Scene 8

1.3K 61 3
                                    

It's really true that some things are better left unknown.

Pagkatapos ng shoot, tumambay muna kami sa office ni Tito Dan. We're supposed to leave early to dine out when an urgent matter came. Pinahintay kami ni Tito sa office niya habang inaayos nila ang problema.

Kevin made himself comfortable in the same lounge chair he sat on when we got here. Inilabas niya lang ang kaniyang phone at naglaro rito. Meanwhile, I squirmed in my seat, trying to find a comfortable position. Naiihi ako.

Thug. Nagulat ako sa malakas na pagsara ng pinto. Lumabas si Kevin nang hindi manlang nagpapaalam.

I stood up and followed him outside. Magpapasama sana ako sa CR. Pero wala na siya nang lumabas ako. Tumuloy nalang ako sa restroom sa dulo ng hallway.

Pagkatapos kong umihi, palinga-linga akong naglakad pabalik sa office ni Tito Dan. Umaasa akong makasalubong si Kevin. Saan ba kasi 'yun pumunta?

Nagulat ako nang pagdaan ko sa isang conference room ay biglang bumukas ang pinto. Lumabas si Tito Dan. Hindi niya ako nakikita dahil nakatuon ang atensyon niya sa loob, at nasa likod ako ng pinto.

He's saying something. At sa tono at pananalita niya ay mukhang pinapagalitan niya ang mga tao sa loob.

"Tell Darren na huwag siyang babakla-bakla!" sigaw ni Tito Dan. "We have deadlines approaching! Pinagbigyan ko na siya last time! I didn't pay him to be lousy!"

My heart rate doubled. Sa kaba, ginawa ko nalang ang natural na reaction sa ganitong sitwasyon: I ran.

I ran out of the scene as fast as I can. Hindi na ako makabalik sa banyo dahil doon nakaharap si Tito. Tumakbo nalang ako sa direksyon ng kaniyang opisina.

Pagbukas ko ng pinto, pareho kaming nagulat ni Kevin. "Love? Saan ka galing? May humahabol ba sa'yo?" sunod-sunod niyang tanong.

I raised my hands, palms facing him. "Wala," hinihingal kong sagot. "Okay lang ako." I sat back on my seat and caught my breath. I haven't run that fast since our last PE class a semester ago.

Pinanuod lang ako ni Kevin habang hinahabol ko ang aking paghinga.

"Ikaw? Saan ka galing?" baling ko sa kaniya ng usapan.

"Sa baba. Bumili lang ako ng Yakult." Pinakita niya sa akin ang maliit na bote ng inumin. Kung bakit bigla siyang nakaisip na bumili nito ngayon, hindi ko na alam.

Maya-maya ay dumating na rin si Tito Dan. Kasunod niya si Nathalie.

"Let's go?" Tito asked. Tiningnan ko siyang mabuti. Nakangiti na ulit siya. It's as if nothing happened outside.

Mukhang tama nga ang sabi nila. Despite Tito's jolly facade, you should still be careful not to be on his bad side. Nakakatakot siya kanina.

"Ikay?" untag ni Kevin sa akin. Napakurap ako sabay lingon sa kinatatayuan niya. "Let's go?" he asked again.

I nodded and followed quietly.

We are going to have dinner at Tito's favorite restaurant. On the way there, I kept my eyes on the road. Maya't mayang tumitingin si Kevin sa akin habang nagdadrive pero hindi ko siya pinapansin. I can't tell him about what I overheard. It will upset him.

Isa pa, hindi ko naman alam ang buong kuwento. What if mali ang pagkakaintindi ko? That one incident does not cover Tito's full view towards homosexuality.

Pagdating namin ni Kevin sa resto ay naroon na sina Tito at Nath. The place is one of those fine dining restaurants which have a band playing classical music live. The receptionist led us to our table. Hawak-kamay kaming lumapit sakanila.

Behind the Scenes [Edited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon