AOTD ~ Part 27 (Police DEADpartment)

787 33 4
                                    

Academy of the Dead

Written By: TidusFinal03

ALL RIGHTS RESERVED

2013

PART 27 (Police DEADpartment)

Hikaru's POV

Masayang-masaya ang barkada ng makaligtas sa paaralan at makalabas ng buhay. Pero may mga inaalala pa rin kami hanggang ngayon dahil wala sa amin ang iba naming kasamahan na sina Max.

Nasaan na kaya sila? Ano na ang nangyari sa kanila ng matapos ang pangayari sa Academy?

Sana ay ligtas pa sila at makita namin sila ng buhay, hindi bilang isang zombie.

Nandito kami ngayon sa West City Police Station kung saan nand'on ang hideout ng kuya ni Joana. Ito ang station kung saan pala naka-assign ang kuya niya magtrabaho bilang police.

"Kuya, takot na takot na ako sa mga nangyayari," paliwanag nito sa kapatid niya nang makapasok na kami sa loob.

"Magiging okay rin ang lahat ng ito baby, na-miss ka ni kuya. Akala ko, namatay ka na sa eskwelahan mo at lumong-lumo ako dahil wala akong magawa kundi bantayan ang mga kasama natin dito ngayon." May mga kasama kasi kami ngayon na dalawang matanda, isang binatilyong gangster, isang veteran artist, isang babaeng maarte at isang matabang lalaki.

"Eh kuya, nas'an na ang kasamahan mo?" tanong nito sa kapatid.

"Si Chief Esguerra, umalis kasama ang dalawang officers. Ako at si Aida lang ang naiwan dito. Si Aida pala ay nasa rooftop at siya ang look out kung may papasok na zombie o wala," sagit nito habang naglalakad papuntang operations room.

"Kuya, tutal nasa police station tayo, may mga baril pa po ba kayo dito?" sabat agad ni Gerald sa usapan.

Tama! Police station 'to. May mga baril at kung anu-anong armas ang maaaring magamit panlaban sa mga zombies.

"Oo naman, ngunit hindi na ito sapat laban sa mga zombie na nasa labas. Kung titingnan, masyadong kaunti ang stock at kapag naubusan, maaari na tayong mamatay."

"Jerry!" rinig naming may tawag sa kaniya.

Lumapit dito ang isang babaeng may suot na uniform ng police. Siya siguro 'yung Aida na sinasabi ni kuya.

"Oh, anong balita?" tanong nito nang makalapit na sa amin ang kasama niya.

"Bumalik na sila Chief," malungkot na saad nito. Teka, bakit kaya siya malungkot?

"Oh! That's great! Mabut–" hindu na nito natapos ang sasabihin ng marinig namin ang kalabog sa labas. Napatingin kami sa pintuan at bahagyang napatigil ang lahat sa kanilang mga ginagawa.

Bumukas ang pinto at lumabas ang isang duguan na police officer.

"Tu...tulong!" hingal na hingal at duguang sabi nito.

Nagulat kaming lahat sa aming nakita at takot ang bumabakas sa mga mukha ng mga kasama namin ngayon.

"Hey! Bakit kayo nagpapasok ng zombie? Patayin niyo 'yan!" sigaw ng babaeng maarte.

"Shut up!" sigaw ng veteran artist.

Napatigil naman ito. Sa takot namin, sinarado namin agad ang pinto.

"Aida, papuntahin mo sila sa back door," sabi ni Kuya Jerry.

"Pero..."

"Wala nang pero pero, basta papuntahin mo na sila sa back door." sigaw nito.

Academy Of The DeadWhere stories live. Discover now