"Pinagnanasaan mo naman yung tao eh." Saway ko sakanya.

"Sino naman ang hindi magnanasa sa adonis na yan. Ikaw ba hindi ka naattract sakanya?" - Krystal.

Tinaasan ko naman sya ng kilay.

"Ewan ko sayo. Kung ano ano iniisip mo, halika na nga! Lumabas na tayo."- Zandy

"Ang ingay!" - Llander.

Nanlaki ang mata ko ng magsalita sya.

"Hala! Gising na ang hari!" - Krystal.

Minulat ni Llander ang mata nya at tumingin saamin ng masama. Mukhang masama yata ang gising nya ang ingay kasi nitong si krystal eh. Ayan tuloy nagising na ang hari.

"Anong ginagawa nyo dito?! Saka bat ako nandito?!" -Llander.

"Masungit nga." Bulong saakin ni krystal na nagtago na sa likuran ko.

"Nasa kwarto kita, nawalan ka kasi ng malay kanina habang ginagamot ka. Kamusta na ang pakiramdam mo?"- Zandy.

Bumangon naman ito sa kinahihigaan nya at naupo pagkatapos nagpalipat lipat ang tingin nya saamin ni krystal.

"Hi. Ako si Krystal." Pagpapakilala ni krystal sa sarili nya sabay abot ng kamay nya dito for shakehands ngunit tignan lang nito ang kamay ni krystal na nakabukas.

"Tss! Wala akong pake!" - Masungit nyang sabi sabay irap.

Umasim naman yung mukha ni krystal saka binawi nya nalang yung kamay nya.

"Ang sungit mo naman. Nakikipagkilala lang, galit ka ba sa mundo o hindi ka love ng mama mo kaya ka masungit?"- krystal.

"Krystal!"- Saway ko dito dahil biglang nag iba ang awra ni Llander mukhang galit na.

"Ah pasensya ka na, mapagbiro lang talaga tong kaibigan ko. Halika na tumayo ka na jan at kumain ka na muna. Kanina ka pa hindi kumakain." - pag iiba ko na ng topic.

Unti unti naman kumalma ang itsura mula kanina na parang uusok nanaman ang ilong at mukha nya sa galit.

" Hindi ako nagugutom!" - Llander.

Tumayo sya ng kama pero pag tayo nya dinig ko yung tunog ng tyan nya kaya napatigil sya. Ngumiti ako ng bahagya at tumingin naman sya saakin.

"Ayan ba ang hindi gutom? Sumunod ka na saakin at wag ka ng umarte." - Zandy.

Pagkasabi ko non ay tinalikuran ko na sya at naglakad palabas ng kwarto saka sumunod naman saakin si krystal.

"Ang sungit pala talaga nya." - bulong saakin ni krystal habang pababa kami ng hagdan.

"Hayaan mo na hindi lang kasi yan sanay mamuhay dito. "- Zandy

"Eh bakit sya nandito?" - Krystal.

Nagkibit balikat naman ako. "Hindi ko din alam."

Nag uusap kami habang pababa ng hagdan sympre mahina lang baka marinig nya kami.

Pagkababa namin ng hagdan ay nilingon ko sya na masama nanaman ang tingin saakin at nakasimangot.

"Doon tayo." Turo ko sa dining area at naglakad na muli.

"Oh anak andyan na pala kayo. " - Mama.

"Hi tita!" - krystal.

"Oh krystal balita ko andyan na ang papa mo." -mama

"Opo. Kararating nya lang kanina." -Krystal.

Nilapitan ko naman si Llander habang nag uusap si mama at krystal. Nga pala yung papa ni krystal ay seaman yun kaya every 6 months lang sila nagkikita kasi ayon yung baba nya sa barko.

THE BILLIONARE SON  ( COMPLETED )Where stories live. Discover now