ka na. I love you." Sabi nya at hinalikan ako sa noo ko.

"Sige, matutulog na ako. Ikaw din, maaga pa alis natin bukas. Goodnight, i love you too." Sabi ko. Lumabas na ako ng kwarto nya at pumasok na ulit sa kwarto ko. Pinatay ko na yung ilaw at humiga na sa kama ko.

Excited na talaga ako! Sana naman maganda ang mangyari sa outing namin na 'to.

~~~X

Short update, i know. Hahaha. Babawi ako sa next chapter, promise! :) 4 more chapters to go! Bukas ulit yung update. Sinusulit ko na ngayon dahil wala naman akong ginagawa. Hahaha.

Date posted: December 25, 2015

~ImKpopperInspirit

I Secretly Married The Campus Heartthrob [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon