SWOTMB I: 56

2.1K 47 3
                                    




HELENA's

"Nagising na kaninang umaga si Kuya, but they sedated him. Nagwala kasi siya nang malaman niya ang nangyari sa kanyang mag-ina. Sinisisi niya ang sarili niya."

Tumango lang ako sa pahayag ni Je tungkol sa kalagayan ngayon ng kuya niya.

"Kilala mo ba ang gumawa nito sa kanila?" I asked him instead na kahit alam na alam ko kung sino ang salarin.

"Iisa lang naman ang malakas ang loob ngayon na kalabanin kami. Ang Mellors at Saitos!" Puno ng galit na turan niya.

I held his hand. "Ako na ang bahala sa kanila," I assured him.

Pero tanging pag-iling lang ang isinagot niya sa akin. "Hindi mo kailangang maki-alam, babe."

"Pero laban din namin ito para kay Ate Nami!" Nais ko sanang isagot sa kanya ngunit hindi pwede. Hindi nila maaaring malaman.

Tumango ako sa kanya, labag man sa kalooban ko. "Kung kakailanganin mo ng tulong, just call me." Sabi ko bago siya iniwan sa kwarto ng kuya niya.

Puno ng pagtatakang tinignan ako ng dalawang tauhan ng mga Graeme nang makalabas ako. Hindi ko na sila pinansin at nag-umpisa nang maglakad. Sa tatlong hakbang...

"B-babe..." mahinang tawag ni Je. Nilingon ko siya at malungkot siyang nakatingin sa akin habang hawak ang pinto. "D-don't l-leave." Mahinang sabi niya.

Binigyan ko siya ng tipid na ngiti. "Come" pinalapit ko siya sa akin na agad naman niyang ginawa. Nang makalapit siya ay agad ko siyang niyakap. "I won't leave, Je. I am just here," makahulugang turan ko.

Naiintindihan ko ang nararamdaman niya ngayon. Mag-isa lang siya at wala ang pamilya niya sa kanyang tabi, wala siyang makakapitan. I feel sorry for him.

Sa ilang buwan naming pagpoprotekta sa pamilya at mafia ng mga Graeme, marami kaming nalaman at natutunan.

Marami akong nalaman! Marami akong natutunan.

Isa na doon ang mga kagagawan ni Mr. Felipe Graeme. Na siyang isa sa dahilan kung bakit nasangkot muli sa mafia ang pamilya namin, ang Adlerstein.

Kahit alam niyang Adlerstein ang nabili niya sa auction ay mas pinanaig niya ang kaniyang pagka- curious.

Nang nabili niya si Ate ay agad niya itong pina-imbistigahan, at doon niya nalaman kung saang pamilya ito nabibilang. Sinamantala niya ang sitwasyon at ang kahinaan ng Prinsesa namin para malaman niya ang kaugnayan ng pamilya namin sa pamilya niya.

That's so lame reason. Kaya hindi siya hinayaan ng First at Second Generation sa kagustuhan niya. Ginamit namin ang magulong sitwasyon para mas guluhin ang isipan ni Mr. Felipe. Nagawa ng First Generation na mailayo sa nais si Mr. Felipe sa pamamagitan ng pagdakip sa asawa nito.

Lahat planado. Ngunit naiba ang plano nang mapasakamay ng isa pang Graeme si Ate Trea at magbuntis si Ate Nami. Sa mga oras na iyon ay wala na kaming nagawa para ituloy ang plano, binago lahat at nag-umpisa muli sa panibagong plano.

Aayusin at papatatagin namin ang Mafia Graeme na labag sa kanilang kaalaman. Dahil sila ay naging parte na ng pamilya namin simula magbuntis ang Prinsesa. Ngunit hindi namin pwedeng hayagang gawin iyon dahil sa kasunduan ni Master at ng dating Master ng Graeme na si Mr. Vancencio Graeme. Kahit na ito'y nilabag ni Mr. Felipe ay nananatili kaming sumusunod rito.

SWOTMB I: Stranger Wife of The Mafia Boss ®©Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon