SWOTMB I: 57

2.1K 59 8
                                    

TRINA's

Umagang-umaga nangbubulabog na naman ang Riel na ito. Nahuli ko lang naman ang lalaking ito na naka-upo sa gilid ng kama ko.

"Why the hell are you here?" Asik ko bago bumangon. Tumungo ako sa banyo at inayos ang sarili ko. Paglabas ko ay naroon pa rin siya sa kama. "Daiquiri!"

"Mama just sent me here." Parang balewala lang sa kanya na inuutus-utusan siya ni Mom.

"At ano naman ang gagawin mo rito?" Naasar na tanong ko habang nakapa-mewang pa. Nagkibit-balikat lamang siya saka tumayo papalapit sa study table ko kung saan maraming nakakalat na papel doon.

Hinayaan ko na lang siya manggulo roon. Bumalik na ako sa banyo para maligo. Paglabas ko ay naroon pa rin siya at may tinitignang isang papel. Lumapit ako sa kanya para makita ko rin ang tinitignan niya.

"Naomi Adlerstein? Nakikialam ka sa pamilyang ito?" May galit niyang sabi at tinignan ako ng masama.

"Tsk! Of course not! Nakita ko lang yan sa bahay ni Denver noong napunta ako doon." Inagaw ko sa kanya ang hawak niyang papel.

Mga impormasyon iyon tungkol kay Naomi Adlerstein. Parang sa normal na tao lang naman ang nakasaad dito. Shy school girl at kasali sa choire noong college. Then namatay siya noong kasagsagan ng pag-assassinate sa mga Adlerstein. Poor girl!

I crumpled the paper and throw it to the trash bin. When I looked back to Riel ay nakita kong hawak na niya ang folder na laman ang mga nakukuha kobg impormasyon tungkol sa nangyari kay Gringo.

"Bakit mo pa ito pina-iimbistigahan, Katrina? Aksidente ang nangyari."

"Hindi ako naniniwalang aksidente ang nangyari." Asik ko. Tinungo ko na ang pinto at lalabas na sana ako nang,

"Anong gagawin mo kapag napatunayan mong hindi siya naaksidente?" Seryoso siya. Nakipagtitigan siya sa akin at nako-conscious ako sa way ng pagkakatitig niya sa akin.

May decision naman na talaga ako kaya pilit kong tinatapos ang pag-iimbistiga ko sa nangyari kay Gringo. "B-ba-balikan k-kita." Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Nang hindi ko na matagalan ay tuluyan na akong lumabas sa kwarto ko.

Hindi ko namalayang sumunod siya sa akin. Nang lingunin ko siya ay may pilit siyang ngiti sa mga labi. Hawak pa rin niya ang folder.

"I'll wait for you outside. We'll talk about this." At ipinakita niya sa akin ang hawak. Napilitan naman akobg tumango sa kanya.

GLENN VAN's

'Reika, Love.'

Pinipilit kong hindi maiyak habang nakatunghay sa salaming dingding dito sa ICU. Nasasaktan ako sa nakikita kong kalagayan ng asawa ko ngayon. Maraming aparato ang nakakonekta sa kanyang katawan. Ang putla-putla niya.

"I'm so sorry, Love. I am so sorry! But please, fight! Don't leave me." Paulit-ulit kong binubulong at umaasang marinig iyon ng mahal ko.

"K-kuya!" Tawag sa akin ni Lei ngunit nanatili lang ako roon. Ayaw kong mawalay sa paningin ko si Reika.

"D-dito lang ako. Ayaw ko siyang iwan. Hindi ko siya iiwan! Dito lang ako. L-love! Love! Reika! Wake up, baby!"

SWOTMB I: Stranger Wife of The Mafia Boss ®©Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon