"Maupo ka na doon ipaghahanda kita." - Zandy.

Iginiya ko sya paupo sa may upuan sa dining area.

"iho kamusta na ang pakiramdam mo?"- Mama

Tinignan nya naman ako pagkatapos tinignan nya si mama pero hindi sya nagsalita kaya ako na ang sumagot kay mama.

"Maayos na daw po sya ma. Mahiyain lang talaga si Llander. " - Zandy.

"Wag kang mahiya iho." Nakangiting sabi ni mama at tinapik sya sa balikat at napatingin sya doon.

" Anding ipaghanda mo nalang sya at ako'y aalis muna, mamimili lang ako ng paninda. " - Mama.

"Sige po ma." - Zandy.

Tinignan naman nya si Llander.

"Kumain ka lang ha wag kang mahihiya ng mabawi mo yung lakas mo." - Mama.

Tinignan lang nya si mama at hindi muling sumagot pagkatapos nagpaalam na nga si mama ng tuluyan, pupunta kasi sya ng grocery.

IKinuha ko naman sya ng sopas na kakaluto lang ni mama at inihain ko sakanya.

"Kumain ka na. "- Zandy.

Tinignan nya ako tapos yung pagkain pagkatapos hinawakan nya na yung kutsara at nagsimula kumain.

Noong una malumay lang syang kumain pero kalaunan bigla na itong naging mabilis sa pagsubo at Mukha ngang gutom na gutom sya. Pinagmamasdan lang namin sya ni krystal habang kumakain.

"Hindi ba sya kumain ng isang linggo?" bulong ni krystal.

"Wag kang maingay hayaan mo lang sya kumain." Bulong ko din sakanya.

Nang maubos na nya ang isang mangkok ay dahan dahan syang tumingin saakin na bumubukol ang bibig saka nya inabot saakin ng dahan dahan ang mangkok. Nagets ko naman na gusto nya pa kaya kinuha ko yun at muling nilagyan ng sopas at ibinigay sakanya.

Naupo ako sa may tabi nya at tumabi din saakin si krystal saka ko sya pinagmasdan muli habang kumakain.

Napansin ko naman na wala pala syang tubig.

"Sige kumain ka lang ikukuha lang kita ng tubig." Tumayo ako ngunit bigla nyang hinawakan ang kamay ko napatigil ako.

"Saglit!" Saad nya at ayan nanaman ang tingin nya na nakakatakot.

"Bakit mo ako tinutulungan?!" - Llander.

Ngumiti ako sakanya bago sumagot.

"Kasi kailangan mo ng tulong at alam ko hindi ka sanay mamuhay sa ganitong lugar na walang tagasilbi sayo."- Zandy.

"Kilala mo ako?" - Llander.

Dug dug dug dug (heartbeat)

Natigilan ako dahil sa tanong nya at pinakinggan ko na lamang ang tibok ng puso ko.

"Oo. Kilalang kilala kita." - Zandy



LLANDER'S POV

"Oo. Kilalang kilala kita." - Zandy

Napatitig ako sakanya dahil sa sinabi nya at ganoon din sya saakin. Inaantay ko yung kadugtong ng sasabihin nya at para akong naexcite na kinabahan na hindi ko malaman kung bakit.

"Sino naman ang hindi makakakilala sayo, isa kang anak ng bilyonaryo. Eh ikaw bat ka nandito sa San Nicolas?" - Zandy.

Natigilan ako sa sagot nya at para akong nadisappoint kaya binitawan ko na ang kamay nya.

"Sino ang nagsabing magtanong ka?!"- Llander.

"Eh nagtanong ka rin naman ah." - Zandy.

Sinamaan ko sya ng tingin pagkatapos binalingan ko na ulit yung kinakain ko.

THE BILLIONARE SON  ( COMPLETED )Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang