"No! Dito lang ako. Ano bang kalukohan to love? Una pumayag ka sa gusto nya ngayon naman inuutusan mo ko na don mag stay kasama sya!" tumataas na ang tono ng pananalita ni Deanna

"Hindi ako papayag dito lang ako sa tabi nyo ni Baby Uriel!" pag mamatigas ni Deanna.

"Ano ba Deanna? Ano gusto mo? Mamili ka, kami ng anak mo ang aalis dito o ikaw?" Banta ni Jema sa babae.

Kita naman nito ang gulat at pait sa mukha ni Deanna. Naka kuyom na ang magkabilang kamay nito. Ramdam ni Jema ang galit at tampo ni Deanna sa mga oras na iyon. Ngunit hindi na nya ito pupuwede pang bawiin. Mas mabuti na rin yon para makapag isip sya ng maayos. Ilang sandali pa nakita ni Jema na tumayo ito. Bago ito tuluyang lumabas ay nag salita ito.

"okay, fine kung ito gusto mo" at tuluyan na itong lumabas ng kwartong iyon.

Sa mga oras na iyon ay tuluyan ng tumulo ang kanina pa pinipigilang luha ni Jema. Halo halong emosyon na ang nararamdaman nya. Takot at pangamba. Takot na sa pangalawang pag kakataon ay baka mawala ulit si Deanna sakanya kapag malaman nitong si Sophia pa rin ang mahal nito at hindi talaga sya, Pangangamba sa kung anong gawin ng magulang nila once na malaman ito. Hindi sya takot sa kung ano man ang gawin sakanya ngunit si Deanna alam nya na may mawawala dito kung sakali man. Pero nasa setwasyon na sila. Haharapin na lang nya ito.

Buong araw lang si Jema na nasa kwarto kasama si Baby Uriel. Hindi ito nananghalian. Wala itong gana kumain. Tinawag sya ni Nanay Helen para kumain ngunit tinanggihan nya ito. Hinayaan naman sya ng matanda alam din kasi nito ang bigat na nararamdaman nya sa mga oras na iyon.

Buong araw hindi nagpakita si Deanna sakanya. Lumabas si Jema kanina para pilitin nitong kumain ngunit bahagya lang na  kumain wala talaga itong gana. Wala paring Deanna na nagpakita sakanya. Hindi sya mapakali inaantok na sya ngunit parang ayaw pang pumikit ng kanyang mga mata. Maging si Baby Uriel ay aligaga kanina pa. Hinahanap ata si Mama Deanna nito. Mayat maya din ang pag aaburido nito, umiiyak kung minsan. Kahit halata na ang antok dito ay hindi pa rin magawang matulog ng bata. Hindi ito mapakali kung hindi pa na kukompleto ang tao sa loob ng kwarto.

"Baby sleep na tayo, antok na si Mommy" pakiusap nito sa bata. Ngunit ang bata ay panay lang ang galaw. Kasalukuyan silang nakahiga sa kama.

"tara na karga na kita" at kinuha na nito ang bata para buhatin. Ngunit matagal na nitong sinasayaw  ay wala pa ring epekto dito.

"Love, love sleep na please, pagod na si mommy" pakiusap ni Jema habang hinihele nito ang bata.

Nagulat naman sya ng bumukas ang pinto at iniluha niyon ang babaeng kanina pa nya iniisip.

"Hindi pa natutulog si Little Angel?" tanong nito. Ngunit hindi nya sinagot ang babae.

"akin na ako na mag papatulog, baka pagod kana" rinig nyang sabi ulit nito. Hindi na sya tumanggi ibinigay nya dito ang bata. Baka nga sya din kasi ang hinahanap nito kaya hindi pa makatulog.

"Little angel tulog kana, pagod na si Mommy, oh" rinig ni Jema na pakiusap nito sa bata. karga ni Deanna pahiga iyon. Habang kinakausap ng babae  ay parang naiintindihan naman sya ng bata at sumasagot sakanya.

Hindi nga nagtagal ay napatulog na ni Deanna ang bata. Ito talaga ang hinahanap nito kaya hindi nya mapatulog. Inilapag na nito iyon sa kama. Nahiga na rin si Jema inaantok na rin kasi talaga sya. Ewan ba nya parang biglang naging panatag ang pakiramdam nya ng pumasok si Deanna sa kwarto nila. Ngunit kailangan na suwayin ang sarili. Dapat na syang masanay, sila ni Baby Uriel na hindi ito kasama.

Ngunit itong si Deanna ay nanatili lang na nakatayo habang nakatingin sakanila.

"you can go, balik kana sa inyo" pag tataboy nya dito.

Sanctuary HeartWo Geschichten leben. Entdecke jetzt