Scene 19

1K 59 4
                                    

It's not a secret that Kevin and I met when we were freshmen. But the how of our meeting remained a secret. Pinagtakpan namin 'yun sa kuwento na, "The moment our eyes met, I know, he's the one."

That's not true. Never mong masasabi sa unang tingin lang na ang taong 'yun na ang "the one" mo. Kasi nang una kong makita si Kevin sa totoong kuwento, ni hindi magtama ang aming mga mata.

•••

We were first year college back then.

It was July 21, birthday niya.

During that time, nakatira pa ako sa boarding house na inupahan ni Tita Nina para sa akin. Ilang buwan palang mula nang umalis siya para sumunod kay Tita Marie sa US, at kasisimula palang ng school year. Naninibago pa ako sa lugar, lalo pa't sa probinsya ako lumaki.

Alas nuebe ng gabi, lumabas ako saglit para bumili ng sanitary napkin sa malapit na sari-sari store. Kahit papaano, sa ilang buwan, nakilala ko na rin ang tindera roon. Binati ko si Aling Nida, ang may-ari ng tindahan, at si Kuya Didong, isang tanod sa purok.

"Good evening Ma'am," bati ni Kuya sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya. "Ano ba Kuya Didong, sabi na nga pong huwag mo na akong tawaging Ma'am. Erika nalang ho."

"Hayaan mo na, Hija," singit ni Aling Nida sa usapan. "Sanay lang talaga 'yan si Didong. Oh, ito na sukli mo. Ingat sa pag-uwi ha."

"Opo. Salamat po."

Nagpaalam na ako sakanila. Pakanta-kanta kong tinahak ang daan pabalik sa boarding house namin. Nilalamba-lambayog ko pa iyong supot ng sanitary napkin habang naglalakad. Akala mo wala akong exam kinabukasan.

Bumagal ang paglakad ko nang mapansin ang isang itim na kotse sa kanto ng kalye. Mismong sa harap ng boarding house namin 'to nakaparada. Ngayon ko lang nakita ang kotseng iyon sa lugar na ito. Pero mukha namang walang tao sa loob kaya hinayaan ko na.

Akmang bubuksan ko na ang gate ng tinutuluyan ko nang may marinig akong umiiyak. Kaysa matakot, hinanap ko ang pinanggagalingan ng ingay. Nakita ko ang isang lalaking nakaupo sa likod ng kotse. Nanginginig at umiiyak siya habang nakapikit kaniyang mga mata.

Dahan-dahan ko siyang nilapitan. "Hi? Okay ka lang?" sabay tapik ko sa kamay niya. Hinuli nito ang kamay ko at hinawakan ng ubod nang higpit. Sa isang saglit, naintindihan ko na kung ano ang nagyayari. Hindi lang siya basta umiiyak. He's having an anxiety attack.

Alam kong anxiety attack iyon dahil ilang beses na akong nakakita ng ganito. I was once a student assistant of our guidance counselor in high school. May schoolmates kaming may cases ng anxiety. Karamihan sakanila, kilala, mayaman at matalino – iyong hindi mapagkakamalang problemado. But deep inside, they are hurting.

Isa pa... inaabot rin ng anxiety attacks si Tita Nina noon. I helped her through it most of the time.

"Hey..." Ibinaba ko ang supot na dala ko. Kinuha ko 'yung isa pa niyang kamay at hinawakan ito ng mahigpit. "It's okay. Breathe in, breath out."

Pinilit kong hulihin ang mga mata niya pero ipinikit niya lang ito ng mariin. Muli, pinisil ko ang kaniyang mga kamay. "Nandito ako. Please, makinig ka sa 'kin. Breathe in, breathe out."

Ilang beses kong inulit ang exercise. Hinihigpitan ko rin ang hawak sa kamay niya para i-ground siya. Kailangan niyang makabalik sa tunay na mundo. At this moment kasi, nalulunod siya sa mga problema niya. Sense of touch is the best way to bring someone back.

Maya-maya, napansin kong sumasabay na siya sa instructions ko. Napangiti ako.

"Breathe in," ulit ko. I saw him inhale. "Breath out."

Behind the Scenes [Edited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon