"Hoo..." he exhaled.

Hindi nagtagal, binuksan na rin niya ang kaniyang mga mata. He looked like a puppy. 'Yung tuta na nagmamakaawa. Isang tuta na kulang sa aruga.

Pinilit kong hulihin ang kaniyang mga mata. Disoriented pa rin ang mga ito.

I gave him a kind smile. "It's okay. One more time... inhale... then exhale."

Nang sumunod siya'y pinuri ko siya. "Very good," I said.

Unti-unti, bumalik na sa normal ang kaniyang paghinga. He was able to focus. Nang makita niya ako, umiwas siya ng tingin. Nanginginig parin nang kaunti ang kaniyang mga kamay pero unti-unti na niya itong kinalas mula sa hawak ko.

I nodded and let go. "You were having an anxiety attack," I told him. "Buti't nakita kita."

Hindi siya nagsalita. He just sat there, shivering.

Umalis na ako sa harap niya saka naupo sa kaniyang tabi. Kinuha ko na rin ang supot ng napkin ko para itago 'to sa kaniya.

"I'm Erika," pakilala ko sabay tingin ulit sa kaniya. He looked familiar. "STA ka rin ba? I think I saw you in class. Anong pangalan mo?"

Tumingin siya sa 'kin saglit. "Kevin..."

Tumango ako. "Kevin... ano'ng tumatakbo sa isip mo ngayon?"

He paused for a minute. Parang nagdadalawang-isip siya. Hindi nagtagal, muli na niyang iniwas ang kaniyang tingin sa akin. He sighed and looked up the sky.

"Erika," tawag niya. "How do I tell my family that I'm gay?"

•••

Napatingin ako sa labas ng bintana ng taxi.

Mula nang una kaming magkakilala, naging magkaibigan na kami. Ako lang ang pinapalapit niya sa kaniya dahil nga natatakot siyang may ibang makaalam ng kaniyang sekreto. Kapag may nangtethreaten sa kaniya o sa sekretong itinatago niya, inaabot siya ng anxiety. At sa bawat anxiety attack niya, nakikita ko si Tita Nina.

See, Tita had to raise me at a young age. Pumunta si Tita Marie, na panganay nila, sa States para magtrabaho nang mamatay ang kanilang mga magulang. Tapos, nag-asawa si Mama, nabuntis sa 'kin at iniwan ni Papa. A few years later, namatay si Mama sa sakit. Walang ibang mag-aalaga sa 'kin kundi si Tita Nina, na nang mga panahong 'yun ay teenager palang.

As we were growing, Tita and I learned to be there for each other. Siya para suportahan ako financially, ako para alalayan siya emotionally.

Kaya siguro hindi ko maiwan-iwan si Kevin... kasi parang iniwan ko na rin si Tita kung ganoon.

"Kevin!" sigaw ko pagkababang pagkababa ko sa taxi. I ran to him and quickly held his hands.

Humigpit ang kapit niya sa mga kamay ko. I guided him through our breathing exercise. Hindi ako tumigil hanggang sa idilat niya ang kaniyang mga mata.

And just like the first time I saw him, disoriented, namumula at parang sa tutang inapi ang kaniyang mga mata. Agad ko siyang niyakap nang sabihin niya ang pangalan ko.

"Ikay, I was so scared..." bulong niya. Ibinaon niya ang kaniyang mukha sa 'king leeg.

"Ano'ng nangyari?"

"Kuya Lloyd and the others..." he started. Pero hindi na niya naituloy dahil nag-intensify nanaman ang kaniyang paghikbi.

Muli kong hinawakan ang kaniyang mga kamay. "Kevin, look at me."

Hinanap ako ng mga mata niya. I think his anxiety became stronger kaya bigla siyang napapikit. "Ughhhh," he groaned.

"Kevin..." I called. "Inhale, exhale."

Behind the Scenes [Edited Version]Where stories live. Discover now