AOTD ~ Part 19 (Street of the DEAD)

1.2K 33 2
                                    

Academy of the Dead

Written By: TidusFinal03

ALL RIGHTS RESERVED

2013

PART 19 (Street of the DEAD)

Third Person's POV

Malakas ang ulan. Patuloy pa rin sa paglalakbay ang grupo nila Hikaru. Hindi nila alam kung saan sila pupunta. Kung saan magtatago, kung saan mas ligtas ang buhay nila ngunit hindi nila alam kung saan dahil paniguradong kahit saan man sila pumunta ay walang tiyak na kasiguraduhan na sila ay ligtas.

Nagsalita si Jessica na may hawak na pagkain, "Ang hirap ng ganito, kung minsan naiisip ko na sumuko na tayo," napabuntong hininga naman ang lahat.

"Jessica..." nakatinging sabi ni Karen. Hindi rin niya alam kung anong sasabihin dahil ilang araw na rin ang lumilipas ng magsimula ang apocalypse. Wala na rin silang update sa pamilya nila dahil ang huling pagkausap nila sa mga pamilya nila ay 'yung panahon bago nila iligtas ang grupo nila Shiela.

Napatayo si Joshua. Agad itong tumayo sa gitna, "Ano ba naman kayo? Ikaw, Jessica, ang sabi mo may paraan pa at maaari tayong makaligtas sa sakunang ito pero ikaw na ngayon ang sumusuko. Marami pang araw at buhay pa tayo. Please... huwag kayong mawalan ng pag-asa. Hindi lang kayo ang nawawalan ng pag-asa. Maging ako sumusuko na rin minsan pero kahit gan'on pa man, iniisip ko na wala tayo sa sitwasyong ito kung hindi tayo nakipagsapalaran at namuhay. Masakit isipin pero nasa sakuna tayo. Kailangan lang nating makaligtas."

"Ngunit papaano? Anong paraan pa ang naiisip mo ngayon?" sumabat naman na si Cindy, "Kung ikaw ang nasa sitwasyon namin kanina, ang bata namatay sa mismong harapan namin. PINATAY SIYA! Alam kong para sa kaligtasan ng lahat. Gan'on na lang ba palagi? Bata 'yun. Ilang taon pa lang siya nabubuhay sa mundo pero nakita niya ang bagay na hindi naman kapani-paniwala," napaiyak na siya sa kaniyang sinabi, "Ito pa, masakit rin mawalan ng kaibigan. Nakita mo naman ang nangyari sa atin, nabawasan ng nabawasan. Namatay at pumapatay. Maaatim mo ba na ikaw na kaibigan papatayin mo siya? Paano ang pamilya mo kapag naging gan'on din, papatayin mo rin? Nakakawala na ng pag-asa kung may kaibigan o pamilya kang namatay."

Nagitla si Hikaru sa mga sinabi nito sa kanila. May punto ito sa mga sinabi niya. Masakit talaga ang mawalan ng pamilya.

"Oo masakit pero naisip mo ba na mamatay ka na lang din? Ayaw mo rin 'di ba?"

Nagkatinginan naman ang lahat. Naantala ang pag-uusap nila ng tumigil ang sasakyan nila. Tumahol naman ang maliit na aso na kasama nila. Nakaamoy ito na may sakunang paparating.

"Guys, nawalan tayo ng gas," sabi ni Max.

"Ngayon pa? Umuulan sa labas. Mahirap at mahamog at gabi na," sabi ni Harold.

"Wala tayong magagawa. Kung gusto nating makaalis kailangan na nating lagyan ng gaas dahil kanina marami akong nakikitang zombie sa labas," napabuntong hininga na naman ang lahat.

Academy Of The DeadWhere stories live. Discover now