Lolo Joaquin has done everything to give us the best life one could ever have kahit nawalan na kami ng magulang. Wala akong maipipintas sa kanya. He dedicated his life for us and all I can do is love him back with all I got and be good in this life base from the values that he instilled to me and to my sisters.

"Lolo naman. Don't talk like that." Palis ko sa aking luha.

He lightly laughed and patted my shoulder then walked to where his golf ball is. Mababa talaga ang luha ko pagdating sa usapang pamilya, I'm getting emotional agad-agad.

"Tell Warayne to play golf with me sometimes." Sabi niya habang papalayo.

If Lolo Joaquin ask you to play golf, it means he is liking you already. Hindi ko man alam ang napag-usapan nila ni Warayne noong binyag ni Laureene pero base from what Lolo said to me, alam kong tanggap na niya si Warayne para sa akin. Protective lang talaga siya and so is everyone around me but I won't complain because that just mean that they love me and that I am important to them.

Nakahanda na lahat ng aming gamit sa sala pagbalik namin ni Lolo galing mag-golf. Nagkaroon pa ako ng oras para makaligo at pagkatapos kumain ay nagkayayaan ng umalis.

Hindi man sabihin ni Lolo na nalulungkot siya sa aming pag-alis ay kita ko pa rin iyon sa kanyang mga mamasa-masang mga mata.

I always offer him to just stay in our condo at Westwinds lalo na at ako nalang naman ang matitira roon pero ayaw niya talagang iwan ang Hacienda. I know how he loves this place and I also love to stay here kung hindi ko lang talaga kailangan na bumalik sa Maynila para magtrabaho.

Hindi ko naman din kasi pwede na iasa lahat kay Lolo ang aking kinabukasan kahit na sumasabog na ang laman ng aking account galing sa iilang investments ni Lolo na sa akin napupunta. Hindi niya kami pinalaki na ganoon at tinuruan niya kami na tumayo sa sarili naming mga paa. Na magkaroon ng pangarap at abutin iyon.

Nang mailagay na lahat ni Ruben at ilang kasambahay ang aming mga gamit sa van ay saka na ako naunang nagpaalam kay Manang Josie. Ibinilin ko rin ang nga vitamins ni Lolo at ang pagiging alerto sa telepono. Alam kong sawa na siya sa ulit-ulit namin na paalala sa kanya pero nangingiti lang at tatango si Manang Josie sa amin.

Nauna na akong sumakay sa van habang nagpapaalam pa sila Ate Hope kay Lolo. I sent a message to Ate Serene para i-update siya sa aming pagluwas pabalik ng Maynila and she told me na pabalik na rin sila galing Laguna. Kahit gusto pa namin na i-extend ang aming bakasyon ay kailangan na naming lahat na bumalik sa trabaho.

Natulog lang ako buong biyahe hanggang sa makarating ng Maynila. They just dropped me off at Westwinds at paghiga ko sa aking kama ay bigla ko ng naramdaman ang sakit ng aking katawan. My body is aching and I feel really tired. Ang bilis ng bakasyon at bukas ay balik na kaming lahat sa realidad.

Pag gising ko sa umaga ay nagkatotoo nga ang aking masamang pakiramdam kagabi. I have a fever and I am having a severe headache. Parang nabibiyak ang ulo ko sa sobrang kirot kaya kinatok ko si Ate Serene sa kanyang kuwarto na kararating lang din kagabi galing Laguna.

She grunted when I lay beside her at nakita ko na binukas niya ang kanyang isang mata para tignan ako.

Paminsan kasi ay ginagawa ko ito sa kanya whenever I ask her for some sweets na ikinaiirita niya dahil iniistorbo ko siya sa kanyang pagtulog. Nanlalambing lang ako pero this time, I need some help because I feel so weak.

She touched my forehead at agad siyang tumayo mula sa kama para magpunta ng banyo. Hindi ko na alam ang ginawa niya pagkatapos dahil napikit na ako at nakatulog muli.

Nagising nalang ako na may bimpo sa aking noo at comforter na nakapatong sa aking buong katawan. I'm still wearing my matching pajama from last night.

Timid Heart (Eligible Heiress #3)Where stories live. Discover now