Scene 15

1K 65 10
                                    

Nagbabalik ang suplado kong boyfriend.

Nang marating namin ang dining area, balik na si Kevin sa pagpapanggap. Halos ako nalang ulit ang kaniyang kinakausap. Kausapin man siya ng iba ay puro tango, iling o isang salita lang ang kaniyang sagot.

But I know, deep inside, he wants to talk to Allen. Halata sa maya't mayang pagsulyap niya sa tao.

Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit patingin-tingin din si Allen sa gawi namin. May gusto rin ba siya kay Kevin?

Natigilan ako. MAY GUSTO BA SIYA KAY KEVIN? Is he... is he gay?

Napatingin ako sa kaniya. Nahuli ko nanaman siyang nakatingin sa amin. Agad siyang umiwas nang makita niyang nakatingin ako. Namula pa ang dulo ng kaniyang mga tainga.

Tumaas nalang ang isa kong kilay. Masusi ko siyang pinagmasdan.

Most of the time, I can easily sense a gay in disguise because of my experience with Kevin. Tingin palang alam ko na kung paminta ang lalaki. But with this guy, I am not sure. I could be wrong.

Pero iba talaga ang kutob ko sa kaniya. I don't like him.

"Hey Erika, gusto n'yo bang sumama sa 'min mamaya?" tanong ni Addy maya-maya.

Natigil ako sa pag-iisip. Natigil din si Kevin sa pagkain pero hindi siya sumagot.

Ako na ang nagsalita. "Bakit? Saan ba kayo pupunta?"

"You see, wala namang activity mamayang gabi since day 0 palang. So, we decided to have fun muna, just for the night. You want to join us? Malapit lang naman dito ang pupuntahan namin," nakangiti niyang aya.

Napatingin ako sa katabi ko. "Kev?"

"You're going to a bar, right?" tanong niya kay Addy.

"Yes. And it's safe, promise."

Ngumiti ako kay Addy. "Wala namang bar na safe eh. Alcohol itself is dangerous."

"Touché. But if you set your worries aside, you might find yourself having fun instead," nakangiti niyang sagot. "So?"

"I..."

"Sure," sagot ni Kevin sabay subo ng pagkain.

Napatingin kami ni Addy sa kaniya.

"Sure?" Addy repeated.

"You heard me."

Napakurap ako. "Right. Sasama kami," I confirmed.

Masayang ibinalita ni Addy sa mga kasama niya ang aming naging pasya.

Napatingin ako kay Kevin. I saw him suppress a smile.

Nang tingnan ko naman ulit ang mga kaibigan ni Addy, nagtama ang tingin namin ni Mr. Tagaytay. He started to smile but I quickly averted my gaze. Nagpaalam nalang akong magsi-CR muna.

~*~

What is destiny? Sa dami ng tao sa mundo, tadhana bang makitang muli ang mga tao mula sa isang gabi na dapat sana ay kinakalimutan na?

Napahinga nalang ako ng malalim. Hindi naman sa ayaw ko sakanila, most of them are pretty great. I appreciate the fact that they're all artists, much like Kevin and me.

Napatingin ako sa kanila. Nasa bar na kami, nakaupo sa isang semi-circle na booth. Si Kevin ang nakaupo sa left-most end habang nasa tabi niya naman ako. Sa tabi ko naupo si Addy. Gaya ng sabi niya, isa siyang singer/songwriter.

Next to her is Kid, her boyfriend. He's a dancer and a performer. While Annie, who sat beside him, is a writer like me. Kaya pala naging panatag ako sa kaniya kahit papaano noong una naming pagkikita, kasi pareho pala kami ng kinahihiligan. 'Yun nga lang, novels at short stories ang focus niya habang plays naman sa 'kin.

Behind the Scenes [Edited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon